Pages

Monday, April 2, 2012

Preboards.



Oh Lord thank you!!!

Preboard day 2 na. Halos makatulugan ko na pagrereview kagabi. Naisip ko lang ang BIAS din ng pagkakataon. Kase may mga classmates kameng naunang nag-take, yan tuloy, nagkakaroon kame (yung mga susunod na mag-tatake) ng idea kung anong susunod na mangyayari.

Although pantay pantay pa rin naman dahil pare-pareho lang din naman kame ng mga topic na merong reviewer at mga topic na walang reviewer. Dun sa Set B na test kanina, maghanda naman o hindi, madami pa ring mali, may mga bumagsak pa rin sa batch namin kanina.

We have five nursing practice exams for the preboard. NP1, NP2, NP3, NP4 at NP5. Sa bawat exam may 200 items. Yung 200 na yun hinati sa dalawa, Set A at Set B. Ngayon, kailangan maka-150 above kame para pumasa.

Kahapon, 91 (Set A) + 93 (Set B) = 184 ako. Walang problema sa NP1. Ngayong araw, NP2, kumulo ang tyan ko. Sa Set A, naka 94/100 ako. Ang problema ko dito e wala kameng reviewer para sa Set B, kaya lahat kame muntik ma-psychotic kanina.

Naalala ko tuloy ang lumang pilosopiya ng mga kaibigan ko dati sa CEU Makati habang nag-mamake-up before ang isa sa mga exams namin noon, "At least pag bumagsak ako, maganda pa rin ako.."

Baka di ko kayanin, kaya nag-calculate na ko kung ilan pa ba kailangan kong points. Kailangan ko ng tumatagingting na 56 points. Imbis na palaspas, yung libro na hawak ko kanina ang winagayway ko sa ere habang inuulit ulit yung mga salitang, "56.. 56... 56..." na parang nagtatawag ng multo. "56.. 56... 56..."

Ayan na,exams na. Matagal din akong nagsasagot, pero nung natapos na ko, di ko alam kung pipindutin ko ba yung salitang "FINISH TEST". Binalikan ko ulit yung mga sagot ko, binilang ko kung ilan yung sigurado. Sh*t, nasa 40 lang yata. Kinukumbinsi ko yung sarili ko na baka naman yung ibang hinulaan ko eh tama. Pero, ayun, pindot sa "FINISHT TEST" ---- "are you sure?" ----"YES". Sabay pikit ng mga mata.








Nyahahahahahahahahahahahahahahhaahhaha. Ang score ko? 56.  Walang labis walang kulang.

God is good talaga di ba? <3



**********

1 comment:

  1. Wow. Congrats! In house review ba kayo? Nag Gapuz Review Center ako sa SM Manila. Ok naman. Ang inaral ko lang noon, yung Gapuz book tska yung kay Carl Balita. Good luck! Basta aral lang ng aral! :)

    ReplyDelete

Anong meron?