Pages

Sunday, March 30, 2014

Pasaway na Life.


Minsan marerealize mo na lang na nakakapagod na mag-react, nakakatamad na mag-reklamo, na walang patutunguhan yung mga 24/7 na pagmumukmok at regression mo sa sulok ng bahay niyo habang nakayakap ka sa mga tuhod mo with the feels na bitbit mo ang bitbit ni Atlas.

Kapag natutunan mo  na yung teknik na ngitian na lang ang buhay, eh masusurprise ka. (Dapat sasabihin ko eh yung teknik na "tawanan" na lang ang buhay, kaso as a nurse, iba ang interpretation ko sa mga ganung non-verbal response. So gawin na lang nating "ngiti".)

NGITI. Isang portion ng buhay mo na pwede mong ibigay kahit kanino without spending a dime. Good deal di ba? O di kaya pagkatapos mo masaktan, pagkatapos mo mag-contemplate sa lahat ng ka-depressionan mo sa buhay, eh mag-iinhale ka ng malalim, tapos exhale, at ngingitian mo ang buhay habang sa utak mo bitbit mo ang mga salitang "Kaya ko toh!"

You don't need to suppress sadness kung yun naman talaga emotion mo at the moment. Hindi mo rin kailangan dali-dali mag-AJA! kung hindi ka pa naman ready. Pero yung pag-bubuild-up mo ng hope sa puso mo, isang malaking strategy yun para malaro mo ng maayos ang laro ng buhay. (Naks, laro ng buhay, big word!!!!!!).

May mga taong awang-awa sa sarili at hindi na malaman kung paano ba mag-momove forward sa buhay. Nakakalungkot. Naiintindihan ko naman na iba't iba ang size ng problema ng iba't ibang tao. Magkakaiba tayong lahat ng kalagayan sa buhay, magkakaiba tayo ng paraan kung paano tumanggap at humarap sa problema.

Pero eventually, if you will let yourself drown, sino ang talo?

EH kung subukan mo yung kabaliktaran, kung subukan mong maging open-minded, kung bibigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na mag-grow, you will realize that challenges are meant to be treated as an opportunity. Na possible ang mag-adjust sa buhay. Na possible na hindi okay ngayon, pero possible din na eventually it will be.

Confident ako na nangyayari ang lahat ng bagay dahil may dahilan. Hindi dahil nabasa ko talaga yan sa kung saan mang libro or quotes sa internet, pero dahil ako mismo eh thankful dahil nag-cooperate ang universe para mangyari ang lahat ng nangyari sa nakaraang 23 years of my existence. Kung di dahil sa lahat ng yun, hindi ko makikilala ang mga taong nasa buhay ko, wala ako sa kung nasaan man ako, at hindi ako yung kung sino man ako ngayon.

Sa utak ko, eh ganun talaga eh, ganyan ang life: magkakaproblema ka, makakapag-adjust, magiging okay, at dahil naging okay may kaunting sprout of growth sa buhay mo (kung sakali mang nakapagreflect at nakapag-muni-muni ka sa mga pangyayari). Pagkatapos ng lahat ng yun, you have to expect na hindi dun matatapos ang lahat. You'll get bigger problems but bigger and much better opportunity to grow and mature.

Oo walang katapusan. Pero pakiramdam ko, kaya paulit-ulit-ulit-ulit-ulit na nangyayari sa buhay natin yung mga bagay-bagayl, eh kase siguro hindi pa rin natin na-rereach yung confucius-point na kailangan nating ma-hit para maging ready sa next level ng lives natin.

I'm sorry to say, pero sa nakikita ko, umaagree na talaga ako sa kasabihan na hindi lahat ng tumatanda eh may pinagkakatandaan. We all have an opportunity to be the best person we can be, and we should seize it while we still have a chance.

Ayun lang. Char.

 photo collage.jpg

Tuesday, March 11, 2014

Bobba



Nung isang araw, bumili akong Bobba. Cookies n' cream binili ko. Hindi ako mahilig sa flavor na yan. Pero binili ko yan kase favorite yan ni Mayk. Tapos after nun nag-usap kame over skype. Kinuwento ko sa kanya na siya dahilan bakit yun lagi kong binibili na flavor. Tapos sabi niya, "ay alam mo ba!" Tapos akala ko magjojoke siya. Sabay sabi niya, "nung isang araw bumili din ako shake, alam mo ba flavor na binili ko?" Parang wala akong clue, tapos sabi niya, "green mango!" Hahahahahahaha! 

Yun kase paborito ko. Waaaaaah! Natuwa ako kase alam kong ayaw niya nun kase nga sobrang asim!!!




Saturday, March 8, 2014

Horrible Mondays and TGIF.

I hate just one thing about Ted and Robin’s relationship in How I Met your Mother. I don’t expect everyone to know this TV show, but you are welcome to Google this to find out, because I won’t make an effort to explain further.

They have this very good relationship, and it frustrates me whenever they decide to end that very beautiful thing just because they think their future will not collide perfectly the way they think it should be.

People tend to do this. People tend to run away from the bright wonderful sunshiney day, just because they know it’s going to rain tomorrow. People contemplate so much of what’s going to happen in the next few months, and years, instead of enjoying what’s currently and presently happening.

Not that we shouldn’t think about the best for our future. I just think that we shouldn’t neglect the little things that are right before our eyes just because we are too involve with our future. We know nothing about the future. Even the psychics who sometimes predicts looks like their guessing or cracks me up with their vague and obvious predictions. Things change and will constantly change. We can plan, but we can’t always work things out accurately as we want it to be. There will be a lot of turns, and tripping-off because one of our shoes is untie, and because the bus is late, and because a lot of unexpected and very unplanned things happen everytime around us: like your girlfriend can become pregnant or your Grandma might finally decide that she wants to live the rest of her life in Laos or something. A lot! And we shouldn’t focus our lenses too much on those distant things just because we have 20/20 good eyes (I literally don't).

We have the right to make good memories with the people who comes in and out of our lives and they have the right to enjoy life with us. Things might change, and there will always be a possibility that happiness and excitement will eventually fade. But, if we are constantly envisioning this, we are setting ourselves to worry to things that we are yet to know.

Life is a Yin and Yang, or life is a Ferry’s Wheel (whichever you prefer). We go up and down and round and round, and you get adrenaline rush, and someone laughs, shouts and other cries. There are horrible Mondays and TGIF! Life is just too random, and sometimes we think too much. We think that we can’t cope with its craziness, but we should at least try to just ride, fail and enjoy life. We sometimes miss the whole damn point of living a life.

If you are happy with the person, or friends that you have right now, and those people are also thankful you come by their way, please tell me you are giving a big deal about this right now! Simply be happy and live life with them.
 photo collage.jpg

Wednesday, February 26, 2014

Emotions, flat affects and emo moments.

At work, ang ingay ng utak ko. Ang daldal. Kala mo ehh may napakahalagang bagay na pino-produce ah! Totoo lang, na-trauma na ko. Everytime kase may naiisip ako na kala ko significant, pag lumabas na sa bibig ko, ayun, utot pala.

So kanina nga, isip ako ng isip ng isip. Nag-emo na naman ako ng wala sa lugar. Pakiramdam ko galit sa kin ang lahat ng tao. Pakiramdam ko pinag-uusapan ako ng masama sa likod ko. Pakiramdam ko lagi akong may maling ginagawa. Pakiramdam ko ang papel papel ko. Pakiramdam ko papansin ako.

Kung saan man biglang lumitaw ang pakiramdam na ito, hindi ko alam, pero alam kong lungkot na lungkot ako habang nagttreadmill sa utak ko 'toh. Yung mga pagkakataon na ganito parang kailangan ko talaga ng kausap eh. Kailangan ko nung either totoo or plastik na madaldal na kaibigan na mag-aassure sa kin, kahit pansamantala lang, na nagkakamali ako sa mga assumption ko na ito. Kaso ang random naman kung biglang mamalimos ako ng assurance sa kalagitnaan ng trabaho, lalo na at parang walang namang matibay na pinanggagalingan tong mge ek-ek ne nereremdemen ke.

Pero honestly, madami akong pagkakataon na ganito. As in, parang weekly routine anal examination sa utak ko. Ito nga, yung pakiramdam na, hindi ako sapat at may mali na naman akong ginagawa. Yup! Ganyan ka-emo.

Takot ako na hindi ako matanggap ng tao! OO!! Ka-ironican ng lagi kong binabanggit dito.

Alam ko, lagi ko kinakampanya yung pagiging totoo sa sarili and all those shit, pero I know, I am aware na mapagpanggap ako. Oo na! Trying hard din ako paminsan-minsan maki-blend in.

Ikaw ba naman kumaen ng lunch mag-isa sa round table ng mga isang buwan o mahigit, tingnan lang natin budhi mo. At least now I'm like Lotlot and friends, or Barney and friends, or Mickey and friends or Teletubbies. Lol.

Totoo lang ang hirap kaya! Ang hirap makisama. Tinatamad ako makisama. Hindi ako yung tipong mag-uumapaw ang reaksyon sa mga pangyayari. Kaya nga most of the time, I feel so misunderstood. Minsan nga sa tropa, aasarin ako, babarahin ako, lahat tumatawa na, tapos ang awkward ko kase hindi ko alam kung magkukunwa-kunwarian ba akong naaasar o hindi na lang ako magrereact? Alam mo yun?

Sinusubukan ko naman maigi i-explain din na may emotions and feelings din naman deep inside ang isang katulad ko, pero hindi ko lang talaga ma-express ng hindi ako nagmumukhang ketek.

Ayun.

Sinusubukan ko na din namang mabuting dagdagan yung mga reaksyon ko. Sinusubukan ko na i-acknowledge ang ibang tao sa mga nararamdaman nila, lol, therapeutic communication baga. Katunanyan, natutunan ko na ngang sabihin yung mga salitang, "I peel happy por you" sabay ngiti o di kaya "Uhm sow sorry to hear daaat.." tapos pailing-iling with frowning lips pa.

Pero ito ang napapala ko. Ito ang napapala ko!!! Yung mga ganitong thinking!! Yung overthinking sa mga nararamdaman ng ibang tao. Too much!! Hindi kailangan ganito, mali ito.

At ayun na nga. Sa kalagitnaan ng kalungkutan ko, bigla kong naalala, na yun nga, hindi ko kailangan i-please ang kahit sino. Tapos na nga pala ako sa stage na yun na para bang kailangan ko i-confront ang tao. Although in this case, wala naman akong i-coconfront, kase wala naman akong kaaway. Naalala ko na wala nga pala akong pake. Leche, eh kung may nilalang man na nanggagalaiti sa kin at this very moment, eh hindi ko na problema yun.

Wala lang. Inaamin ko naman na may mga natutunan naman ako sa mga pagkakataon na nagpapaka-plastik ako. Tulad ng hindi ko nasasaktan ang peelings of oders, lol. Pero inaamin ko din na minsan, ang unhealthy. Masyado ako nagkakaroon ng pake sa mundo, masyado ako nag-woworry sa mga bagay na wala naman akong control.

My name is Kamil, from Sampaloc, Manila, and I believe that my most wonderful characteristic is that I am a very cheesy and malambing kind of a person!! Thank you!! Mabuuuuhaaaay!! And World Peace to all mankind!! Oh yan, na-feel mo ba emotions ko jan?

Alam ko, I don't have emotions most of the time, pero ang assurance ko lang jan, eh kung ano man lumabas sa bibig ko, eh sincere!! Totoo!

Kapag sinabi kong mahal kita, mahal kita! Pag sinabi kong ang saya mo kasama, masaya talaga ako kasama ka! Kapag sinabi kong natatae ako, hindi ako yung umutot, natatae nga di ba?

Dull ko i-express minsang ang mga nararamdaman ko, pero alam kong malambing na yun para sa kin. Teary eyed pa nga ko minsan eh. Compare mo naman ako sa tao na punong puno ng verbal and non-verbal response sa katawan, pero sinasaksak ka naman ng kaplastikan kapag nakatalikod ka, so sino pipiliin mo?



Ayun lang.

Kada natatapos ako magsulat dito sa blog ko, parang, napapatanong ako, "nanyare?!" parang walang sense. Utot lang.

 photo collage.jpg

Monday, February 3, 2014

You know what's the best part of this ride?

I'm purita. As in wala akong kotse, wala akong branded at mga trending na mga damit, nakikisawsaw lang ako sa may apartment ng may apartment, nakikisawsaw lang ako sa may pamilya ng may pamilya, nakikilamon lang ako sa hapunan ng iba, and all those pulubi stuff na you may think.

But everyday na-eenjoy ko yung malilinggit na feeling of happiness that makes me feel so ALIVE!

Pagkagising ko last Saturday, with a lot of muta effects sa aking eyes dahil sa aking mala-diyosa comatose na beauty sleep, eh sinuot ko ang aking pulubi-much na jacket, plus jogging pants, plus kadungis-dungis na mukhang inaamag na Vans, at naglakad na ko palabas dun sa tinutuluyan ko papunta sa grocery store.



Yung exact moment na yan na naglalakad ako sa kalye, nakikinig sa Pandora ko, pilit kinukubli sa sarili ko na nilalamig talaga ako sa 54 degrees weather (kase nga kunyari americanize na nga ako), yan yung mismong moment na na-realize ko na (OO NGA NOH!!!!) nandito nga talaga ako sa L.A.!

Araw-araw sumasakay ako ng bus papuntang work, with similar feeling nung sumasakay ako noon ng bus papuntang EDSA or Buendia. Nagpapasalamat ako kase nalagpasan ko na yung phase na puro butterflies yung tsan ko tsaka yung level sa Mario & Luigi kung saan mukha akong naliligaw na pulubi all the time.

May isang beses, papasok ako sa work, may ale sa bus na nasa wheelchair (oo kasya ang wheelchair sa bus--natutupi yung mga upuan sa unahan nung bus para magbigay space sa mga disabled na nasa wheelchair at uhmm--tsaka ko na explain, ang complicated eh), so yun nga nasa wheelchair si ate at maingay siya (yung tipong Crispin-Basilyo style na ingay). Kasama niya ang kanyang anak, na hindi man lang nagbalak na alalayan yung Nanay niyang craaaazzzeeeeyyyy pagdating sa stop nila! Eh di yung bus driver na lang tumulong, at habang pababa na siya ng bus, habang inaalalayan siya nung bus driver, nagtanong siya, "You know what's the best part of this ride?" Nag-raise ako ng hand, sasagutin ko sana, kaso sinagot din niya sarili niyang question, "It is seeing that wonderful sunrise." 

Ang ganda kase nung pag-bloom ng araw nung mga oras na yun, as in ang dramatic teh!!! Perpekt na perpekt to put your Pandora to Classic Piano Symphony station then make emo while over looking at the window and counting the pulubies all over Beverly. At alam na alam kong question mo toh in your heart eh! Kung paano ko naalala yung exact wording ni ate Sisa! OO, naaalala ko kase pagkasabi na pagkasabi niya nun, nilabas ko yung maliit kong notebook, tapos sabi ko talaga, "ma-blog nga yan!" -- tapos nag-smile ako the way na nag-smile si Vice Ganda as "Mark Jackstone" nung sinabi niya yung word na "Saraaaaappp!!!"  nung tinitikman niya yung lutong Adobo ni "Panying Jackstone" sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Kitams? Kahit baliw nakaka-appreciate ng mga simpleng bagay sa paligid-ligid. Truly! At may similarity kame ni ate. Yup! Pareho kameng may significant changes sa aming mental status.

Uy masingit ko lang, totoo talaga yung status ko sa Facebook.



Tapos balik tayo sa original topic ko. Yung nga...

Ang point ko dun sa kinukwento ko kanina, eh itong pagka-purita ko right now, it gives me more opportunity to live my life and appreciate life more, yung maliliit na bagay baga. (And it gives me na rin more chances to see more crazy and pulubi and mamamatay tao sa kalye! Ika nga, more lowka more fun!).

Grabe din yung experience ko na mamuhay mag-isa, alam mo yun? Fulfilling mag-trabaho and then earn your own money, kahit sobrang liit lang ng kita. Feeling ko minsan nagbabahay-bahayan lang ako. Ang bachelor ng dating kapag binubudget ko sarili kong pera, kapag nag-ggrocery ako para sa sarili ko, at pag naglalaba ako sa oras na gusto ko. I feel na nabubuhay ako na hindi naman totally how I want it to be, pero at least nakakapagdesisyon ako para sa sarili ko, which is a mixture of fear dahil nasa labas ako ng comfort zone and of excitement para sa mga bagong experience. Pero ayos pa din dahil pakiramdam ko in control ako eh ng buhay ko. Kung baga, it is all about the experience that you cannot buy and yung joy within your soul na imposibleng ma-picturan at ma-post sa instagram.

I don't have the luxury and the richness right now, but I'm blessed with the opportunity to be a better person and to appreciate the small and simple things in life.



You know what's the best part of this ride? IT is knowing that you are truly living your life. As in yung presence ng utak mo sa mga nangyayari sa buhay mo! It is knowing that you don't need to be rich and famous to be happy and satisfied. That you don't need anything expensive to enjoy life. Na minsan, all you need to do is to be crazy and to be appreciative with what life gives you.

May ma-point out lang kunyari.

Yun lang.

 photo collage.jpg

Sunday, January 19, 2014

Relationships: Steps in Resolving Conflicts

Gusto ko lang talaga i-share yung topic kanina sa church. Umiikot ang mga teachings lately sa MARRIAGE, para sa mga mag-asawa.

Pero syempre about na rin 'toh sa mga relationships, and I guess pwede ito i-apply ng kahit sinong may boyfriend or girlfriend. Na-inspired lang ako at naiisip ko tuloy, sana kasama ko si Mayk habang nakikinig sa teachings, kase alam kong hindi naman mag-wowork-out ang lahat kung mag-isa lang yung nakakaalam.

Minsan talaga it's not about finding the right person, but it's all about being the right person for each other. Yung tipong walang mas mababa, at walang mas mataas. Pareho niyong kaya magpaka-humble and true para sa isa't isa.

So paano na pag nag-aaway kayo?


Oo. Pinicturan ko lang yung screen kanina sa church. Ito daw yung mga pwedeng gawin to resolve your disagreement with your partner.

Right approach. Wag masyadong scandalous. Find a private location to solve your issues. Yung lugar na pwede kayong mag-usap pareho in regards sa problema niyo (at hindi yun sa gitna ng kalye, or sa mall, or sa bus, at lalong lalong wag sa simbahan). Isa na rin toh sa mga paraan to show respect to your boyfriend/girlfriend, di ba? At bukod dun, recorgnize your accountability within the conflict. Kahit anong mangyari, kahit na alam mong may ginawang di tama si partner, for sure meron ka ding mali. Kaya nga kayo nag-aaway eh. Huwag kang magpatuloy makipag-away for the sake of ego. Alam natin na most of the time ego ang nag-tatake down sa ilang relationship. Your love should be bigger than your pride.

Classifications of the issues involved. Aminin natin na kapag nakikipag-away tayo sa special someone natin, lumalaki at lumalaki yung issue dahil kung saan saan na napupunta yung topic. May mga bagay na pinapasok sa away na nangyari sa past. Lalong hindi mareresolve yung conflict kase most of all hindi naman na-aacknowledge kung ano ba talaga yung totoong pinag-aawayan. Umikot lang sa issue and give an example of how both of you will compensate to that problem.

Focus on the deed and not the doer. Isa pang example kung paanong napapasok na naman ang mga bagay na hindi sangkot sa pinag-aawayan. Yung mismong partner mo na yung kinagagalitan mo at hindi yung kung anong ginawa niya sayo.

No third parties at the stage. Hindi ko talaga naintindihan toh nung binasa ko lang, pero inexplain naman ni brother na ito yung mga times na imbis yung mag-asawa yung mag-uusap in regards sa problema, eh sinasabi pa sa ibang tao na hindi naman involve, katulad ng family or friends. Although kapag may kasama ng pag-aabuse eh mukhang hindi magandang advise toh, but other than that, eh wag na mag involve ng iba pang tao sa problema niyo. Kayo ang may issue sa relationship, at hindi yun masosolve ng ibang tao.

Be open minded and sensitive. Hindi ko talaga maalala kung anong diniscuss tungkol sa pagiging open minded at sensitive. Lol. Ikaw na lang mag-figure out.

Be sincere and honest. Sa lahat ng sasabihin mo sa partner mo, be sincere. Katulad na lang ng salitang I LOVE YOU. Lagi kong napapanuod sa mga foreign movies na kahit nagdadate na yung dalawang tao, parang sobrang malaking issue kapag nasabihan sila nung isa ng word na yan. Sa tingin ko dahil gusto nilang sabihin yun ng sincere sa taong sasabihan nila, at hindi lang para for the sake na basta masabi lang. Same goes sa pag-sosorry. "Nag-sorry na nga ako ah, ano pa bang gusto mo?" Ayan, ayan, mukha bang sincere yang pag-sosorry na yan?

Aim to reconcile. Natuwa lang ako sa part na toh. Sa relationship kase namin ni Mayk, hindi kame yung tipo ng, "Magbreak na nga tayo! Wala ng pupuntahan toh!!" Alam namin na nag-aaway kame not for the sake na mag-away lang talaga, kundi argument yun for the sake na ma-settle yung difference naming dalawa at para mag-come-out kame sa tamang solusyon. Naaalala ko din dati na umiiyak ako hindi dahil sa pinag-awayan namin, kundi dahil akala ko natiis niya na magkaaway kame, pero bumalik siya nung malamig na yung ulo niya at nag-usap na kame ng maayos. Never kame natutulog ng magkaaway, which I guess is a good thing. Pero alam ko minsan may flaws pa din kame. Lalo na nung sinabi ni brother yung mga unhealthy reconciliations, tulad nung sasabihin nung lalake na, okay okay sige ikaw na panalo. Madalas kase mangyari sa min toh eh. This is the kind of reconciliation just to preserve the relationship pero hindi naman talaga nireresolve yung mismong conflict. At hindi mo mamamalayan, babalik na naman yung same issue na yun dahil hindi nga na-resolve. Anyway, this is not to prove your partner who's wrong and right, but to find a way to compromise to each other at maresolve yung difference niyo as an individual.

Lastly, pinapanuod sa amin itong video na toh na sobrang muntik na ko maiyak:



Nakaka-inspired noh? Kung di ka na-inspired, wala lang. Eh di hindi.
Yun lang.
 photo collage.jpg

Friday, January 17, 2014

Kapag may Kaibigan kang may Attitude Problem.


Ito naman ay opinyon ko lang. So kung salungat tayo ng opinyon, sorry hindi ako ikaw.




 photo collage.jpg

Wednesday, January 8, 2014

Declutter Your Life.

Ano yung mga bagay na kinikimkim mo ngayon? Yung mga tipong hindi mo ma-let go? Yung example, 5 years na, pero iniipon mo pa rin yung hinanakit mo tungkol sa isang tao na wala na sa buhay mo.

At ano naman yung mga bagay na nagpapasaya sayo ngayon? Mga gadget? Internet? Magandang damit? Fame? Pera?

Ironic noh? Pero alam kong may kakilala ka na may tendency na mali mag-de-clutter ng mga bagay bagay sa buhay. Ito yung mga tao na yung mga bagay na kailangan itapon eh ginagawang permanente, tulad nga nung sample ko na mga hinanakit sa mundo na yan, pa-uulit-ulitin pang i-recite sa utak yan hanggang ma-memorize. At lahat naman ng mga bagay na magpapasaya sa kanya eh mga materyal na bagay o kahit ano na alam naman nating temporary lang, at di naman madadala hanggang sa libingan.

Imaginine mo kung may ganito kang listahan:


Pwede mo i-lista jan ang kahit ano: Tao, bagay, lugar, emotion o kahit pangyayari man. Ano ang isusulat mo? Ano yung mga bagay sa buhay mo na gusto mong nandun forever? At ano yung mga bagay na lagi mong i-re-recycle bin?

Sana kung magkaka-chance tayo na ma-fill-outan lang yung mga ganitong listahan, siguro ang gaan gaan ng buhay. Prioritization baga. Madali tayo makakapagpatawad. Mas magiging mahaba na ang pasensya natin. Mas mabilis na lalamig ang ulo pag may nakakabadtrip na nangyari. Mas magbibigay halaga ka na sa ugali ng tao at hindi sa status ng pamumuhay nito. Mas mapapansin na natin yung effort ng mga taong nagmamahal sa atin. Mas mapapahalagahan na natin ang kapatid na laging kaaway natin. Mas mabibigyang halaga na natin ang mga magulang na naghihirap para sa tin. Mas ma-aappreciate na natin ang mga bundok at tanawin kase hindi na tayo busy mag-picture. Mas malalasahan na natin yung masarap na ulam na nakahain. Mas alam na natin kung san dapat ilagay yung pera na kasasahod lang natin. Malalaman na din natin na kahit anong materyal na bagay dito sa mundo eh mapapasaya tayo, pero siguradong panandalian lang. Ma-rerealize mo na hindi ka pala dapat ma-hook sa mga balitang chismis tungkol sa mga artista. Mabibigyan mo ng much patnubay ang mga anak mong naghihikahos ng attention mo. Matututunan mong mag-invest sa pagmamahal ng mga taong naka-paligid sayo, at mag-invest sa pagiging mabuting tao. At marami pang iba na ikaw na lang ang magdagdag.

Ang ironic na ang totoo, may mga maliliit na bagay na talagang magpapasaya sayo, pero hindi natin makita. Pero kapag lumipas at lumaon na, at wala ng pagkakataon para langhapin natin yung kaligayahan na yun, eh tsaka naman tayo nagsisisi kung bakit di natin yun binigyan ng much pansin.

Wala lang.

 photo collage.jpg

Sunday, December 29, 2013

Ang Chipipay na Laptop at ang Budgeting phase.

Nag-ba-backfire na ang ka-chipipayan ng laptop ko.

Kahapon, rest day. Pagkagising ko ng mga bandang 7am, umihi lang ako, sabay balik sa kwarto, bukas ng laptop, at maghapon na nga akong hindi gumalaw sa kinauupuan ko. Except for moments na nauuhaw ako or naiihi, tsaka pag feeling ko magkaka-pressure ulcer na yung pwetan ko. Mga bandang 3pm na nung napansin kong di pa rin ako kumakaen. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko. Nagkakalikot lang ako ng mga picture ko sa facebook and stuff like that (y'ah know).

Oh yeah, naalala ko na ginagawa ko kung bakit maghapon akong nakadukdok sa laptop. Ako ay nag-bubudget ng kakarampot kong sweldo. Stress!!

Tumatumbling ako sa kakaisip kung paano ba ako makakaipon. Nilalagyan ko pa ng colors and everything para lang ma-engganyo ako sa ginagawa kong pag-pplano. Maya-maya, napansin ko na may bumabagabag sa mata ko kada-tumitingin ako sa screen. Alam kong medyo may deperensya na din yung mata ko, pero I'm quite sure hindi yun ang dahilan. Dun ko napansin na sa aking screen eh may manipis na horizontal na guhit na nagmumula sa left part ng screen pa-gitna.

I'm like, WTH? May symptomas na agad ang aking laptop eh isang buwan pa lang yata ang nakakalipas nung muntik na ko mamatay dahil hindi ako nakakaen ng dalawang linggo mabili lang toh (chos lang --maka-exage lang ng kwento --dami ko ngang lamon nung week na yun eh-- dahil alam mo na, God provides when you least expect). Although di naman ka-majoran tong problema, pero ayuko ng lumala pa. Kaya today eh itinawag ko na sa customer service at inutusan ako ni kuyang customer service (na kapangalan ng boss ko) na ipadala sa kanila yung laptop and they will figure out kung maaayos or kailangan palitan ang laptop.

Agree naman ako, since part pa naman siya ng warranty, at medyo immune na naman ako na walang laptop dahil sa cellphone kong high-definition. Oo high definition! After using chipipay phones over the years (Ay I think all my life yata --nagkaroon ako once, lumigaya ako, kaso nanakaw naman), eh nagkaroon na rin ako ng phone na mabilis, may internet, sikat and all those shit.

Oh yeah, katulad ng sabi ko, medyo stessful nga ako sa pera. Ayuko man aminin pero mukhang sinasampal ako ng katotohanan na pera ang isa sa mga major major reason bakit ako na-dedepress, secondary na lang ang PMS.

Totoo lang, ngayon lang ako namulat kung gaano kahirap mabuhay ng mag-isa (yeah I'm telling that in a madramang way, yung tipong nasa bus ako with all the multi-colored passengers na bumabyahe din, naka-headset at nakatingin sa malayo), yung as in kakayod ka para sa sarili mo, ikaw mag-iisip kung anong kakainin mo (tapos wala ka pa kahati), ikaw lang din ang makakapagdesisyon kung may plano ka pa ba sa isang bandehada mong labahin.

Dati kase sa Pilipinas, parang okay lang, kase kasama ko si Mayk. Di ako natatakot kung sakaling wala na ko mabunot na barya sa bulsa ko, di ako namomoblema kung di ko maubos yung hapunan ko, at lalong may pwedeng maglaba para sa kin kung tinatamad ako (which is most of the time). At to tell you the truth proud ako sa sarili ko na sinusubukan ko maging independent. Nasa labas ako ng comfort zone ko everyday, as in everyday. Yung weather, yung mga direksyon papunta dito at sa kung saan, at yung mismong communication.

I'm thankful, kase itong kalye na toh, nakakatakot man tahakin, eh nagbubukas ng mga exciting na experience at opportunity, na hindi mararanasan ng kung sino kung hindi naman open sa changes (which is the only consistent thing, stuff, idea in life. Ironic lang. Buong buhay ko lagi kong naririnig yung mga salitang, "Hindi mo yan kaya..". Pero ngayon na-realize ko na yung totoong meaning nung quote na lagi nating naririnig, as in deep realization, na walang nakakaalam kung kaya mo yan o hindi unless susubukan mo.

Lahat ng blessings, pinagpapasalamat ko talaga kay Lord, as in sincere yan (hindi may maisulat lang). Siguro kaya feeling ko okay ako ngayon dahil siya mismo nagsabi sa kin na wag ako mag-alala. Isa pa, sa lahat ng toh, isa lang naman din ang prinsipyo na dala-dala ko. Ang pagiging totoo.

Masyado akong madaming gustong mangyari sa maikling panahon. Pero, allelujah, bumalik na ako sa aking senses. Nakapag-reflect na din naman akong maigi at nakapag-set na ulit ng mga bagong plano sa buhay na malapit sa katotohanan, yung realistic baga!

Isa sa mga toh eh yung desisyon na hindi muna ako bibili ng kotse. Ngayon pa nga lang, monthly bus passes pa lang binibili ko eh yung utak ko sumasabog na, what more if I need to pay for the car every month? Sa insurance? At nga pala, gas pa! Po-problemahin ko din ang parking (baka mamaya magbayad din ako for the sake na may ma-parkan lang). Nga-nga.

Kailangan ko mag-ipon. Yung realistic na ipon para sa mga plano ko sa buhay 2014. Nung una naiinis pa ko, pero na-realize ko na okay na din pala na hindi ako na-approve dun sa mga in-applyan kong credit card. At least wala ako kahit sinkong butas na utang as of the moment.

Eh tapos ngayon, medyo nalulungkot lang ako kase pinipilit ko na wag na muna sumama sa mga gala nung mga kaibigan ko para makaiwas na din sa gastos. Kaso mga nagtatampo naman sa kin. Lam mow yown? I feel fulfilled in a way, oo, pero di pa rin makakaila na madalas, minsan eh nagiging free loader na ako sa kanila. Ayuko naman nun. Kung di ko naman kaya yung gastos, eh di wag na lang di ba. Pero sana maintindihan din nila kung san ako nanggagaling, kung bakit puro deny at puro excuse ako sa mga aya nila recently.

Hindi na ako mag-eexpect masyado sa sarili ko. Hindi ko kaya i-provide ang lahat ng gusto ko para sa sarili ko ngayon dahil, hello, nag-uumpisa pa lang naman ako. Mukha namang nabibigay ko naman sa sarili ko ang mga kailangan ko eh. Madami pang mangyayari. Madami pang liko at pasikot-sikot. Madami pang magbabago. But I bet I'm in a good start naman. Sana. Cross-finger.

Sometimes, I just hate money. Sabi nila it doesn't make the world go around, pero minsan parang naman. And then when you have lots, you're still unhappy and you are still unsecure. Labo lang di ba.

 photo collage.jpg

Sunday, December 22, 2013

All I Want For Christmas 2013

I'm thankful I was invited to join this tagging series na ang pasimuno at puno't dulo pala eh si Marjorie ng Coffeehan. Matagal-tagal na din na walang kumakalat na mga ganitong pakulo sa blogsphere (or meron pero siguro di ako sinasali, mga snob! Lol). Three days before Christmas, and I guess hindi pa naman late ang pagkaka-tag sa kin ni Mr. Tripster.

Paborito kong holiday ang Christmas, sa maniwala ka o sa hindi. At ngayon na hindi ako mag-cecelebrate ng pasko sa Pinas, I feel so incomplete. Walang simbang gabi, walang puto bungbong, walang masasayang tugtuging pang-pasko habang naglalakad ka sa kalye, at walang last minute Christmas shopping sa Divisoria.

Super bland ng pasko ko. Hindi ako makakauwi sa Mama ko sa Oceanside, dahil before and after Christmas may pasok ako. Ayuko naman makipagsiksikan sa bahay ng Tatay ko. But I'll try my best to enjoy my Christmas Eve. Thanks sa idea I got from Abbie's post on her Tumblr blog. (I'm looking for the post, di ko na makita). Pero ito yung screenshot the day I saw her post:


So for Christmas Eve and buong Christmas day, I downloaded some Ghibli production movies na hindi ko pa napapanuod, pati other movies na gusto kong panuorin ulit like: Despicable Me 2, The Croods, How the Grinch Stole Christmas and Nightmare before Christmas. At kung di pa ko solve sa mga yan, I downloaded din ang paborito kong MTV series na Daria to watch again. May cookies at hot choco na din akong naka-handa! I'm so ready sa aking paskong nanglalamig!

Napadaldal ako. Okay tuloy na natin ang sinadya ng post na toh:

ALL I WANT FOR CHRISTMAS 2013

Use this photo.

Una, PLANNER. Kailangan ko na i-re-evaluate ang buhay ko bago ang start ng 2014. Para malaman ko kung ano pa ba yung mga bagay na ipagpapatuloy ko, ano ba yung mga bagay na kailangan kong baguhin at ano pa ba ang mga dapat kong gawin para ma-reach ang aking 2014 - one-year-goal.


Pangalawa, Winter wardrobe. Originally, dapat isusulat ko talaga kotse, pero dahil next to impossibility naman yun, eh eto na lang. Para makayanan ko naman ang araw-araw na pag-cocommute ko papunta sa work.


Pangatlo, Study table. I need a study table sa kwarto ng bagong tinutuluyan ko ngayon dahil ang dami ko dapat gawin, tulad ng pagrereview for the board exam, pag-eevaluate ng mga finance ko, at most importantly, pagbblog na lahat ginagawa ko sa kama. Eh medyo mahirap te, masakit sa pwet (para akong magkaka-pressure ulcer --katulad ngayon). So I really need a small study table na kahit papaano eh mag-kakasya sa maliit na kwarto ko ngayon.


So, let's not be so gahaman, kaya yan na lang muna ang mga wish ko this Christmas. And if you want to join this tagging series na itech for fun, ito nga pala ang mga rules natin:

  1. Make a post entitled, "All I Want For Christmas 2013," and please use the photo above. 
  2. List 6 things that you want to receive as a gift. 
  3. Tag 3 friends who will make the same post (no tag backs). 
  4. Send me the link so I could check it too (optional).
At ito yung mga tag ko (na parang feeling ko hindi ako papansinin pero i-ta-tag ko pa rin):

Ate Mads at Mood Swings
and
Khantotantra at Kwatro Khanto


Sa mga tinag ko, wala namang sapilitan. Sa mga gustong sumali na hindi naman na-tag. Just do it! Wag na maarte! Yun lang!! Maligayang Pasko!
 photo collage.jpg