|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Anyway, may nag tip sa kin sa mga library daw may free net, pero may limit time, pero madame pang dapat gawin bago ako mag-aalis ng bahay para dun.
Uhmm? Rotten english ako, I mean akala ko ba marunong na ako mag-english, kase feelingera ako sa blogsphere tapos sa school alam mo yun maayos naman ako magdala pag may reports, ay naku, dito bulol bulol ako.
medjo nagiging maayos na lahat para sa kin, hopefully makagawa na ako ng resume tapos makapag apply na, matanggap kaya ako eh wala akong experience?? Hehe.
Lam niyo totoo lang, napaka overwhelming lahat ng pangyayari sa kin. Uhmm madame ako nalaman, ang mga katotohanan. Hayy.. pero okay na ako ngayon, napag-isip isipan ko na, at napagdesisyunan ko na harapin na lang ang dapat harapin.
Ang nakakatuwa lang sa pagtulog ko, yung mga panaginip ko tungkol pa din sa pilipinas, mga tao sa pilipinas, lam niyo yun? Haha hindi nagmigrate ang isip ko, nandun pa din hahaha.
Masaya ako, kasama ko kase si mama, hindi ako nahihirapan mag-adjust. Pero ang nahihirapan lang ako sa communication ko kase hirap di ko ma-express sarili ko sa mga salitang gusto ko. Uhmm tapos nahihirapan din ako kase, yung iba dito 16 pa lang nagddrive na, yung iba 18 pa lang nagttrabaho na, eh ako 20 none of the above. Nakaka-intimidate.
Kaya hopefully makapag work na ako, nagsisimula na ako magreview para sa written exam ng driving. Ayun..
goodluck kamil!
ReplyDeleteSalamat jeric!!
ReplyDelete