Pages

Wednesday, February 26, 2014

Emotions, flat affects and emo moments.

At work, ang ingay ng utak ko. Ang daldal. Kala mo ehh may napakahalagang bagay na pino-produce ah! Totoo lang, na-trauma na ko. Everytime kase may naiisip ako na kala ko significant, pag lumabas na sa bibig ko, ayun, utot pala.

So kanina nga, isip ako ng isip ng isip. Nag-emo na naman ako ng wala sa lugar. Pakiramdam ko galit sa kin ang lahat ng tao. Pakiramdam ko pinag-uusapan ako ng masama sa likod ko. Pakiramdam ko lagi akong may maling ginagawa. Pakiramdam ko ang papel papel ko. Pakiramdam ko papansin ako.

Kung saan man biglang lumitaw ang pakiramdam na ito, hindi ko alam, pero alam kong lungkot na lungkot ako habang nagttreadmill sa utak ko 'toh. Yung mga pagkakataon na ganito parang kailangan ko talaga ng kausap eh. Kailangan ko nung either totoo or plastik na madaldal na kaibigan na mag-aassure sa kin, kahit pansamantala lang, na nagkakamali ako sa mga assumption ko na ito. Kaso ang random naman kung biglang mamalimos ako ng assurance sa kalagitnaan ng trabaho, lalo na at parang walang namang matibay na pinanggagalingan tong mge ek-ek ne nereremdemen ke.

Pero honestly, madami akong pagkakataon na ganito. As in, parang weekly routine anal examination sa utak ko. Ito nga, yung pakiramdam na, hindi ako sapat at may mali na naman akong ginagawa. Yup! Ganyan ka-emo.

Takot ako na hindi ako matanggap ng tao! OO!! Ka-ironican ng lagi kong binabanggit dito.

Alam ko, lagi ko kinakampanya yung pagiging totoo sa sarili and all those shit, pero I know, I am aware na mapagpanggap ako. Oo na! Trying hard din ako paminsan-minsan maki-blend in.

Ikaw ba naman kumaen ng lunch mag-isa sa round table ng mga isang buwan o mahigit, tingnan lang natin budhi mo. At least now I'm like Lotlot and friends, or Barney and friends, or Mickey and friends or Teletubbies. Lol.

Totoo lang ang hirap kaya! Ang hirap makisama. Tinatamad ako makisama. Hindi ako yung tipong mag-uumapaw ang reaksyon sa mga pangyayari. Kaya nga most of the time, I feel so misunderstood. Minsan nga sa tropa, aasarin ako, babarahin ako, lahat tumatawa na, tapos ang awkward ko kase hindi ko alam kung magkukunwa-kunwarian ba akong naaasar o hindi na lang ako magrereact? Alam mo yun?

Sinusubukan ko naman maigi i-explain din na may emotions and feelings din naman deep inside ang isang katulad ko, pero hindi ko lang talaga ma-express ng hindi ako nagmumukhang ketek.

Ayun.

Sinusubukan ko na din namang mabuting dagdagan yung mga reaksyon ko. Sinusubukan ko na i-acknowledge ang ibang tao sa mga nararamdaman nila, lol, therapeutic communication baga. Katunanyan, natutunan ko na ngang sabihin yung mga salitang, "I peel happy por you" sabay ngiti o di kaya "Uhm sow sorry to hear daaat.." tapos pailing-iling with frowning lips pa.

Pero ito ang napapala ko. Ito ang napapala ko!!! Yung mga ganitong thinking!! Yung overthinking sa mga nararamdaman ng ibang tao. Too much!! Hindi kailangan ganito, mali ito.

At ayun na nga. Sa kalagitnaan ng kalungkutan ko, bigla kong naalala, na yun nga, hindi ko kailangan i-please ang kahit sino. Tapos na nga pala ako sa stage na yun na para bang kailangan ko i-confront ang tao. Although in this case, wala naman akong i-coconfront, kase wala naman akong kaaway. Naalala ko na wala nga pala akong pake. Leche, eh kung may nilalang man na nanggagalaiti sa kin at this very moment, eh hindi ko na problema yun.

Wala lang. Inaamin ko naman na may mga natutunan naman ako sa mga pagkakataon na nagpapaka-plastik ako. Tulad ng hindi ko nasasaktan ang peelings of oders, lol. Pero inaamin ko din na minsan, ang unhealthy. Masyado ako nagkakaroon ng pake sa mundo, masyado ako nag-woworry sa mga bagay na wala naman akong control.

My name is Kamil, from Sampaloc, Manila, and I believe that my most wonderful characteristic is that I am a very cheesy and malambing kind of a person!! Thank you!! Mabuuuuhaaaay!! And World Peace to all mankind!! Oh yan, na-feel mo ba emotions ko jan?

Alam ko, I don't have emotions most of the time, pero ang assurance ko lang jan, eh kung ano man lumabas sa bibig ko, eh sincere!! Totoo!

Kapag sinabi kong mahal kita, mahal kita! Pag sinabi kong ang saya mo kasama, masaya talaga ako kasama ka! Kapag sinabi kong natatae ako, hindi ako yung umutot, natatae nga di ba?

Dull ko i-express minsang ang mga nararamdaman ko, pero alam kong malambing na yun para sa kin. Teary eyed pa nga ko minsan eh. Compare mo naman ako sa tao na punong puno ng verbal and non-verbal response sa katawan, pero sinasaksak ka naman ng kaplastikan kapag nakatalikod ka, so sino pipiliin mo?



Ayun lang.

Kada natatapos ako magsulat dito sa blog ko, parang, napapatanong ako, "nanyare?!" parang walang sense. Utot lang.

 photo collage.jpg

1 comment:

  1. Hahahahah love yourself at feel ko ang cool mo sa personal

    Hugs and kisses

    Kulapitot

    ReplyDelete

Anong meron?