One day makikilala natin yung isang tao na yun, at malalaman natin at that point, "Aha! Ito yung tao na magpapasaya sa kin, at kaya ko ding pasayahin." Hindi eh, hindi mo pwedeng sabihin na, "Kung tayo, tayo talaga." Malabo yun eh!! Para maging tayo, kailangan magdesisyon tayong dalawa to make it happen, to make it real.
At nung nakilala mo na nga siya, may certain spark na yung mga mata mo, may mga nakatagong ngiti sa mga labi mo. Ang sarap gumising sa umaga, para bang may purpose, para bang may dahilan ang bawat araw at gabi. Tumitibok ang puso mo, at minsan gusto mo na ipagkalandakan sa mundo ang nilalaman nito.
May magnet. Kahit saan ka lumiko iisa lang yung direksyon, lahat papunta sa kanya. Halos umikot na ang mundo mo sa kanya. At nakaupo ka sa silid mo at sa bawat sulok nito ang nakikita mo siya, puro siya.
At isang gabing maulan, bago matulog. Nagsisigawan kayo. Hindi kayo magkaintindihan. May pinupunto ka, may pinupunto siya. Sa ibabaw niyong dalawa eh ang isang hamog ng "pride". Tingin mo tama ka, tingin din niya tama siya, mas tingin mo tama ka, at mas tingin din niya tama siya. Sa isip mo, hindi naman siya dati ganito. Hindi kame dati ganito.
Hindi naman lagi masaya. May mga problema. Madaming expectation. May mga panahon talaga na ganito. At nang nasabi na ang mga dapat sabihin, galit galit na. Tumahimik at wala ng umiimik. Nagtalikuran na kayo sa kama. Nandun ang galit at luha at lahat ng sama ng loob.
At ano yung hinihintay niyong dalawa? Naghihintay kayo na humupa ang lahat. Lahat ng damdamin, at lahat ng adrenaline. Pero ang totoo niyan, sa gitna ng pag-aaway niyo, wala naman talaga kayong iba pang gusto kundi magbati at magkaayos. Ang totoo niyan, hindi naman talaga kayo makakatulog ng magkagalit. Kaya ang isa sa inyo ay yayakap na sa isa, kasama ng pag-surrender ng pride at ego.
May mga panahon, akala mo sobrang perpekto na. Nakahalo na ang kaligayahan sa walang hanggan. Pero parang teleserye, may hadlang pa din. Pwede namang simple, mahal mo, mahal ka, eh di happy ever after! Pero hindi eh, hindi pa rin dun nagtatapos eh. Laging may sequel. May mga obstacle pa rin, pero ganun naman yata talaga eh. Tayo'y maghihintay na lang sa ilalim ng puno ng mangga, katulad sa mga koreanovela.
Pagkatapos nun, pagkatapos ng lahat, marerealize mo.. "Posibleh pala yun noh?" Na may taong magmamahal sayo katulad ng pagmamahal mo sa kanya; na may isang tao na mararamdaman mong mapagkakatiwalaan mo ng buong buo; at isang tao na hindi magsasawang makinig sa lahat ng kadramahan mo. Posibleh pala na magbago na ang lahat-lahat, pwera lang ang nararamdaman niyo para sa isa't isa.
8 years na kame ngayon, pero maniniwala ka ba? Na nandun pa rin yung kilig, yung ngiti, at yung mga spark sa mata? Yup, posibleh pala.

ah, the spark.. hehehe.. mahiwaga talaga 'yun eh no? basta kusa na lang talaga 'yun.. 'di ko rin maipaliwanag..
ReplyDelete'pag ganyang solb lang ang takbo ng relasyon eh tiyak ako na malayo ang mararating ninyo..
kasal na 'yan.. hehehe