Dati, ang sabi sa kin, kapag daw may hiniling ka kay Lord, lagi daw may tatlong sagot. Siguro alam mo din toh. Yung, OO, Hindi, o Oo, pero hindi pa ito ang tamang panahon.
Oo, para talaga sayo yan.
Hindi, may mas maganda pa akong ibibigay sayo.
Oo, pero hindi ngayon.
Pero nagbago na ulit ang pananaw ko.
Lagi nagpapadala ang tatay ko sa kin at sa mga kapatid ko ng mga scriptures. Madalas di ko nababasa, pero lately nagkaroon ako ng pagkakataon na magbasa. At doon sa isa kong nabasa na naging paborito ko, ang sabi BELIEVE and REST.
Ganun naman talaga di ba? Sa gitna ng mga nararanasan mo sa buhay, may dadating na pasingtabi, mapa-kanta man yan, sign ng bill board sa kalye, mga pangyayari sa kung saan-saan na feeling mo nagpaparinig sa problemang meron ka.
Di ba?
At itong scripture na to ang naging pasingtabi ko. Kung may gusto ka sa buhay, at dinasal mo yan kay Lord,
MANIWALA KA na ibibigay niya yun. At malalaman mo na tunay kang naniniwala kung hindi ka na
nag-aalala.
Parang pagkabasa ko, inaamin ko, hindi masyado nag-sink in sa kin. Parang naka-ilang basa pa ko bago ko na-gets at naka-float pa rin ako. Pero, si Lord, gusto niya talaga maintindihan ko toh. So one time, nanunuod ako ng TV, at lagi ko nililipat sa channel 95, kase dun ko nakikita kung ano yung mga palabas sa lahat ng channel, parang guide baga.
Half ng screen yung guide na nagsscroll form channel 2 to channel 95. Yung another half may nagppreach.
**Oo, alam ko ganito ako, baka nga hindi mo ako pagkatiwalaan sa lahat ng pinagsasabi ko ngayon, dahil ganito ako, minsan bastos, minsang balahura, nagmumura, nagyoyosi, umiinom, awkward, at mukhang tanga. Pero, mahilig ako makinig sa mga preaching na ganito. Inaamin ko na balahura ako, pero ma-prinispyo akong tao.
So mabalik tayo. Yun nga biglang napunta na yung focus ko sa nagppreach. For sure may konek yun sa homily nung linggo, pero hindi ko talaga maalala kung ano yung specific na verse sa bible na binabanggit niya.
At biglang nacompleto na ang epiphany ko, pagkasabi nung preacher na, "IF YOU PRAYED, and you prayed hard, but in the end, your prayers is still not GRANTED, the only reason for it is BECAUSE YOU DID NOT BELIEVE!!"
Napakalaking problema ang sinambit mo sa kanya, sinabi mo sa kanya na tulungan ka niya. May kasamang "please, please Lord, please" pa yan sa huli. Minsan nagbabargain ka pa, "ako na lang, ako na lang Lord." Pero pagkatapos mo magmakaawa ng nakaluhod, ano ang nararamdaman mo?
Kung pagkatapos ng mataimtim na pagdadasal mo, lumabas ka ng simbahan, sumakay ka ng train, at habang nasa mahabang byahe ka ng bulok na karog-karog na yun, ay nandun pa rin
ang pakiramdam mo na hindi mareresolba ang problema mo.... ibig sabihin, hindi ka NANIWALA.
Kung pagkatapos mo humiling na gabayan ka niya sa mga ninanais mo sa buhay mo, sa hinihintay mong promotion, o sa hinihintay mong pag-pasa ngayong semester, at
hindi ka PALAGAY at nag aalinlangan ka, ibig sabihin hindi ka NANIWALA.
BELIEVE and REST. Maniwala ka at wag ka na mag-alala, dahil nangako siya sayo, at ang imposibleh ay magiging posibleh, at ibibigay niya lahat sa tamang oras at sa tamang panahon. Ang tanong eh kung may pasensya ka ba na maghintay, at maghihintay ka ba ng may tamang attitude?
Kase di ba? Ito ang challenge dito. Bilang tao, normal sa atin na maging skeptical. So kung nasa sitwasyon ka na imposibleh, sobrang imposibleh, para kang nasa edge ng building at handa ng mahulog, paano? Paano ka maniniwala na may sasambot sayo? Paano mo gagawing posibleh ang imposibleh? Mahirap, dahil hindi carry ng utak natin yung mga ganitong idea.
*Gusto ko lang linawin, na kapag humiling ka ng imposibleh, magiging posibleh toh. Pero kung hinihiling mo na pumasa ka sa exam, o ma-promote ka sa trabaho, AT WALA KA NAMAN GINAWA PARA MAKAMIT yun, ibang usapan ng ka-imposiblehan naman yang iniisip mo.
At yan lang naman ang daldal ko for today.
Oo, para talaga sayo yan.
Hindi, hindi ngayon, pero sa tamang panahon.
Oo, at wag ka na mag-alala.
**********