Yung utak ko ang daming gustong sabihin, pero at the same time ayaw din naman. Parang na-iintimidate ako magsulat. Kase, the same as ever, napaka-non-sense pa rin ng mga shine-share ko. Excited pa naman ako mag-blog dahil nakabili na ako ng laptop. Oo! May laptop na ko. Oo! Meron na! Oo sobrang cheap ko lang nabili! As in. Masaya naman ako. Di lang halata. Pero isa lang ibig sabihin nito. Araw-araw na sasakit ang ulo ko due to long-term exposure sa screen ng computer at makaka-receive na ulit ang mga finofollow ko ng mga walang kwentang comment. I mean, dalawa pala ang ibig sabihin nito. Sorry.
Eto ako nakaupo sa kama, naka-jacket at ang kalahati ng katawan ko eh nakabalot sa makapal na kumot. Nakadukdok ang pagmumukha ko sa harap ng bago kong laptop, bago kong laptop, bago kong LAPTOP. I just want to make sure na-diin kong mabuti ang katotohanan na meron na akong cheap na laptop. Dreams do come true ang peg.
Alam ko naman na sa mga nakaraan kong mga post eh I've been talking a lot about the blessings na natatanggap ko simula nang dumating ako dito sa states. Ginagawa ko ito para ako ay
Masaya rin naman ako na nandito na ako sa states, kahit most of the time eh pakiramdam ko eh nasa maling lugar ako lalong lalo na eh ayuko naman sa malamig na panahon. Pero yun nga, thankful ako dahil inspite ng mga kagaguhan, eh natatanggap ko pa rin ang lahat ng blessings at opportunities na ito.
Alam kong hindi ko deserve 'tong mga magagandang pangyayari sa buhay ko. Masyado akong naliligayahan, yung parang level na hindi na yata tama. Or, pwede rin na lately eh na-fofocus lang talaga ako masyado dun sa mga magagandang bagay kaya hindi ko napapansin yung mga nega. I guess its a good thing. Di ba?
Kase kahit ano naman sabihin natin, we will experience bad things, may mga pangyayaring di kaaya-aya ang dadaan sa buhay natin. Depende na lang talaga kung paano natin ililiko ang point of view natin.
Minsan nakaka-depress din naman talaga. Walang araw na hindi lumilipas na hindi ko naiisip na sana nasa Pilipinas na lang ako. Masyado akong bilib sa sarili ko. Pakiramdam ko kahit nasa Pinas ako eh magiging successful pa rin ako. Eh depende rin naman sa definition mo ng successful, siguro. Eh ako napaka-simple lang ang definition ko.
Pero yun na nga, sa huli, sana hindi magbago ang desisyon ko na magpatuloy muna ng pamumuhay dito sa states. At tatapusin ko na ang kadaldalan na ito sa isang magandang awitin. Charot lang. Bye.

at dahil may bago ka ng laptop nakachat kita kahapon.. uulitin ko may bago ka ng laptop! isa pa.. kapatid may bago ka ng laptop.. hahahah
ReplyDeletehmmmnn... agree naman ako sau, u can also be successful here sa Pinas... mas masaya talaga dito... at cyempre nandito pa si bf db?
ReplyDeletecongrats sa laptop! pero sana wag mahinto ang video blogs, aliw yun e :)
ReplyDeletewowww. i'm happy for you. :) and true, there will be difficult days but in then end what's important is our perspective. dapat laging happy. :)
ReplyDelete