Pages

Wednesday, January 8, 2014

Declutter Your Life.

Ano yung mga bagay na kinikimkim mo ngayon? Yung mga tipong hindi mo ma-let go? Yung example, 5 years na, pero iniipon mo pa rin yung hinanakit mo tungkol sa isang tao na wala na sa buhay mo.

At ano naman yung mga bagay na nagpapasaya sayo ngayon? Mga gadget? Internet? Magandang damit? Fame? Pera?

Ironic noh? Pero alam kong may kakilala ka na may tendency na mali mag-de-clutter ng mga bagay bagay sa buhay. Ito yung mga tao na yung mga bagay na kailangan itapon eh ginagawang permanente, tulad nga nung sample ko na mga hinanakit sa mundo na yan, pa-uulit-ulitin pang i-recite sa utak yan hanggang ma-memorize. At lahat naman ng mga bagay na magpapasaya sa kanya eh mga materyal na bagay o kahit ano na alam naman nating temporary lang, at di naman madadala hanggang sa libingan.

Imaginine mo kung may ganito kang listahan:


Pwede mo i-lista jan ang kahit ano: Tao, bagay, lugar, emotion o kahit pangyayari man. Ano ang isusulat mo? Ano yung mga bagay sa buhay mo na gusto mong nandun forever? At ano yung mga bagay na lagi mong i-re-recycle bin?

Sana kung magkaka-chance tayo na ma-fill-outan lang yung mga ganitong listahan, siguro ang gaan gaan ng buhay. Prioritization baga. Madali tayo makakapagpatawad. Mas magiging mahaba na ang pasensya natin. Mas mabilis na lalamig ang ulo pag may nakakabadtrip na nangyari. Mas magbibigay halaga ka na sa ugali ng tao at hindi sa status ng pamumuhay nito. Mas mapapansin na natin yung effort ng mga taong nagmamahal sa atin. Mas mapapahalagahan na natin ang kapatid na laging kaaway natin. Mas mabibigyang halaga na natin ang mga magulang na naghihirap para sa tin. Mas ma-aappreciate na natin ang mga bundok at tanawin kase hindi na tayo busy mag-picture. Mas malalasahan na natin yung masarap na ulam na nakahain. Mas alam na natin kung san dapat ilagay yung pera na kasasahod lang natin. Malalaman na din natin na kahit anong materyal na bagay dito sa mundo eh mapapasaya tayo, pero siguradong panandalian lang. Ma-rerealize mo na hindi ka pala dapat ma-hook sa mga balitang chismis tungkol sa mga artista. Mabibigyan mo ng much patnubay ang mga anak mong naghihikahos ng attention mo. Matututunan mong mag-invest sa pagmamahal ng mga taong naka-paligid sayo, at mag-invest sa pagiging mabuting tao. At marami pang iba na ikaw na lang ang magdagdag.

Ang ironic na ang totoo, may mga maliliit na bagay na talagang magpapasaya sayo, pero hindi natin makita. Pero kapag lumipas at lumaon na, at wala ng pagkakataon para langhapin natin yung kaligayahan na yun, eh tsaka naman tayo nagsisisi kung bakit di natin yun binigyan ng much pansin.

Wala lang.

 photo collage.jpg

3 comments:

  1. yung sa akin syempre hindi mawawala ang food sa Permanent side... hehehe... halos lahat ng tao ay gustong mas maging organized this year...

    ReplyDelete
  2. sapul.. gagawa nga ko nito..baka sakali humaba ag pasensya ko sa bagay bagay sa mundo.. :)salamat kapatid..

    ReplyDelete
  3. ahahahahaha! ma try nga yang ganyan :) kaso mdali din naman kasi ako makalimot hehe

    ReplyDelete

Anong meron?