Paborito kong holiday ang Christmas, sa maniwala ka o sa hindi. At ngayon na hindi ako mag-cecelebrate ng pasko sa Pinas, I feel so incomplete. Walang simbang gabi, walang puto bungbong, walang masasayang tugtuging pang-pasko habang naglalakad ka sa kalye, at walang last minute Christmas shopping sa Divisoria.
Super bland ng pasko ko. Hindi ako makakauwi sa Mama ko sa Oceanside, dahil before and after Christmas may pasok ako. Ayuko naman makipagsiksikan sa bahay ng Tatay ko. But I'll try my best to enjoy my Christmas Eve. Thanks sa idea I got from Abbie's post on her Tumblr blog. (I'm looking for the post, di ko na makita). Pero ito yung screenshot the day I saw her post:
So for Christmas Eve and buong Christmas day, I downloaded some Ghibli production movies na hindi ko pa napapanuod, pati other movies na gusto kong panuorin ulit like: Despicable Me 2, The Croods, How the Grinch Stole Christmas and Nightmare before Christmas. At kung di pa ko solve sa mga yan, I downloaded din ang paborito kong MTV series na Daria to watch again. May cookies at hot choco na din akong naka-handa! I'm so ready sa aking paskong nanglalamig!
Napadaldal ako. Okay tuloy na natin ang sinadya ng post na toh:
ALL I WANT FOR CHRISTMAS 2013
![]() |
| Use this photo. |
Una, PLANNER. Kailangan ko na i-re-evaluate ang buhay ko bago ang start ng 2014. Para malaman ko kung ano pa ba yung mga bagay na ipagpapatuloy ko, ano ba yung mga bagay na kailangan kong baguhin at ano pa ba ang mga dapat kong gawin para ma-reach ang aking 2014 - one-year-goal.
Pangalawa, Winter wardrobe. Originally, dapat isusulat ko talaga kotse, pero dahil next to impossibility naman yun, eh eto na lang. Para makayanan ko naman ang araw-araw na pag-cocommute ko papunta sa work.
Pangatlo, Study table. I need a study table sa kwarto ng bagong tinutuluyan ko ngayon dahil ang dami ko dapat gawin, tulad ng pagrereview for the board exam, pag-eevaluate ng mga finance ko, at most importantly, pagbblog na lahat ginagawa ko sa kama. Eh medyo mahirap te, masakit sa pwet (para akong magkaka-pressure ulcer --katulad ngayon). So I really need a small study table na kahit papaano eh mag-kakasya sa maliit na kwarto ko ngayon.
So, let's not be so gahaman, kaya yan na lang muna ang mga wish ko this Christmas. And if you want to join this tagging series na itech for fun, ito nga pala ang mga rules natin:
- Make a post entitled, "All I Want For Christmas 2013," and please use the photo above.
- List 6 things that you want to receive as a gift.
- Tag 3 friends who will make the same post (no tag backs).
- Send me the link so I could check it too (optional).
At ito yung mga tag ko (na parang feeling ko hindi ako papansinin pero i-ta-tag ko pa rin):
Jaidyleen at superjaid.blogspot.com
Ate Mads at Mood Swings
and
Khantotantra at Kwatro Khanto
Sa mga tinag ko, wala namang sapilitan. Sa mga gustong sumali na hindi naman na-tag. Just do it! Wag na maarte! Yun lang!! Maligayang Pasko!






Uy may ganito nanaman pala ulit na kumakalat. Hahaha thank you sa pagtag. Gawin ko to mayang gabi. Hahahaha
ReplyDeleteMiss you pala naku!! Anyways..matutupad mo yang nasa wishlist mo, tyaga lang sa pagiipon. Fighting!! Happy holidays. Mwuuuuah!! \(^3^)/
Merry Christmas!
ReplyDeleteAng saya lahat ata ng may ganitong post ay may wish na planner :) May plano tayo sa buhay! :)
ReplyDeleteMerry Christmas!!! :)
Happy new year!
ReplyDeleteHappy New Year! I remembered how difficult to do work or my studies without a proper desk. Kung saan saan lang naupo o nagawa ng school work. Have a great day!
ReplyDelete