Pages

Monday, January 28, 2013

Pagkakamali

Naririnig mo ba sarili mo?
Nakikita mo ba ang mga pinag-gagawa mo?

Di nga?



Naririnig mo ba sarili mo? Naririnig mo ba ang mga salita na lumalabas sa labi mo? Siguro ganun nga talaga. Minsan na ding naimbento ang salamin para makita mo minsan ang sarili mo, pero hindi talaga ang mga repleksyon ng mga pinag-gagawa mo sa buhay mo. At kaya siguro hindi naimbento ang mga mata natin na nakalutang sa ere eh dahil siguro tinadhana talaga na hindi natin masyado makita ang mga pagkakamali natin. Siguro kase dapat yata talaga tayong magkamali talaga para matuto.

Nakakabadtrip noh? Minsan di na rin natin alam mali sa sarili natin, kung pwede lang kunin yung eyeball ng mga nakakakita sa tin para magkaroon lang tayo ng concrete na idea kung ano na nga bang mali sa pagkatao natin.

Minsan, dahil hindi nga naman natin nakikita ang sarili natin, at wala naman tayong 24-hours na surveillance camera na tig-iisa, eh wala tayong idea na may ginagawa na pala tayong mali. At worst, walang paki din ang mga tao sa paligid natin at wala silang oras makipagtalo sayo kung feeling naman nila eh self-centered kang tao.

Ang maganda nito, sa kabila ng pagpapakatanga at pagpapaka-gago natin, at least may mga natututo. Nagmamature, nagmomove-on, nag-ggrow ng hindi lang basta tumatanda.

Sana nga natututo talaga di ba? Kase, di ba? Tanggapin natin, may mangilan-ngilan na tumatanda ng walang natututunan, pero ganun lang naman ang buhay. Nasa huli talaga ang pagsisisi dahil nasa huli talaga eh, wala namang sense kung nasa unahan di ba?

There's more to look forward pa pala bukod sa huminga, kumaen araw-araw, magpakasaya, magpakalango sa alak, manigarilyo, makipagdaldalan, sumakay sa jeep, makipagsiksikan sa sandamakmak na tao, mangarap na pumunta sa ibang bansa at manghangad ng usong cellphone. There's more than that.

Ang mabuhay.

Ang mabuhay ng may prinsipyo. Ang malito at maligaw ng landas. Ang mag-move on. Ang magmahal. Ang magpakatotoo at ang magkamali ng bonggang bongga para in the end matuto.

**********

4 comments:

  1. Gasgas na nga yung kasabihang the way to learn things is through mistakes pero totoo naman kasi eh.

    ReplyDelete
  2. haaaiiist baby ako din daming katangahan at pagkakamali lately.... :'(

    ReplyDelete
  3. mahalaga ngang mafeel ang mabuhay - ang maging masaya kahit dahil lamang sa mga simpleng bagay :)

    ReplyDelete

Anong meron?