Pages

Sunday, June 23, 2013

Mga Kuya Ko.



My brothers are the biggest influence of my life. Tatlo kameng magkakapatid, at ako lang ang babae, at ako pa ang bunso. So nandun talaga yung thinking na special ako in a way. Naaalala ko yung mga panahon na galit na galit sa kin yung mga kuya ko dahil sobrang spoiled brat ako, pati yung mga panahon na lagi na lang nila ako tinutukso.

Natutunan ko din sa mga kuya ko ang totoong meaning ng EPAL. Pakiramdam ko talaga nasa dugo ko ang pagiging epal, pero kada maaalala ko ang mga kuya ko, sinusubukan ko ng maigi huwag maging epal. Mahilig kase manlait ang mga kuya ko, mahilig mambara baga. Feeling ko naman normal naman sa mga lalake yung ganun, pero basta, sa utak ko para silang kumakanta lagi ng Silvertoes ng Parokya. Kaya ayun, maingat ako sa sarili ko, maingat ako sa mga kinikilos ko dahil ayuko mag-mukhang epal.

May one time pa, habang nasa kotse kame noon, at kameng tatlong tukmol ay magkakatabi sa back seat, (ako sa gitna) may indibidwal na nagsalamin sa heavy tinted na bintana ng kotse namin. Walang anu-ano ay nag-middle finger ang isa kong kuya at tinapat sa pagmumukha nung nagsasalamin. Syempre, walang kamalay-malay yung tao. Nakakatawa, pero it serves as a warning. Simula nun, hindi na ko nagsasalamin sa mga kotse. Lol.

Tapos mga palabas sa TV, yung That 70's Show, naadik din ako jan ng dahil sa kuya ko. Kahit na semana santa at may nagpapabasa sa tapat ng bahay namin, di ko tinigilan manuod niyan. Kahit ngayon pag nakikita ko yan sa TV, pinapanuod ko pa rin. Halos memorize ko na nga yung mga scene eh.

At ngayon ko lang na-realize, pero nahilig din ako mag-drawing ng dahil sa kuya ko. May one time nakita ko siya gumagawa ng assignment niya, ewan ko kung ano yun, pero sobrang linis. Parang computer kase magsulat yung kuya ko eh. At simula nun, nainggit na ko. Nagsimula ako mag-tattoo tattoo ng tribal sa kamay ko nun. Ayuko na magpakita ng ebidensya.

Isa pang malaking impluwensiya ng kuya ko sa kin eh yung mga kanta ng Goo Goo Dolls, Oasis, Foo Fighter, Coldplay, Snow Patrol, Alice in Chains, Third Eye Blind, Parokya, Teeth, Eraserheads at kung anu-ano pa. Nung medyo bata-bata pa ko, basta nasa bahay ang kuya ko, tumutugtog yan sa computer namin. Kaya minsan, kahit nasa ibang lugar ako, tapos maririnig ko yung mga kanta na yan, sobrang familiar. Hindi ko alam ang lyrics, di ko alam kung tungkol saan yung kanta, pero basta naka-imbed sa utak ko ang mga tugtugin na yan.

Sumali ako sa C.A.T ng dahil din sa kuya ko, kase sinabihan lang niya ko na sumali daw ako, kase officer din siya sa school namin. Pinagpasa-pasahan naming tatlo yung fatigue uniform na hindi ko na alam kung nasaan ngayon.

Hindi ako sobrang girly, dahil puro lalake ang mga kasama ko sa buhay. Natuto lang ako magpakababae ng dahil sa mga kaibigan ko, pero ultimately masculine pa rin ako. Pati pagkaen ko, as in I'm talking about table manners dito ah, para akong lalake lumamon. Madaming nagsasabi na ang sarap ko daw kumaen, pero polite lang pala sila, in other words eh ang lakas at ang bilis ko kumaen. Kase naman noh, sino ba kasama ko sa lamesa kumaen nung bata ako? Ewan ko, pero hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung kuya ko at kung paano siya kumaen. As in walang natitira ni isang butil ng kanin sa plato niya, ganun kalinis.

So ayun, ang dami ko pang gustong i-kwento, katulad ng magic cards, basketball, pusoy dos, at kung paano nakipaglaro ng jackstone ang kuya ko sa kin dahil wala siya magawa, at nung one time na nagpatirintas si kuya sa kin at nag-mukha siyang, uhm, Miley Cirus, at kung anu-ano pa. Titigil na ko. Epal na.
**********

3 comments:

  1. Kaya pagganyan set up takot mga manliligaw mo niyan dahil sa dalawang kuya mo .... Hula ko lang

    ReplyDelete
    Replies
    1. well natakot naman yung manliligaw ko.. pero. naka survive naman siya hehe

      Delete
  2. ganyan dapat ang mga magkakapatid.. hehehe.. sa kaso ko naman, parang wala lang 'yung relationship with my siblings. puro kasi mga lalake.. kanya-kanyang lakad.. hehehe

    ReplyDelete

Anong meron?