Pages

Wednesday, December 11, 2013

Random random random.

God is a provider.
Wala na akong pera pero ngayong gabi busog na busog pa rin ako.
Itong week talaga pakiramdam ko gagapang ako hanggang pay day, pero eto pa yung week na gabi-gabi akong kumakaen sa kung saan-saan.

Amazing.

Secret Santa namin bukas. Kris Kringle baga.
Nakalimutan ko.
Ang malas naman ng nabunot ko.
Nakalimutan ko din yung wish list niya dun sa drawer ko sa work.
Baliw. Nag-effort naman ako sa ireregalo ko sa ka niyang mukhang basura. Umaasa na ma-aappreciate niya pero 90% nag-eexpect din na makikita ko sa shredder yun bukas.

Nagtataka ako bakit ako pa-cool.
Trying hard. Minsan hindi ko mapigilan.
Parang I need to social climb.
Pretentious ang peg.
Pakiramdam ko nagkakaroon ang tao ng maling impression sa kin.
Feeling nila ang bait ko.
Kanina may nagsabi sa kin yung boyfriend daw niya tingin sa kin mukha daw akong reserved.
Pucha.
Ilan na ba nalinlang ko sa buhay na toh?

I generally think that people hate me.
Pero naiiyak naman ako at nagiging emotional, dahil kahit papaano, madaming nagmamahal sa kin.
Parang di ko deserve minsan, pero magpapasalamat ka na lang eh.
Madaming nagsasabi na ang first impression sa kin eh mataray.
Kaya pretend much ako na inosente minsan.
Until malaman nilang nagyoyosi ako at umiinom ng beer.

Natuwa ako lalo kanina nung sinabihan ako na I look so free spirit daw.
Nag-blush akong konti.
Dinedeny pa din na posibleh nga siguro na likey likey ako ng mga co-worker ko.
Nakangiti ako mahaba, pero umiiling. Gusto ko from the inside, pero parang maling akuin.

Ang sarap pakinggan ng mga papuri.
Pero parang nakakabingi minsan.
Bla bla bla bla bla. Hindi ko deserve. Hindi ko deserve. Hindi ko deserve.

Pero yung katunayan, ayuko din naman na i-hate ako ng tao. 
Kaso ayuko din naman maging peke.
Pero parang ang peke ko pa din minsan makisalamuha.
Hindi ko na alam. Hindi ko sure. Oo. Hindi.
I mean ako ba toh?
Pakiramdam ko tuloy di ko na kilala yung sarili ko.

Tapos naiisip ko pa grabe lang din naman kase magbigay ng affirmation minsan yung mga tao dito sa states.
Alam niyo yun?
Yung acknowledgement level nila sa mga ginagawa mong maliliit na bagay eh ibang klase talaga.
Kaya baka nagkakamali lang talaga ako.
Pakiramdam ko pag tumagal pa akong konti sa bansang ito eh lalaki na ng sobra yung ulo ko.
Lalaki na para bang hindi pa sapat yung kalapadan ng noo ko as of this moment. Shet. Na-imagine kong konti.



 photo collage.jpg

6 comments:

  1. una.. kawawa ang nabunot mo.. haha..pangalawa.. kapatid go lang ng go, be urself forget the haters., at kung puro pauri ang bnbgay sayo. damahin mo nalang.. ingatan lang lumaki ang ulo.. hahaha

    ReplyDelete
  2. Just think well of yourself, kasi how you see yourself is how others see you :)

    At just be who you are, if people accept you for who you are, then they are worth keeping :)

    At wag lalaki ang ulo, tuko lang ang pwedeng lumaki ang ulo haha :)

    Ang mature ko kunwari no? Hehe! Wawa naman ang nabunot mo, pero pwede ka pa naman siguro humabol :)

    ReplyDelete
  3. Just accept theyre acknowledgement sis wala namang masama dun turn it into motivation na rin to work much better ikagaganda pa ng performance mo. Tsaka deserve mo ang papuri na yun kasi pinaghirapan mo rin yun in one way or another. =D

    ReplyDelete
  4. keribells lang yan, kung iisipin mo laging hindi mo deserve and good things, baka nga bawiin sayo yan. God will provide din sa nabunot mo. hahaha

    ReplyDelete
  5. napublished ba yung comment ko?! lol

    ReplyDelete
  6. ay hindi!!!! waaaah!!! dahil love kita uulitin ko...

    sabi ko... U deserved it! lahat ng papuri at acknowledgement sayo.. oh ha english yun! pero beware..wag ilalagay sa ulo, just be thankful at labas agad sa tenga para di bumara.

    nalaman nilang nag yoyosi at umiino ka?! lol kamo hindi ka santo!! hahahah!

    ReplyDelete

Anong meron?