Contented ang aking weekend off dahil sa celebration ng birthday ng aming Nanay, na aking lola na mother ng aking mother. Masaya! Ngayon lang kase ulit kame nagkaroon ng celebration na ganito ng aking family. Ngayong lang ulit, kase naaalala ko naman nung bata kame may mga mini reunion pa rin kame kahit papaano, at sobrang tagal na nung huling naulit. Although hindi complete, madami pa rin kame kaya masayang masaya ako.
Family-oriented nga talaga akong tao, masyado akong sensitibo sa mga ganitong pagkakataon. Ako lang at ang Kuya Coco ko ang representative ng aming pamilya, tapos maaga din umalis si Kuya Coco so parang ako lang talaga.
Thank you talaga sa pinsan ko na si Denison, siya kase ang nagplano at nag-asikaso ng lahat para matuloy-tuloy toh. At it did, natuloy nga! (: Surprise toh para kay Nanay at wala siyang kaalam-alam na magsswimming talaga kame.
Narealize ko during nung outing na toh, na alam mo yun, kahit na super hirap ng buhay most of the time, iba pa rin kung magkakasama kayong humaharap sa lahat ng challenges ng buhay. Walang pera, pero magkakasama. Sana naging ganun na lang din buhay namin nila Mama.
Nag-outing kame sa Pansol, Calamba, at totoo lang hindi ko i-cocommend yung inistayan namin dahil hindi kame ganun ka-satisfied, pero sinulit na lang namin ang 24 hours stay namin doon.
Kaen, videoke, swimming at inom. Nag-taya-tayaan pa kame sa pool, hihihi kaya masaya. Pero grabe lasing na lasing ako kahapon, at hiyang hiya naman ako hahahaha ngayon lang nila ako kasama nagkaganoon pa ko. Ang sarap kase uminom eh habang nakikipagkwentuhan sa mga pinsan ko, kay Denison at kay Darius. Si Darius yata ang pinakasweet sa lahat ng pinsan ko..
Tapos, naunahan na ako ng mga pinsan ko magkaanak, at totoo lang naiinggit ako. Para bang nakatali ako dun sa expectation sa akin ng Mama ko at parang di ko magawa yung gusto ko. Tapos maaalala ko pa yung P.S. I love you na movie na pinanuod namin ni Mayk. Yung girl dun nagpplano para sa future nila kaya hindi muna sila nagkaanak nung guy, sinasabi nung guy madami daw tao araw-araw ang nagkakaanak ng walang pera at okay naman ang buhay nila ngayon, at nakikita ko yun sa mga pinsan ko, sa mga kuya ko, na mukha naman silang okay. Hanggang dun sa story, namatay yung guy at wala na.
Sa isip ko, sana madami pang pagkakataon na ganito. Mga mini celebration, mga mini reunion. Kase naman noh, ang layo-layo ng pamilya namin sa mga kamag-anak namin, ever since. Mapa-father side or mother side, yung mga pinsan ko super close sa isa't isa, halos magbbestfriends na, pero kameng magkakapatid, wala kameng close sa kanila, kaya parang medjo nalulungkot ako.
Ayun, hopefully masundan pa ulit toh. (:
Happy Birthday sa aming Nanay!!


Happy birthday sa inyong Nanay :) Sana nga more events pa like this para more time para maka bond nyo mga pinsan nyo :)
ReplyDeletemay kasunod pa yan, basta maniwala ka lang, namiss ko rin ang mga ganyang occasion dahil the same as u family oriented ako, kaso wala na akong nanay, nanay ng aking nanay at even my mother wala na kaya sulitin ang mga moments na andyan pa sila, dahil hindi natin alam pagkagising natin sa isang umaga iba na ulit ang takbo ng ating buhay. happy birthday sa nanay mo!!
ReplyDelete