Pages

Sunday, March 30, 2014

Pasaway na Life.


Minsan marerealize mo na lang na nakakapagod na mag-react, nakakatamad na mag-reklamo, na walang patutunguhan yung mga 24/7 na pagmumukmok at regression mo sa sulok ng bahay niyo habang nakayakap ka sa mga tuhod mo with the feels na bitbit mo ang bitbit ni Atlas.

Kapag natutunan mo  na yung teknik na ngitian na lang ang buhay, eh masusurprise ka. (Dapat sasabihin ko eh yung teknik na "tawanan" na lang ang buhay, kaso as a nurse, iba ang interpretation ko sa mga ganung non-verbal response. So gawin na lang nating "ngiti".)

NGITI. Isang portion ng buhay mo na pwede mong ibigay kahit kanino without spending a dime. Good deal di ba? O di kaya pagkatapos mo masaktan, pagkatapos mo mag-contemplate sa lahat ng ka-depressionan mo sa buhay, eh mag-iinhale ka ng malalim, tapos exhale, at ngingitian mo ang buhay habang sa utak mo bitbit mo ang mga salitang "Kaya ko toh!"

You don't need to suppress sadness kung yun naman talaga emotion mo at the moment. Hindi mo rin kailangan dali-dali mag-AJA! kung hindi ka pa naman ready. Pero yung pag-bubuild-up mo ng hope sa puso mo, isang malaking strategy yun para malaro mo ng maayos ang laro ng buhay. (Naks, laro ng buhay, big word!!!!!!).

May mga taong awang-awa sa sarili at hindi na malaman kung paano ba mag-momove forward sa buhay. Nakakalungkot. Naiintindihan ko naman na iba't iba ang size ng problema ng iba't ibang tao. Magkakaiba tayong lahat ng kalagayan sa buhay, magkakaiba tayo ng paraan kung paano tumanggap at humarap sa problema.

Pero eventually, if you will let yourself drown, sino ang talo?

EH kung subukan mo yung kabaliktaran, kung subukan mong maging open-minded, kung bibigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na mag-grow, you will realize that challenges are meant to be treated as an opportunity. Na possible ang mag-adjust sa buhay. Na possible na hindi okay ngayon, pero possible din na eventually it will be.

Confident ako na nangyayari ang lahat ng bagay dahil may dahilan. Hindi dahil nabasa ko talaga yan sa kung saan mang libro or quotes sa internet, pero dahil ako mismo eh thankful dahil nag-cooperate ang universe para mangyari ang lahat ng nangyari sa nakaraang 23 years of my existence. Kung di dahil sa lahat ng yun, hindi ko makikilala ang mga taong nasa buhay ko, wala ako sa kung nasaan man ako, at hindi ako yung kung sino man ako ngayon.

Sa utak ko, eh ganun talaga eh, ganyan ang life: magkakaproblema ka, makakapag-adjust, magiging okay, at dahil naging okay may kaunting sprout of growth sa buhay mo (kung sakali mang nakapagreflect at nakapag-muni-muni ka sa mga pangyayari). Pagkatapos ng lahat ng yun, you have to expect na hindi dun matatapos ang lahat. You'll get bigger problems but bigger and much better opportunity to grow and mature.

Oo walang katapusan. Pero pakiramdam ko, kaya paulit-ulit-ulit-ulit-ulit na nangyayari sa buhay natin yung mga bagay-bagayl, eh kase siguro hindi pa rin natin na-rereach yung confucius-point na kailangan nating ma-hit para maging ready sa next level ng lives natin.

I'm sorry to say, pero sa nakikita ko, umaagree na talaga ako sa kasabihan na hindi lahat ng tumatanda eh may pinagkakatandaan. We all have an opportunity to be the best person we can be, and we should seize it while we still have a chance.

Ayun lang. Char.

 photo collage.jpg

1 comment:

Anong meron?