|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Napatingin ako sa salamin, at inisip ko ano bang parte ng katawan ko ang hinahanapan ko ng appraisal? Actually di ko makita, kase alam ko na nasa loob ko ang mga dapat i-compliment sa sarili ko, ang pagiging matalino, mabait, maasahan, masipag at iba't ibang magagandang katangian na sa totoong buhay hindi nag-eexist.
Alam niyo yung joke na, "guwapo ba?" "ah oo mabait!"
Wala lang, gusto ko lang sabihin, kase wala na ko masabi.
Seryoso na.
Ang bagay na madalas ko hinahangad na marinig, na hindi ko marirnig-rinig sa kahit na sino.. (o narinig ko na, kaso joke lang pala) ay ang mga salitang, "ang payat mo!!!" obviously!! Hindi ako payat, pero lam mo nag-wiwish pa din ako na someday na makaraos din ako sa katawan kong toh.
Alam mo iniisip ko pa lang na topic ko toh, hindi ko alam, parang hindi ko gusto i-topic, kase naman noh, ilang years na din akong hindi nagsusurvive sa mga diet-dietang na pauso ko.
Gusto ko man i-pramis na, oo magdidiet ako, nagsasayang na naman ako ng isa na namang pako, nawawala na nga yung martilyo eh. Pakong-pako na.
Pero lahat ng nakikita ko sa salamin, puro kapangitan na lang nag nag-ooriginate sa pagiging mataba ko. Minsan kapag iniisip ko, ay magpapa-puti ako, naiisip ko, nge yung goal ko nga na magpapayat hindi pa nangyayari, tapos gagawa na naman ako isa pang goal.
HIndi na ganun kalake ka-issue ang katabaan ko. Kase hindi naman ako obese (pero malapit na!) Haha. Hindi pa ako qualified sa Biggest Loser. Basta ang alam ko lang hindi ko kaya magpapayat mag-isa... at hindi ko alam kung kailangan ko ba ng tulong para pumayat, o hindi ko din alam kung kailangan ko pa ba isipin toh o pabayaan na lang na ganito ako forever, lalong lumalaki.
Kahit na ganito ako, alam ko naman na madame nagmamahal sa kin, walang pagkukulang dun. Ang nahihirapan lang ako sa self-esteem ko. Sobrang mababa ang self-esteem ko, kaya minsan di rin ako maka-move on, pero ayuko maging anorexic. Hahaha, gusto ko pa din na may laman ako.
Ngayon... suggest niyo sa kin, susubukan ko pa din ba magpapayat o hayaan na lang? Hahaha
Image source: HERE and HERE


ok nakarelate ako sa post mo dahil isa akong mataba... pero sabi ko nga palagi "mataba man ako tignan subukan nila 'kong tikman pag di sila nasarapan saka nila ko husgahan" at "wala sa hubog ng katawan ang tunay na kasarapan" 2 lang to sa mga nagpapalakas ng loob ko. pero lam mo nasubukan ko na magpapayat at ang nangyari eh lumaki ako at nagmukhang bouncer sa club...from 257 down to 220 in 3 mos time (6 mos ago... at ngayon eh bumalik na ulit ang mga nawala kong taba, namiss kasi nila ko) kahit mataba ka basta maayos ka palagi, mapustura ka at kaya mong dalin sarili mo wala naman kaso. peace! :D pasensya sa mahabang comment nadala lang ako sa post mo
ReplyDeleteHahahha.. nagka-muscle muscle ka siguro.. ganun kase nangyare sa kuya ko eh.. hahaha... ayuko naman gamitin yang mga kasabihan mo,.. hahaha hindi bagay sa kin...
ReplyDeleteokay lang na mahaba ang iyong comment.. mas gusto ko nga eh.., hahaha
salamat.... dinamayan mo ako.. hahaha