Pages

Monday, December 16, 2013

Kaya Mo Yan.


Ang pinaka-main purpose talaga nitong blog ko eh para masulat ko talaga with no excemption, ang lahat lahat lahat ng mga nararamdaman ko, na-eexperience ko at anything na gusto ko lang talaga i-share at ipagyabang. Ang gusto ko lang eh yung makapagsulat ako kahit walang mag-comment sa kin (charot). Yung ma-share ko yung feelings ko ng tapat at walang halong ka-plastikan (charorot).

Pero yung totoo, hindi ko naman nagagawa yun eh. Malamang nag-eexpect pa rin ako na sana kahit minsan may dumalaw man lang sa nilalangaw kong blog.

At malamang minsan hindi ko rin naman masulat lahat lahat lahat ng aking feelings, lalo na yung mga tsuper ubod na mga k-dramahan na mga k-wento. Unang-una dahil sa privacy. Kapag yata nag-mamature kang ganito (charororot), mas pinag-iingatan mo na lahat ng mga binubunyag mo sa buhay mo. Tsaka safety na din. Malay ko ba kung anong pwedeng mangyari sa identity ko, lalo na dito sa states. Halos lahat dito sobrang advance na. May mga identity theft nga dito eh, ewan ko kung narinig niyo na yun, yung nanakawin yung pagkatao mo. Seriously! Kaya nga tsuper paranoid na ako minsan.

Minsan nag-dodoubt ako magkwento, kase nga minsan (madalas) eh puro ka-negahan at kalungkutan yung naiisip ko ikwento. Di ko naman kase maiwasan na ang dami (sandamakmak) na mga katangahan at kabobohan yung nadadaanan ko sa buhay ko. I'm well aware naman na inspite of the blessings (na hindi ko naman dinedeny), eh hindi naman talaga pwedeng laging happy.

Pero yun nga, may mga drama queen days ako (or weeks, or months), na kating-kati na ko magkwento pero di ko magawa kase nauunahan ako nung pag-iisip na ano kaya ang reaksyon ng makakabasa nito. Alam niyo yun? For sure alam mo yun. Tao ka eh. Kaya nga mukha kang tao kapag pumupunta ka sa skwelahan, sa simbahan, sa mall, sa palengke o sa trabaho di ba? Kaya ka nag-aayos, nag-dadamit ng pang-tao, nag-mmake-up (if applicable) at nag-totooth brush sa umaga. Kaya minsan plastik ka, nakiki-trending ka, nakiki-uso at minsan nagiging social climber. Iniisip natin lagi ahead of time kung anong sasabihin ng ibang human species tungkol sa atin, at sa mga choices and decisions natin, as if kailangan natin ng galong-galong acceptance from all the people around us. So ganun din ako, kase muntik ko na hindi ma-share sa inyo guys, pero FYI tao rin po ako. Nag-iingat din ako kung paano ako magppretend to be nice and kind in front of ebribohdi and I try so very damn hard to be part of the human race.

So yun nga, ahead of time habang nag-titipa ako sa keyboard, hinuhulaan ko na kung ano kaya magiging reaksyon ng magbabasa ng mga k-dramahan k-wento ko. Ang initial na hula ko eh kokoronahan ako ng "Uber sa Ka-Dramahan blogger of the Year 2013". Pero so far hindi pa naman nangyayari itech dahil hindi ko ma-share ang aking feelings thoroughly most of the time. Kase naman teh kapag ako nagsimulang mag-tipa ng mga ganyang pangyayari, eh pakiramdam ko ime-make sure kong pwedeng i-forward sa MMK for review and consideration. At kaya nga, hindi ko na lang ginagawa.

At pangalawang equally important kong hula na reaksyon niyo na magbabasa ng mga k-dramahan k-wento ko eh yung mga comment na "KAYA MO YAN!!"

Ilang ulit ko na sinabi to noon. Ayuko ng salita na yan. I mean, I know yung taong mag-cocomment niyan, o magsasabi sa akin niyan eh sincere at nakikisimpatya lang naman. Initial reaksyon lang na ma-i-voice out niya ang mga salitang "Keribels yan te!". Okay fine, wala akong magagawa, wala siyang kasalanan! (Wala kang kasalanan kung na-commentan mo na ko dati nito.) Wala.

Ang problema ko lang kase, mga kuya at ate, kada nabibigyan ako ng ganyang comment sa kalagitnaan ng denial, anger, bargaining at depression (DABDA), eh hindi ko naman na-fi-feel na KAYA KO TALAGA at that same moment. Hindi ko nafi-feel na okay ako at that very exact moment! Hindi ko nafi-feel na keribels ang sitwasyon. Basta! Hindi! Na-ppressured akong kayanin na lang eh wala pa nga ako sa level of acceptance.

Nagsusulat ako (nag-shashare) for the sake na masabi ko ang lahat. Mailabas ko. Ma-release ko ang lahat-lahat-lahat! At once na nailabas ko na, at sinabihan ako na "KAYA MO YAN!", ang pakiramdam ko (ako lang naman toh) eh kailangan kong lunukin ulit lahat lahat lahat ng problemang kakasuka ko lang.

Pero hindi ko sinasabi na wag mo ko pakeelamanan, hindi ko sinasabi na wag kang maki-simpatya sa kin! Sorry kung ganun man ang interpretation mo sa mga dinadaldal ko at this very moment. Pero minsan ang kailangan lang talaga ng taong magsasabi sayo ng problema niya eh yung isang taong handang-handa MAKINIG. At para sa kin (opinyon ko lang toh) that kind of gesture is enough para ma-feel ng taong yun na nakiki-simpatya ka sa pinagdadanan niya.

Kung baga, isipin mo na lang natatae ka, sinabi mo sa friend mo na "DUDE, natatae na ko. I feel its lusaw". At buong journey mo sa paghahanap ng mahiwagang banyo na may mahiwagang trono eh sinasabihan ka niya na, "KAYA MO YAN DUDE! Pigilan mo yang lusaw na tae mo" Tapos ikaw mismo habang sinasabi niya yun sayo ang daming tumatakbo sa utak mo at isa na dun yung katanungan na kaya mo nga ba talaga? Kaya pa nga ba i-hold ng rectal sphincter mo ang panaghoy ng tiyan mo? And most importantly, let's take into consideration na lusaw ito! LUSAW! Okay?

Nasaan na ang mahiwagang trono when you need it?

Before you know it, nangyari na ang hindi dapat mangyari. And then your friend told you, OKAY LANG YAN! Magiging okay din ang lahat! Anong ma-fi-feel mo? Nangangamoy ka at soiled ang pantalon mo, sure ka bang magiging okay ka pagkasabi sayo ng friend mo na OKAY LANG YAN? Share your feelings at the comment center below. (Your feedback and suggestions are important to us. Please help us help you).

At yan na siguro ang pinaka-malapit na analogy na pwede kong i-share in regards sa mga nararamdaman ko kada ina-assure ako ng isang nilalang na KAYA KO DAW.

**Gusto ko lang idagdag, na minsan depende din siguro sa taong magsasabi sa akin na KAYA MO. Kapag yung person eh close ko, or tao na ma-wisdom, tapos dinagdagan niya ng advice na trulaloo namang makakatulong sa kin, siguro (baka, maybe, I'm not sure), eh okay lang. Otherwise, I need someone to listen LANG. O di kaya depende talaga sa taong bibigyan mo ng simpatya. Eh basta ako eh eto nararamdaman ko tungkol dito sa ngayon, so disclaimer na lang, this is subject to change without notice.

Yun lang.
 photo collage.jpg

3 comments:

  1. Lahat lahat lahat talaga? So all of the above? ahahaha!

    I don't want to say kaya mo yan. But I want to tell, GODDAMN IT WOMAN! MAKE A MOVE! Things will change when you start taking actions, one step at a time. It can be baby steps or giant leaps but goddamn it make a move!

    it's normal to complain about certain things. We were created to feel comfort and pleasure. But it's not normal to whine all the time. That's being a wuss. We were given the capability to produce wealth or change things upside down. If we can make this world like shit, then we can also do the opposite.

    Whether you're constipated to having a diarrhea siyempre ang mga tao sa paligid mo ay magsasabi na kaya mo yan. They have to tell this to you so that you'll be persuaded, and when I say persuaded, that is to change your mindset. Because it all starts in the mind. If you keep on refusing that encouragement then you're just being stubborn.

    Perhaps you should be asking people for a specific advice? But i guess that is not a woman's thing. Usually when men tell their problems they are seeking help and advice. But women, well, you're only looking for somebody to listen to you because you already have in mind what to do. But if i were you I would cut all the drama and get on with it.

    And it really is frustrating when you are always in pursuit of happiness. Because life was design like a toilet, so much shit is being thrown into it. And it's not all the time you enjoy sitting on that freakin' throne.

    Anyway, yun lang. HAPPY HOLIDAYS! Hehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Siguro ang gusto ko lang sabihin talaga eh.. Ah eh. Wag na lang. Ayuko na sabihin. Hahahaha

      Delete
    2. Hey, visit my blog. I tagged you in this chain-blog that's happening lately. Have some fun doing this.

      Delete

Anong meron?