Pages

Saturday, November 9, 2013

New found friends.


I felt so human ulit dahil sa mga mabubuting kaibigan! Thank you na lang talaga kay Lord at nakilala ko ang mga taong kailangan kong makilala noon, para sa mga plano niya sa kasalukuyan (at sa future na rin).

One day, isang araw, nagka-text na lang kame nitong si Joshua, na alam ko namang kilalang kilala niyo bilang si Yow ng It's Yow Time. Gusto ko sana i-link ang blog niya dito, kaso naging Japanese este Chinese na nagtitinda yata ng relos yung blog niya dahil sa ilang mga kadahilanan.

So anyway (anyway na naman), nung umuwi ako sa Pinas noong mga bandang 2011, eh siya namang punta ni Joshua dito. Nag-kausap naman kame sa twitter nun, kaso kahit medyo may bakas sa utak ko na nag-usap kame eh wala na ko maalala kung ukol saan dahil nga makakalimutin ako (at kaya nga ako nagbblog eh dahil nga makakalimutin ako at makakalimutin nga).

So isa pang one day, nag-text siya at birthday daw ng kanyang minamahal na girlfriend at naaya ako. Syempre kahit wala akong ka-ide-idea kung anong mangyayari nung araw na yun, eh OO pa rin ako. Perstaym ko mami-meet ang blogerong toh, ne hindi ko nakilala yan sa mga blog EB sa pinas. So super shy type kuno ako sa lahat ng nakasalaumha ko nung araw na yun. Dun na nagsimula yung mga pagkakataon na hindi na ako nakakapag-laundry ng mga damit ko para sa isang buong linggo. Nabinyagan ako ng wala sa oras at na-culture shock sa mga bagong kaibigan. Ang kukulit. Pero sobrang thankful pa din.

Hindi ko alam saang park yan.

Huntington Beach.


Wooohooo! Tao na ko ulit. Matagal ko ng gustong ikwento sa inyo pero hindi ko magawa dahil nga sa paulit-ulit na dahilan kong sinasabi na hindi ko na babanggitin ngayon.

Yun nga. Nakakalabas na ulit ako ng bahay, may mga nagtatagalog na nilalang na kong nakakasalamuha, at syempre naging masaya naman ako.



Picture sa itaas, si Joshua, si Jak (girlfriend ni Joshua), si Joyce, at ako. Nakakahiya naman sa kanila dahil puro "J" pala mga pangalan nila. Oh sorry na.

Pero di pa dito nagtatapos ang blessings na dala sa akin nitong mga kolokoy na toh. Dahil sa kanila, may mga bago akong experience, may Christian church na rin akong naaattendan, tapos nakarating akong San Francisco ng walang malay, nag-punta kameng Knott Scarry farm nung Halloween (amusement park itech) at nagkaroon na rin ng pseudo-family dito sa L.A sa presensya ng pamilya ni Joshua. Nakakatuwa!

K1 Speed Indoor Karting
At oo mayabang ako, eh top 5 ako jan eh, over 11 haha.

Golden Gate Bridge, San Francisco.

Museum of Fine Arts, San Francisco.

Knott's Scarry Farm!


Villangca family.

Thankful din ako sa dalawa, kay Joshua at Jak, dahil nga sinasama nila ako lagi sa mga lakad at gala. I mean, kase di ba, imbis na mag-moment na lang silang dalawa eh nakiki-third wheel pa ko sa mga lakwatsa. At kahit masaya, minsan torture din tong dalawa na toh, dahil nga ako ay nasa isang LDR. Oh eh di kayong dalawa na!

Ayown lang naman! (: Gusto ko lang din sabihin sa inyo na unang part pa lang toh ng mga blessings na nararanasan ko na gusto ko talagang ikwento sa lahat!! Ayun lang! Grasyas! Adios!


 photo collage.jpg

5 comments:

  1. good for you, sabi mo nga tao ka na ulit. :) you obviously had a grand time with your new friends. galing mag go-kaarrtt!!

    ReplyDelete
  2. welcome to humanity! tao kna ulit hahaha ^_^ nice nice naman may mga bago ka nang friends dyan...

    ReplyDelete
  3. congratz tao ka nah ulet!!!!! lol... kc akoh nde pa ren ehhh.... lol... oh yeah meet nyo ren akoh when I go to cali again!... feeling close??? lol... nakakatuwa naman kc ur so God-focused... and always so thankful of His blessings... nakakatuwa lang.... bsta pasyal nyo ren akoh... lol.... at least you have new friends nah... minsan daz all u need para di mahomesick here... nung bago den akoh non ditoh... which a while back nah eh I always cry sabi koh I wanna go back to pinas nah... anyhoo... you'll be fine... actually u are fine already.... oh yeah praying for ur LDR... for sure u trust God with it... so yeah... hanggang sa muli... much love and Godbless!

    oh yeah sana u don't have a family na got affected sa typhoon sa pinas... yeah praying for the Philippines....

    tc girl and Godbless!

    -SimplyDhianz

    ReplyDelete
  4. Welcome to earth! Good thing marami ka ng friends dyan... Blessings nga yan para sayo.

    ReplyDelete
  5. Ay naku. Kilala ko yang si Juswa nung nandito pa sa Pinas. Baliw yan!!!

    ReplyDelete

Anong meron?