Pages

Wednesday, February 20, 2013

Shaved hair.



Natawa ako.. kase egsoited much ako i-post ang new hair cut ko. Pinost ko toh agad agad sa tumblr. Pero mali yata ako ng ginawa. Tinag ko kase as #SHAVED. Nung tinry ko i-search, gulat much kase ibang mga larawan napasama ang picture ko. Ibang parte ang shaved!

Anyway, yahoooo! Finally I'm shaved! Sayang nga eh, kase nagpakulay din ako, kaso hanggang brown lang napakulay ko kase walang ibang kulay sila ateng na salon. Pero  baka next time, ako na lang magkulay sa sarili ko. Bibili ako ng orange.. lol.. o red.. or blue or green. Ang haba din kase ng buhok ko ngayon, ang mahal magpakulay sa labas.



I am sooo happy! and I'm so proud of myself!! And do more of what makes you happy? AYT? Hahahah! (: Feeling ko  bigla kong nakumpleto ang masculinity ko deep inside. At sobrang in love ako sa buhok ko ngayon! <3

**********

Monday, February 18, 2013

Fickle kang Gemini ka.

Nakangiti ako today. Nakangiti ako nitong mga nakaraang araw. Unusual! Alam niyo ba na may napansin ako. BIPOLAR yata ako. As in, feeeling ko kailangan ko ng gamot. Minsan masaya ako, minsan depressed naman. Kase... ganito yun.. nitong mga nakaraang araw ako ay super busy sa pag-iimport ng mga post ko mula sa isa kong lumang blog. Masaya naman ako habang ginagawa ko yun. Iniimport ko lahat, pero ineedit ko muna bago ko tuluyang pinupublish ang bawat post. Kaya ako natatawa, kase naman noh ang abnormal nung mga post na yun. Kase galing yun sa isa kong English blog.. yup! Nagkaroon ako ng English blog noong unang panahon. Grabe! Nakakagago yung english ko. Bukod sa mali-mali, pilit na pilit din. Parang di alam sasabihin o paano i-eexpress yung sarili.

Anyway, hindi naman yung katangahan ko sa English ang ikkwento ko, pero yung the way na mag-blog ako. Sobrang fickle! Una, magpopost ako na masaya ako, tapos may mga post na pinipilit maging masaya, tapos susundan ng post na malungkot, depress, tapos susundan ng post na magpapaalam panandalian, tapos magiging masaya na naman. May pattern!! Napansin ko din na ganito ako magpost dito at sa isa ko pang lumang blog, yung ROAD TO KILL. May mga masasaya, may mga badtrip, may mga walang kwenta. Pangalawa ko namang napansin, reflection talaga ng blog ko ang sarili ko. Sobrang OA ang mood swing! Tsaka alam ko na marami sa inyo ang nakapansin na gagawa ako ng blog tapos idedelete ko tapos gagawa na naman ako tapos magpapaalam na naman ako. ANG GULO! Gemini nga yata ako, magulo ang isip.

Buti nga itong blog na toh hindi ko pa naiisipang burahin sa mundo eh, pero sana naman hindi ko gawin yun. Pero kaya ko sinasabi toh lahat kase parang gusto ko na baguhin ang ugali kong ganito. Gusto ko na maging yung person na may isang salita, may malinaw na desisyon. Nakakasawa na kase eh. Ang immature. Tulad na lang sa work ko, di ba? Lately? Sabi ko okay kakayanin ko, biglang next post ko nakapagresign na! Ang gago lang.

Hindi naman pwede maging ganito sa totoong buhay! Dapat mature enough to face the consequence ng mga desisyon ko. Para kaseng wala naman ako kapupuntahan kong ganito. Kaya gusto ko na magbago! Feeling ko din kaya ganito ako kase swerte ako sa buhay kong ito. Kaya ako mabilis magbago ang desisyon at kaya ako madaling magsawa, kaya ako hindi sanay na magtiis, dahil lumaki akong swerte. Alam ko, hindi kame magkakasama nila mama, malungkot, pero never ako naghirap ng super hirap. Di ba? Hindi ako katulad ng iba na sobrang nag-woworking student pa para lang maka-graduate. Siguro ito yung ugat, kaya hindi ako sanay ng nagtitiis, kaya ang dali ko magsawa. Pero hindi ko rin sinasabi na ganun kame kayaman ah, hindi ah! Kaso lang never ako naghirap na as in wala ng makaen. Obvious naman sa aking katawan! Tsaka sobrang spoiled ako, lalo na nung bata ako.

Pero, yun nga, sabi ko nga, gusto ko na magbago. Ayuko na nung ganito, yung hindi ako marunong magtiis, tapos kapag maisipan lang at kapag nakahanap ng mas madaling butas, dun ako automatic. Hmmmm.. dapat i-challenge ko naman sarili ko.

Tsaka, isa pa, natatakot din ako kase aalis na naman ako ng bansa eh. Shit talaga kapag wala na naman akong nahanap na trabaho. Nung nabasa ko kase yung mga previous post ko (yung mga post nga na galing sa English blog ko), naalala ko tuloy na yun pala yung time na kadadating ko lang ng states, tapos kaya ko ginawa yung blog na yun kase nga nagppractice ako mag-English, tapos hanap ako ng hanap ng trabaho, nung nagkaroon, ayuko na bigla kase super hirap. Naaalala ko pa nga sinabi nung nag-employ sa kin nun eh. Sabi niya wala daw ako mapapala kung nag-iinarte ako, one way or another daw kase kailangan ko maranasan mag-alaga, caregiving kase yung position na yun eh, tapos sobrang ang critical ng una kong sabak.

Tapos after nun, naghahanap ulit akong work pero wala na ako makita. Tapos nakakadepress yung time na yun.

Anyway... sabi ko nga, yun yung kinatatakutan ko at the moment, na baka wala na naman ako mahanap na trabaho. Wag naman sana! At sana, ayun, maging more responsible na ako, hindi lang dito sa blog ko, kundi sa career ko.

**********

Friday, February 15, 2013

End of Ambivalency

Nag-eexplain ako dun sa Below Standard na member. Badtrip pero kalmado pa rin ang boses. Pero deep inside panic mode din naman dahil di ko alam kung anu-ano na pinagsasabi ko. Ganun naman madalas ang mga taga Trust and Safety eh, professional na professional pa rin ang dating kahit na nagmumura na deep in side. Naging supas ang call.

Tatayo na ko, maghahanap ng supas. pero nakatingin sa kin at parang may sasabihin yung katabi ko na hindi ko alam kung lalaki or baliko. Taga ibang department, yung department na katabi namin lagi ngayon. Bigla niyang sinabi sa kin na parang ang kalmado ko pa rin kahit nakakainis na yung usapan, kung siya daw yun, baka kanina pa siya nagwawala sa mesa niya. Wow. Na-flattered ako konti.

Natuwa ako syempre. Naging proud ako para sa department namin. Naalala ko bigla yung sinabi ni Coach dati kase sabi niya, challenging pero worth it. Blessed talaga ako na na-experience ko mapunta sa ganitong department. Dalawang beses nga yata ako napagkamalan ng member na supervisor. May ngiti sa mga labi ko... pero, last day ko na kanina.

Yung desisyon na naman na toh, isang desisyon na nagawa ko na sa nakaraan. Pero, infairness, ito ang isa sa mga pinakamahirap na desisyon na hinarap ko sa buhay ko. Ngayon lang ako naging sobrang AMBIVALENT! Usually, pag gusto ko, gusto ko. Pag-ayaw ko, ayaw ko. Tapos! Ito.. super, sawsaw suka ako.

Sobrang blessed ako kase kasundo ko lahat, kaibigan ko na lahat, at blessed ako sa mga naging leader ko na sobrang bait, sobrang supportive at sobrang considerate.

Walang problema sa environment, walang problema sa mga entertainment, mga contest at kung anu-ano pang mga bagay na pinapauso ng company na masasabi mong magbibigay ng kulay sa working environment mo every week.

Nung una ko ngang nalaman na ang department na mapupuntahan ko ay isa sa mga department na mayabang, eh natuwa ako. Kase naman, taas noo kame kapag nakikipag-usap sa mga member. Hindi kame ang department na OO lang ng OO, may sariling prinsipyo baga.

Pero kailangan ko pa din umalis.

Masarap sa feeling yung pinipigilan ka, kung baga, mararamdaman mo din na shet kahit konti importante ka. Madalas nila ako kumbinsihin na wag na umalis, matagal pa naman ang flight, minsan feeling ko successful sila sa pagkumbinsi sa akin. Pero, unang-una, nasabi ko na, pangalawa ayuko na silang paasahin.

Nakapag-decide na ko. Alam ko, may mga good and bad desisyon ako, pero, whatever! Kahit naman ano maging desisyon natin, there will still be something good pa rin na lalabas at lalabas out of it, kaya totoo lang, hindi ako nag-aalala.

Pero, gusto kong magpasalamat.

Thank you sa aking COACH at TL. Super. Kahit na alam niyong aalis na ko, todo support pa rin kayo, lalo na kapag sumasaklolo na talaga ako sa sitwasyon. Totoo lang, di ko nga alam kung sapat yung thank you eh. Kase naman lahat na ng consideration para sa isang katulad ko na lalayas na at hindi naman deserving eh binigay niyo pa din.


Thank you sa mga friendship. Di mo talaga mapipigilan kase maka-close ang mga lagi mong kasama. Pero thank you kase kahit konti hindi ako nagkaroon ng kasamaan ng loob sa inyo, ang gaan niyo kasama at ang weweird niyo at lagi niyo ko napapatawa at mamimiss ko ang ka monotone ni Miggy, ang kalampahan ni Tin, ang lumilipad na utak ni Chee, ang kasweetan ni Mami Alice, ang kagandahan ni Janene at syempre si Clar din (sige na nga mabait ka na at kwela) na buong buhay ng training ko jan eh kasama ko! At syempre sa pinakamamahal kong si AnnaB! Na super supportive din sa lahat ng naging desisyon ko! At ang the rest na mga nilalang na hindi ko na mababanggit dito!




Babalitaan niyo na lang ako pag puro mga promoted na kayo ah! Hihihi! I will miss you guys! Thank you for the awesome moments I had with you!! Alam ko naman na one way or another makakalimutan niyo din ako! Hahaha..!! Ang importante, naging part kayo ng life ko, and forever treasured yun!

Anyways, ang arte masyado.. kala mo naman end of life na! Magkikita-kita pa naman tayo di ba? Dahil alam ko magtatagaytay daw tayo eh! Hahahahahahaha! Basta alam ko may lakad pa tayo! Wihihihihihi!! (:

I love you guys! Geh! Chao!

**********

Friday, February 8, 2013

Innocent Smile


Wow.. vanity again like I used to do sa aking blog. (: Artista ako ng sarili kong storya, syempre dapat nagkalat ang picture ko. Although at the moment ako ay super paranoid dahil nga sa feeling ko masyado nang expose ang aking kagandahan sa buong internet. Tsaka ang dami ko ng data na para bang I wanna grab it all at itago sa some place safe. Anyway...

Hi! Ito ang mukha ng inaallergy. Pero kung tatanungin niyo po kung allergy yung dalawang bagay na nasa mukha ko sa picture na yan eh hindi po ang isasagot ko. Yan po ay mga pimples. Lately super dinagsa ako ng pimples, parang may world tour lang sa dami nila.. wala ako magagawa.. dahil parte nga yata talaga ng buhay ang pimples.

Pero hindi rin about sa pimples talaga ang post na ito. Gusto ko lang magpost kase may cute na bata akong nakita kanina. Hayyyy.. sana may ganun din ako.

Kase nasa Jollibee kame ni Mayk, tapos kamot ako ng kamot sa aking wrist at sa likod ng tuhod ko (POPLITEAL po ang tawag sa part ng katawan natin na ito) na kasalukuyang makati kase nga nandun nagkukumpol ang allergy ko at those very moment. May mag nanay akong katabi na nasa kabilang table. Di ko naman sila tinitingnan at pasensyosa akong naghihintay kay Mayk na nasa counter at umoorder ng pagkaen. Although nakikita ko sila sa gilid ng aking mga mata, hindi kase ako mahilig mag people watching, kung baga respeto, ayuko mag-stare sa mga tao masyado, minsan lang. Kaya kahit katabi ko yung mag nanay, dedma lang. Full focus at kabadtripan ako sa allergy ko.  Kaso ito na yung cute na part. Yung bata, super liit lang, parang mga 2 or 3 years old lang, naglakad na siya, nauna siya sa Nanay niya, tapos may hawak siyang pagkaen (hindi ko maalala kung float ba or fries, basta something eh), medjo nag-aayos pa ng lamesa yung nanay niya, tapos napatingin ako sa kanya, tumigil siya sa harap ko.. sa harap nung table ko, tapos tumingin siya sa akin... super inosente nung mukha..  tapos.. tapos... nginitian ko siya...

At...

Hihihihihihihihihi... ang cuuuuuuttttteeeeeeeeeee!!!!!! Ngumiti din siya pabalik sa kin!!! Tapos ang cute cute niya nung ginawa niya yun.. na parang.. ihhhhh!! Sana may ganun din ako... tapos nanjan na yung nanay niya tapos naglakad na sila paalis tapos psway sway pa siya maglakad.

Waaaah. Wala lang. Ang cute!! Kailan kaya ako magkakaroon ng ganun ka cute na baby! Hihihihihi! (:
Ayun lang naman.. siya lang naman ang nagpasaya sa araw ko kahit na allergy allergy everywhere! Hay!

**********

Thursday, February 7, 2013

Muni-muni sa oras

Paano kaya kung wala yung term na oras? O di kaya, paano kung biglang tumigil ang oras? Yung may enough kang panahon bigla para gawin ang mga dapat o gusto mong gawin?

Dahil walang oras, wala na rin yung term na early bird o di kaya late. Di mo na kailangan magmadali papuntang work, pwede ka maglakad kahit galing kang north at sa south ang trabaho mo. Siguro mas kalmado ang mga driver sa kalye kase di naman nila kailangan magmadali eh. Siguro mas bibigyan mo ng ditalyeng pag-iingat ang trabaho mo o mas pagbubutihin mo ang mga projects mo sa school kase wala ka namang deadline eh.

Ang weird nun.

May nabasa nga ako one time sa tumblr eh, parang isang pahina sa libro ang pinicturan at inupload. Sabi dun, paano kaya yung mga hayop, ano kaya perception nila sa katapusan ng buhay? Hindi siguro nila alam yun, hindi katulad nating mga tao, parang laging takot mamatay, takot maubusan ng oras. Nakatatak na sa buhay natin na kailangan nating kumilos ngayon para sabihin naman natin na may katuturan naman ang buhay natin.

Wala lang.

Ano nga ba ang mas maganda? Maging successful sa buhay o maging masaya? Pagnatapos na ang oras ko sa mundo na ito ng mayaman ako, masaya din kaya ako nun? Pwede kaya maging at the same boat? Kapag yumaman ako by that time, ibig sabihin nagpursige ako sa buhay ko at binigay ko ang bawat oras ng buhay ko sa pag-gawa ng pera. Pag masaya naman ako by that time, baka naman binigay ko naman ang oras ko sa pag-eenjoy. Hmmm.. eh ano ba talaga dapat?

O kaya, mag hintay na lang ako sa blessings na ibibigay sa kin ni Lord? Sus.. parang di naman yata pwede na ngumanga lang ako habang naghihintay.

Time is running. Di naman pwede tumigil sandali. Kailan kaya ako mag-uumpisa mabuhay.. yung totoo.
**********

Monday, January 28, 2013

Pagkakamali

Naririnig mo ba sarili mo?
Nakikita mo ba ang mga pinag-gagawa mo?

Di nga?



Naririnig mo ba sarili mo? Naririnig mo ba ang mga salita na lumalabas sa labi mo? Siguro ganun nga talaga. Minsan na ding naimbento ang salamin para makita mo minsan ang sarili mo, pero hindi talaga ang mga repleksyon ng mga pinag-gagawa mo sa buhay mo. At kaya siguro hindi naimbento ang mga mata natin na nakalutang sa ere eh dahil siguro tinadhana talaga na hindi natin masyado makita ang mga pagkakamali natin. Siguro kase dapat yata talaga tayong magkamali talaga para matuto.

Nakakabadtrip noh? Minsan di na rin natin alam mali sa sarili natin, kung pwede lang kunin yung eyeball ng mga nakakakita sa tin para magkaroon lang tayo ng concrete na idea kung ano na nga bang mali sa pagkatao natin.

Minsan, dahil hindi nga naman natin nakikita ang sarili natin, at wala naman tayong 24-hours na surveillance camera na tig-iisa, eh wala tayong idea na may ginagawa na pala tayong mali. At worst, walang paki din ang mga tao sa paligid natin at wala silang oras makipagtalo sayo kung feeling naman nila eh self-centered kang tao.

Ang maganda nito, sa kabila ng pagpapakatanga at pagpapaka-gago natin, at least may mga natututo. Nagmamature, nagmomove-on, nag-ggrow ng hindi lang basta tumatanda.

Sana nga natututo talaga di ba? Kase, di ba? Tanggapin natin, may mangilan-ngilan na tumatanda ng walang natututunan, pero ganun lang naman ang buhay. Nasa huli talaga ang pagsisisi dahil nasa huli talaga eh, wala namang sense kung nasa unahan di ba?

There's more to look forward pa pala bukod sa huminga, kumaen araw-araw, magpakasaya, magpakalango sa alak, manigarilyo, makipagdaldalan, sumakay sa jeep, makipagsiksikan sa sandamakmak na tao, mangarap na pumunta sa ibang bansa at manghangad ng usong cellphone. There's more than that.

Ang mabuhay.

Ang mabuhay ng may prinsipyo. Ang malito at maligaw ng landas. Ang mag-move on. Ang magmahal. Ang magpakatotoo at ang magkamali ng bonggang bongga para in the end matuto.

**********

Monday, January 14, 2013

Perseverance.


Last week, ang dami kong nararamdaman. Puno ng takot. Takot na baka mag-quit na naman ako sa ginagawa ko ngayon, tulad nung ginawa ko DOON. Lagi akong nakatingin sa EXIT, pinipilit na lumingon palayo. Naglista ako sa planner ko. Limang reason bakit hindi ako mag-ki-quit. Limang reason bakit ako papasok araw-araw sa work. Dahilan kung bakit ko toh kakayanin. At paano ang lahat ng ito ay magiging possible.

Sinulat ko ang malaking salitang PERSEVERANCE sa planner ko sa simula nung linggo last week. At nung natapos ko ang isang buong week na yun, shet, I survived! Masarap na feeling.


Ikkwento ko sa inyo ang isa sa mga kwento na nabasa ko sa isa sa mga paborito kong libro, na madalas ko nababanggit dito sa blog ko, yung Become the Person You Dream of Being ni Wes Beavis.

Sa kwento, may one time, yung nagsulat, nagdecide siya na sasakay siya ng bike papunta sa isang lugar na 600 miles ang layo. Wala talaga akong idea gaano kalayo yung sinasabi niya, pero nagpatuloy ako magbasa. 
Kinahapunan ng unang araw niya mag-bike, tumigil muna siya sa isang gas station para uminom, ang dami niyang dala sa bike niya eh kaya may napatanong kung saan siya pupunta. Di naman siya nagdalawang isip na sabihin, pero natawa yung nagtanong sa kanya. 
Nagpatuloy pa rin siya kahit medjo discouraged na siya sa ginawang impression nung nagtanong. Nung kinagabihan, feeling niya talaga medjo malayo na din ang narating niya, pero nagulat siya kase pagtingin niya sa mapa niya sobrang ikli nung na-bike na niya kumpara sa kailangan pa niyang lakbayin.  
Pangalawang araw, masakit na katawan, masakit na pwet, pero nagpatuloy pa rin siya kahit na hindi niya expected na isang bundok pala ang kailangan niyang daanan. Pangatlong araw, ayaw niya pag-usapan at nung pang-apat na araw, gusto na niya mag-quit. 
Nandun ako last week, sa part na yun kung nasaan siya nung pang-apat na araw. Bubuo ka sa isipan mo ng madami at perfect na dahilan para mag-quit at ganun ang utak ko. 
Madali lang ang plano niya para makauwi na lang, sasakay na lang siya sa train sa susunod na bayan. Nung nagtanong siya dun sa bata sa kinainan niya ng tanghalian kung saan yung train station, medjo naguluhan siya. Lumabas siya nung diner, umupo sa gilid ng kalsada at nilapag niya yung mapa niya sa sahig. Nagdadasal na sana makauwi na siya, biglang hinangin yung mapa niya kaya natupi. 
Natupi yung mapa in a way na yung next town lang ang nakikita. Dun niya narealize na parang di naman masyado malayo, at nagdesisyon siya na pagbigyan ang sarili, na okay sige, yung next town lang na yun ang iisipin niya at wala na munang iba. Nakarating siya dun. Na-encourage na siya ulit. Naisip niyang ituloy ang sinimulan kaya kinabukasan tiningnan niya ulit ang mapa niya, tapos tinupi niya ulit enough para makita lang yung susunod na town ulit. 
Naisip niya na mas madali tong ganito. Para bang short term goals in align with the long term goal. Ginawa niya yun araw-araw hanggang sa, ayun, pang-7th day nakarating siya sa pupuntahan niya talaga!! SUCCESS! Sobrang saya niya at sa sobrang saya niya napakanta pa siya. 
Napansin pa niyang napatingin yung mga tao mula sa nagdadaanang kotse sa gilid niya. Pero who cares?! Sila nakarating sila dun para i-claim na naman ang bagong araw sa trabaho, siya nandun siya para i-claim ang kanyang victory. 
Mental strategy ang nangyari nung pang-apat na araw ayon sa kanya. Sabi pa niya na-realize niya na, "The role of the a big goal is to act as a reference for direction not to act as a reference for distance."

Di ba? Minsan yung impossible, possible naman talaga. Minsan baka akala ko lang di ko kaya baka kaya ko talaga.

Natuwa ako, kase nag-survive ako at ngayon panibagong week na naman. Ang gaan sa feeling na isang week lang muna at ang mga immediate na goal lang muna ang i-fofocus ko. Hindi nakaka-pressure yung dating. Ang realistic ng dating. Ang naiisip ko at the moment eh sige lang ng sige sa pag-survive along with giving my best this coming week. Alam ko kase na kahit na pinilit ko mag-survive last week eh hindi ko naman nabigay ang best ko talaga. Ngayon week, yun naman ang goal ko.

Gusto kong tapusin na tong nasimulan ko, ayuko na mag-quit!! Hindi masarap yung feeling. Nakakadepress!! Ang sarap nung feeling nung naka-survive ako last week, what more kapag nakapag-survive ako sa kabuuan? Sabi nga ng coach namin, this is something challenging but it is something to be proud about in the end!! Kaya ko toh!

At syempre, sobrang di ko makakalimutan i-acknowledge si God. I was praying and praying to Him to give me courage. Na tanggaling na lahat ng bad vibes na nararamdaman ko. Tulungan niya ko tanggapin na hindi ako perpekto at magkakamali at magkakamali ako para mag-grow at para matuto. Prayers do help talaga! Nakakagaan ng pakiramdam!! Do your best and He will do the rest!

You may be disappointed if you fail, but you are doomed if you don't try. - (Beverly Sills)
**********

Monday, January 7, 2013

Birthday ng aming Nanay


Contented ang aking weekend off dahil sa celebration ng birthday ng aming Nanay, na aking lola na mother ng aking mother. Masaya! Ngayon  lang kase ulit kame nagkaroon ng celebration na ganito ng aking family. Ngayong lang ulit, kase naaalala ko naman nung bata kame may mga mini reunion pa rin kame kahit papaano, at sobrang tagal na nung huling naulit. Although hindi complete, madami pa rin kame kaya masayang masaya ako.

Family-oriented nga talaga akong tao, masyado akong sensitibo sa mga ganitong pagkakataon. Ako lang at ang Kuya Coco ko ang representative ng aming pamilya, tapos maaga din umalis si Kuya Coco so parang ako lang talaga.

Thank you talaga sa pinsan ko na si Denison, siya kase ang nagplano at nag-asikaso ng lahat para matuloy-tuloy toh. At it did, natuloy nga! (: Surprise toh para kay Nanay at wala siyang kaalam-alam na magsswimming talaga kame.

Narealize ko during nung outing na toh, na alam mo yun, kahit na super hirap ng buhay most of the time, iba pa rin kung magkakasama kayong humaharap sa lahat ng challenges ng buhay. Walang pera, pero magkakasama. Sana naging ganun na lang din buhay namin nila Mama.

Nag-outing kame sa Pansol, Calamba, at totoo lang hindi ko i-cocommend yung inistayan namin dahil hindi kame ganun ka-satisfied, pero sinulit na lang namin ang 24 hours stay namin doon.

Kaen, videoke, swimming at inom. Nag-taya-tayaan pa kame sa pool, hihihi kaya masaya. Pero grabe lasing na lasing ako kahapon, at hiyang hiya naman ako hahahaha ngayon lang nila ako kasama nagkaganoon pa ko. Ang sarap kase uminom eh habang nakikipagkwentuhan sa mga pinsan ko, kay Denison at kay Darius. Si Darius yata ang pinakasweet sa lahat ng pinsan ko..

Tapos, naunahan na ako ng mga pinsan ko magkaanak, at totoo lang naiinggit ako. Para bang nakatali ako dun sa expectation sa akin ng Mama ko at parang di ko magawa yung gusto ko. Tapos maaalala ko pa yung P.S. I love you na movie na pinanuod namin ni Mayk. Yung girl dun nagpplano para sa future nila kaya hindi muna sila nagkaanak nung guy, sinasabi nung guy madami daw tao araw-araw ang nagkakaanak ng walang pera at okay naman ang buhay nila ngayon, at nakikita ko yun sa mga pinsan ko, sa mga kuya ko, na mukha naman silang okay. Hanggang dun sa story, namatay yung guy at wala na.

Sa  isip ko, sana madami pang pagkakataon na ganito. Mga mini celebration, mga mini reunion. Kase naman noh, ang layo-layo ng pamilya namin sa mga kamag-anak namin, ever since. Mapa-father side or mother side,  yung mga pinsan ko super close sa isa't isa, halos magbbestfriends na, pero kameng magkakapatid, wala kameng close sa kanila, kaya parang medjo nalulungkot ako.

Ayun, hopefully masundan pa ulit toh. (:

Happy Birthday sa aming Nanay!!


**********

Saturday, January 5, 2013

Nasan kaya ang tamang panahon?

Bakit sa araw-araw para tayong naghihintay dun sa perfect moment, yung moment na parang magiging okay na ang lahat, magiging magaan or something. Ewan ko. Parang nangyayari tuloy nabubuhay tayo na naghihintay sa mga pangarap na yun. Wala akong sinasabi na hindi matutupad yun o na mali ang mangarap, pero, nakakapanghinayang.

Gusto ko mabuhay sa ngayon, live at a moment.

Kapag lumubog na ang araw at isang buong magdamag na naman ang nakalipas, hindi na natin mababalik ang lahat.

Gusto kong gawin ang mga gusto kong gawin kase ayuko magsisi. Kaso minsan ang mali lang sa kin ang dami ko inuumpisahan pero hindi ko naman matapos. Seryoso, nireremedyohan ko naman ang ugali kong Ningas Kugon, ang hirap.

Mabalik sa topic, yun nga, madaming nabubuhay sa pantasya ng facebook, pantasya ng instagram, documentado ang lahat ng pangyayari sa buhay at nakalathala sa mga online site ang lahat ng yun, pero sino na nga kaya sa lahat ng nagpost ng mga yun ang nabubuhay at the moment?

Isang hiling ko dati na hindi natupad (alam mo naman dahil spoiled ako sa sarili kong mundo, lahat ng gusto ko nasusunod), eh yung manahimik na lang kame sa Pinas ng pamilya ko.

Gustong gusto ko yun, kase unang-una, hindi ko na siguro kailangan kumuha ng Nursing kung nangyari yun, dahil kailangan namin magtipid sa tuition fee, meaning siguro nakuha ko ang gusto kong kurso.

Pangalawa, siguro may laman lagi ang bahay, may lamang ang ref at magkakasama kame sa mga importanteng okasyon ng buhay namin.

Matagal na ko nangangarag sa simpleng buhay, pero hindi ganun ang pananaw nila.

Maraming hirap ng buhay ang di ko pa alam na nararanasan ng pamilya ko, mga sama ng loob, mga nasirang pag-ibig,  mga utang, mga narematang bahay at kotseng walang maintenance. Mga bagay na kailangan ng pera at hindi sapat ang magkakahawak na kamay para maresolba. Kailangan talaga umalis, magpakalayo-layo, maghanap ng pera dun at subukang mag-survive sa araw-araw.

Hanggang ngayon, naghihintay pa rin kame sa mga pagkakataon ng buhay, naghihintay pa rin dun sa panahon na magiging masaya kame, pero kailan kaya yun, bakit hindi maging masaya ngayon...
**********

Friday, January 4, 2013

Mga galing sa planner

Happy New Year! Alam ko, late na masyado. Wala ako masyado makwento lately just simply because nasabaw ako. Pero anyway, simula today magcocompile na ko dito sa blog nung mga past na nasulat ko sa kung saan-saang sulok ng buhay ko. I mean for example sa planner, sa ibang blogs ko, sa mga papel na pakalat-kalat sa bahay o kahit saan man. Mahilig kase ako mang baboy basta may ballpen ako, at kung anu-ano din nasusulat ko, so mag-sisimula na ko today. Masarap magreminisce lagi.

Today binuksan ko ang Starbucks planner ko last year (2012) na hindi ko na nagamit pagdating ng April kase masyado akong nastress nun sa mga requirements para sa registration for the board exam. Excuses.com. Lol! Disclaimer: hindi lahat ng isusulat ko dito eh idea ko, minsan kinopya ko lang sa libro, sa movie o kung saan man. At hindi rin lahat ng nasusulat dito ay puro mga kinopya ko lang, minsan din mula yun sa ma-fat kung utak. Anyway! Let's start!


  • I have learned that bad things will eventually go away, but first we should learn how to let it go. I don't want to wake up each day contemplating on the same problem, the same mistakes and the same immaturity over and over again.
  • The time for action is now. It's never too late to do something. - Carl Sandburg
  • SILENCE. It's gold. We don't need to BLAH BLAH BLAH everything. Mature thing to do.
  • Share HAPPINESS hindi puro sama ng loob.
  • Don't go through life, grow through life - E.Butterworth.
  • We can't do great things, only good things with great love - Spiritual Nursing
  • Dear myself, okay lang magbago basta for the better.
  • Stop the EXCUSES learn to be true.
  • We only find peace when we accept the things that we cannot change and the people who cannot love us back.
  • There are only two ways to live your life. One is as though nothing is a miracle, the other is as if everything is. - Albert Einstein
  • The best way to prepare for life it to begin to live. - Elbert Hubbard
  • It's easier being true!
  • Intellectual Humility: Having an awareness of the limits of one's own knowledge. Admit what you do not know. Never assume that what everybody believes to be right will always be.
  • ORGANIZE your life around your dreams - and watch them come true.
  • DETERMINATION regardless of the difficulties and frustrations.
  • Never compare your standing with other's.
  • Blessings will always look small if you will hold them in your hand. But if you learn to share them, you will realize how big and precious they are.
(:


**********