Pages

Saturday, January 5, 2013

Nasan kaya ang tamang panahon?

Bakit sa araw-araw para tayong naghihintay dun sa perfect moment, yung moment na parang magiging okay na ang lahat, magiging magaan or something. Ewan ko. Parang nangyayari tuloy nabubuhay tayo na naghihintay sa mga pangarap na yun. Wala akong sinasabi na hindi matutupad yun o na mali ang mangarap, pero, nakakapanghinayang.

Gusto ko mabuhay sa ngayon, live at a moment.

Kapag lumubog na ang araw at isang buong magdamag na naman ang nakalipas, hindi na natin mababalik ang lahat.

Gusto kong gawin ang mga gusto kong gawin kase ayuko magsisi. Kaso minsan ang mali lang sa kin ang dami ko inuumpisahan pero hindi ko naman matapos. Seryoso, nireremedyohan ko naman ang ugali kong Ningas Kugon, ang hirap.

Mabalik sa topic, yun nga, madaming nabubuhay sa pantasya ng facebook, pantasya ng instagram, documentado ang lahat ng pangyayari sa buhay at nakalathala sa mga online site ang lahat ng yun, pero sino na nga kaya sa lahat ng nagpost ng mga yun ang nabubuhay at the moment?

Isang hiling ko dati na hindi natupad (alam mo naman dahil spoiled ako sa sarili kong mundo, lahat ng gusto ko nasusunod), eh yung manahimik na lang kame sa Pinas ng pamilya ko.

Gustong gusto ko yun, kase unang-una, hindi ko na siguro kailangan kumuha ng Nursing kung nangyari yun, dahil kailangan namin magtipid sa tuition fee, meaning siguro nakuha ko ang gusto kong kurso.

Pangalawa, siguro may laman lagi ang bahay, may lamang ang ref at magkakasama kame sa mga importanteng okasyon ng buhay namin.

Matagal na ko nangangarag sa simpleng buhay, pero hindi ganun ang pananaw nila.

Maraming hirap ng buhay ang di ko pa alam na nararanasan ng pamilya ko, mga sama ng loob, mga nasirang pag-ibig,  mga utang, mga narematang bahay at kotseng walang maintenance. Mga bagay na kailangan ng pera at hindi sapat ang magkakahawak na kamay para maresolba. Kailangan talaga umalis, magpakalayo-layo, maghanap ng pera dun at subukang mag-survive sa araw-araw.

Hanggang ngayon, naghihintay pa rin kame sa mga pagkakataon ng buhay, naghihintay pa rin dun sa panahon na magiging masaya kame, pero kailan kaya yun, bakit hindi maging masaya ngayon...
**********

4 comments:

  1. kamusta? parang ngayon na lang ulit kita nakitang nag-post...

    i also feel the same, yung para bang may isang moment na darating sa buhay na magbibigay kabuluhan sa lahat ng pinagdaanan mo in the past, and everyday talagang nagnanais tayong matupad yung perfect moment na yun,

    nobody knows kung kailan talaga yun, so i agree, just live this moment na lang and do ur own thing! God bless :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat dahil lagi ka pa rin nagbabasa dito.. (:

      Delete
  2. aaaaaaaaaaaawwww.. just PRAY .. God will Provide.. at lahat ng dreams and hopes mo matutupad

    ReplyDelete

Anong meron?