Pages

Friday, July 26, 2013

YOLO: You Only Ligo Once


Seryoso siya nung sinagot niya ang tanong ko.
‪#‎lol‬ ‪#‎anoangyolo‬ ‪#‎naalalakolangtoh‬‪#‎natawamagisa‬ ‪#‎bes‬ ‪#‎sunshots‬ 

Ang mundo. Isang malaking stupido. Nandyan ka at binigyan ka ng kalayaan na maging kahit sino. Pero di mo naman ginagamit. Ang tanga mo kase minsan eh. Imbis, kinukolong mo ang sarili mo sa kalokohan ng ibang tao.

Bakit ganun?

Hindi ko mapigilan. Hindi ko mapigilan maki-uso. Hindi ko mapigilan makiyabang. Hindi ko mapigilan mag toothbrush para lang hindi maamoy ng ibang tao na bad breathe ako. Pero minsan naamoy pa din nila.

Minsan maaamoy at maaamoy pa rin ng ilan ang baho mo. Kahit gaano mo itago. Kahit gaano mo ikubli. At ang pinaka-maling bagay na gagawin mo sa buhay mo ay ang maglagay ng pabango ng hindi naliligo. Anghit + cologne = P***i**.

Sorry na. Bakit? BAKIT! Bakit ka nag-sosorry? Bakit ka nag-sosorry sa kung sino ka. Ikaw yan. Wala ka dapat itago. Kung di ka nila tanggap, humanap ka ng tatanggap sayo. Kung walang tatanggap sayo kahit man lang ang nanay mo, patunay lang na mundo tayo ng mga walang muwang.

Ipikit mo ang mata mo. Sino ka? Ano ka? Bakit kailangan mo magbago para sa ibang tao? Pwera na lang kung masakit na talaga sa ilong. Panahon na para maligo. Pwera na lang kung nakakamaty na. Meron tayong bagay na nilalagay sa kili-kili na tinawag nilang tawas.

Pero kung di naman. Pero kung wala ka naman natatapakan. At masaya ka naman. Bakit? Bakit kailangan baguhin mo ang sarili mo para sa ibang tao?

Pero yung seryoso, YOLO, You Only Live Once. Hindi tayo photocopy machine para kopyahin na lang ang mga nangyayari sa mundo.

P.S: At oo, photocopy machine tawag dun, hindi xerox machine.

**********

3 comments:

  1. yeah, well said :)

    ReplyDelete
  2. Life, make the most of it.

    Wag naman you only ligo once hahaha... Good Grooming and hygiene is not for other people. Para sa sarili natin to haha (literal)

    ReplyDelete
  3. Inuminung cologne haha pra mwala ang baho lols

    ReplyDelete

Anong meron?