Hi! Ang tagal din hindi nag-post dito. Wala naman kase ako makwento tsaka wala din naman ako ginagawa maghapon. Wala.
Pero pinipilit ko na may pagkaabalahan ako. May mga araw na nakakabaliw, may mga araw din naman na nagiging hopeful ako.
Phone lang din gamit ko lagi sa pag iinternet. Ayuko na kase makipag-agawan ng laptop sa nanay kong buong araw nag fafarmville.
Ayun. Ngayon, hindi ako makatulog. Kase may ginawa akong isang napaka-stupid na bagay na pinagsisisihan ko.
Two months na ako dito sa states. So far lagi kame nag-aaway ng nanay ko dahil sobrang opposite kameng dalawa. Pero pinagdasal ko na kanina na sana mas maging mabuting anak na ko. Tapos same old, wala pa din akong work. Although hindi na ako ganun ka-bothered tungkol dun.
Makakahanap din ako. Pero na-realize ko lang, ang sarap sarap mangarap, pero it takes a lot of determination, courage at kung anu-ano para ma-fulfill mo yung pangarap na yun. Hindi ganun kadali lagi. Nung college kase ako parang ganun thinking ko. Kahit di ako mag-aral for quiz or exam, papasa ako. Kahit di ako gumawa ng homework, magagawaan ko ng paraan. Madaming oras at madaming pagkakataon. Okay lang na mag-quit, may next time naman. Kampante ka lang, pa-chill chill ka lang. Masyado akong madaming bilib sa sarili ko.
Totoo talaga na iba na kapag nasa job world ka na at career stage ka na ng buhay mo. Gugustuhin mo talaga bumalik sa school.
Ngayon, iba na meaning sa kin ng pangarap. Kung mangangarap man ako ngayon, sisiguraduhin ko na may katapat na aksyon. Hindi yung magpapaka-chill chill ako.
Minsan naiinis ako sa mga desisyon ko sa buhay ko, tsaka sa mga nangyari sa kin. Tulad na lang ng bakit ba ako nag-nursing kahit di ko naman yun gusto, tsaka sana hindi na lang ako kinuha ni mama dito sa states.
Minsan kase parang nandun yung pakiramdam ko na hindi ako belong dito. Nung nasa Pinas ako, ang taas ng tingin ko sa sarili ko. Isa akong registered nurse, may pinag-aralan, maganda ang background. Pero nung nandito na ko parang ang stupid ko at ang baba ng tingin ko sa sarili ko.
Pero siguro may dahilan naman talaga, hindi ko pa alam ngayon kase hindi pa nangyayari. Malay ko ba lahat ng ito ang magdadala sa kin sa pangarap ko.
Ayun, alam ko ang nega na naman ng post na toh, pero syempre napa-share lang ng konti. Ang daldal ko na naman. Hehehe.
you got me sa selfie pic sa dulo...
ReplyDeletewell, welcome to the real world... wala mang actual exams, ikaw at ang sarili mo lang ang makakaalam kung pumasa ka...
malalampasan mo rin kung anumang ka-negahan ang nararamdaman mo...
tulad ng farmville, tanim-tanim din pag may time para may ma-harvest in the future... hehehe
basta, anu't anuman, adre, you will figure it out.. makakahanap ka rin ng tamang timing at tamang pagkakataon.. habang tambay, gamitin ang ilang oras to do something creative: learn to play an instrument, magpinta, magdrowing, mag-blog, o kaya gawin mong sideline 'yung pagku-customize mo ng shoes.. una mong alukin eh 'yung mga relative mo d'yan.. 'pag ok, word of mouth na lang 'yun, baka dumami pa magpa-customize sa'yo.. hehehe
ReplyDelete'yun eh habang tambay ka pa lang naman..
alam ko yang pakiramdam mo at sagad sa kaibuturan ng aking puso yang kalungkutan mo ngayon dahil ganyan din ako. oras lang talaga ang magpapagaling sa iyong kalungkutan at masasanay ka rin dyan at back to normal ka uli. kaya mo yan. malalagpasan mo rin yan.
ReplyDelete