Pages

Tuesday, November 26, 2013

LDR.

Sobrang miss na miss na kita.
Alam ko, alam ko. 
Lahat naman magiging worth it in the end.
Alam ko, alam ko.
May plano Siya sa tin.
Alam ko, alam ko.
Wala namang bibitaw sa atin.

Pero sobrang miss na miss na kita.

Naaalala ko, once na nakayakap na ko sayo, automatic akong nakakatulog.
Lahat ng particles sa utak ko lulutang.
Lahat ng problema ko pansamantalang nakakalimutan.

Gusto ko lang naman makasama ka.
Kahit sobrang simple lang ang life.
Kahit sa lugawan, sa tapsihan o sa isawan sa may kanto kumaen.
Kahit hindi tayo mag-usap.
Kahit na gawin mo yung gagawin mo at gagawin ko ang gagawin ko.
Basta kasama ka.

Masaya.
Masaya ako pag kasama ka.
Masaya.
Masaya pag kasalo ka.
Masaya.
Sobrang saya.

Parang naiimagine ko na.
Pag nagkita tayo ulit.
Yung yakap pag nagkita tayo ulit.
Yung ngiti pag nagkita na tayo ulit.
Yung daldal.

Grabe.

Iniimagine ko.
At di ko alam kung magiging masaya ba ako o malungkot habang nangangarap.

Hindi ko alam.
Hindi ko alam na magiging ganito kahirap.
Hindi ko alam kung pano natin kinakaya.
Hindi ko alam.

Hayyy. 


7 comments:

  1. kanta ba to.. ganda talagang galing sa pusong sobrang nangungulila :)

    ReplyDelete
  2. Haynaku buhay :(.. kapit-bisig!!! magiging together din kau forever, soon...- Mey

    ReplyDelete
  3. *hugs* tyaga lang sis. Marami talagang pagkakataon na ganyan mararamdaman mo yung sobra at matinding pangunglila pero tulad nga ng sabi mo worth it naman. So cheer up magkikita din kayo ulit.

    ReplyDelete
  4. I can feel how much you miss him..bibilis ang araw ang you'll be together soon, I'm sure worth it lahat ng sacrifice nyo being apart. Hugs! :)

    ReplyDelete
  5. nakaka-relate naman ako... hay buhay...

    ReplyDelete

Anong meron?