Pages

Monday, January 14, 2013

Perseverance.


Last week, ang dami kong nararamdaman. Puno ng takot. Takot na baka mag-quit na naman ako sa ginagawa ko ngayon, tulad nung ginawa ko DOON. Lagi akong nakatingin sa EXIT, pinipilit na lumingon palayo. Naglista ako sa planner ko. Limang reason bakit hindi ako mag-ki-quit. Limang reason bakit ako papasok araw-araw sa work. Dahilan kung bakit ko toh kakayanin. At paano ang lahat ng ito ay magiging possible.

Sinulat ko ang malaking salitang PERSEVERANCE sa planner ko sa simula nung linggo last week. At nung natapos ko ang isang buong week na yun, shet, I survived! Masarap na feeling.


Ikkwento ko sa inyo ang isa sa mga kwento na nabasa ko sa isa sa mga paborito kong libro, na madalas ko nababanggit dito sa blog ko, yung Become the Person You Dream of Being ni Wes Beavis.

Sa kwento, may one time, yung nagsulat, nagdecide siya na sasakay siya ng bike papunta sa isang lugar na 600 miles ang layo. Wala talaga akong idea gaano kalayo yung sinasabi niya, pero nagpatuloy ako magbasa. 
Kinahapunan ng unang araw niya mag-bike, tumigil muna siya sa isang gas station para uminom, ang dami niyang dala sa bike niya eh kaya may napatanong kung saan siya pupunta. Di naman siya nagdalawang isip na sabihin, pero natawa yung nagtanong sa kanya. 
Nagpatuloy pa rin siya kahit medjo discouraged na siya sa ginawang impression nung nagtanong. Nung kinagabihan, feeling niya talaga medjo malayo na din ang narating niya, pero nagulat siya kase pagtingin niya sa mapa niya sobrang ikli nung na-bike na niya kumpara sa kailangan pa niyang lakbayin.  
Pangalawang araw, masakit na katawan, masakit na pwet, pero nagpatuloy pa rin siya kahit na hindi niya expected na isang bundok pala ang kailangan niyang daanan. Pangatlong araw, ayaw niya pag-usapan at nung pang-apat na araw, gusto na niya mag-quit. 
Nandun ako last week, sa part na yun kung nasaan siya nung pang-apat na araw. Bubuo ka sa isipan mo ng madami at perfect na dahilan para mag-quit at ganun ang utak ko. 
Madali lang ang plano niya para makauwi na lang, sasakay na lang siya sa train sa susunod na bayan. Nung nagtanong siya dun sa bata sa kinainan niya ng tanghalian kung saan yung train station, medjo naguluhan siya. Lumabas siya nung diner, umupo sa gilid ng kalsada at nilapag niya yung mapa niya sa sahig. Nagdadasal na sana makauwi na siya, biglang hinangin yung mapa niya kaya natupi. 
Natupi yung mapa in a way na yung next town lang ang nakikita. Dun niya narealize na parang di naman masyado malayo, at nagdesisyon siya na pagbigyan ang sarili, na okay sige, yung next town lang na yun ang iisipin niya at wala na munang iba. Nakarating siya dun. Na-encourage na siya ulit. Naisip niyang ituloy ang sinimulan kaya kinabukasan tiningnan niya ulit ang mapa niya, tapos tinupi niya ulit enough para makita lang yung susunod na town ulit. 
Naisip niya na mas madali tong ganito. Para bang short term goals in align with the long term goal. Ginawa niya yun araw-araw hanggang sa, ayun, pang-7th day nakarating siya sa pupuntahan niya talaga!! SUCCESS! Sobrang saya niya at sa sobrang saya niya napakanta pa siya. 
Napansin pa niyang napatingin yung mga tao mula sa nagdadaanang kotse sa gilid niya. Pero who cares?! Sila nakarating sila dun para i-claim na naman ang bagong araw sa trabaho, siya nandun siya para i-claim ang kanyang victory. 
Mental strategy ang nangyari nung pang-apat na araw ayon sa kanya. Sabi pa niya na-realize niya na, "The role of the a big goal is to act as a reference for direction not to act as a reference for distance."

Di ba? Minsan yung impossible, possible naman talaga. Minsan baka akala ko lang di ko kaya baka kaya ko talaga.

Natuwa ako, kase nag-survive ako at ngayon panibagong week na naman. Ang gaan sa feeling na isang week lang muna at ang mga immediate na goal lang muna ang i-fofocus ko. Hindi nakaka-pressure yung dating. Ang realistic ng dating. Ang naiisip ko at the moment eh sige lang ng sige sa pag-survive along with giving my best this coming week. Alam ko kase na kahit na pinilit ko mag-survive last week eh hindi ko naman nabigay ang best ko talaga. Ngayon week, yun naman ang goal ko.

Gusto kong tapusin na tong nasimulan ko, ayuko na mag-quit!! Hindi masarap yung feeling. Nakakadepress!! Ang sarap nung feeling nung naka-survive ako last week, what more kapag nakapag-survive ako sa kabuuan? Sabi nga ng coach namin, this is something challenging but it is something to be proud about in the end!! Kaya ko toh!

At syempre, sobrang di ko makakalimutan i-acknowledge si God. I was praying and praying to Him to give me courage. Na tanggaling na lahat ng bad vibes na nararamdaman ko. Tulungan niya ko tanggapin na hindi ako perpekto at magkakamali at magkakamali ako para mag-grow at para matuto. Prayers do help talaga! Nakakagaan ng pakiramdam!! Do your best and He will do the rest!

You may be disappointed if you fail, but you are doomed if you don't try. - (Beverly Sills)
**********

2 comments:

  1. nice! go lang ng go! :) God bless! and more power'

    ReplyDelete

  2. kapag ni-eenjoy mo ang journey mo, di mo na mamalayan, nasa finish line ka na pala ;)
    hello hello! napadaan here ^^

    ReplyDelete

Anong meron?