Pages

Thursday, July 25, 2013

Ano na kakainin bukas?

Sa utak ko, gusto ko na umuwi ng Pinas. Sa konsensiya ko, "wala pa nga nangyayari sa buhay mo eh..".

Hindi ko naman talaga gusto umuwi pa sa ngayon. Pero gusto kong ipaliwanag na gusto ko yung buhay ko sa Pilipinas. Simple pero parang may purpose.

Pero bago ako umuwi sa lupang sinilangan, may isa akong adhikain. Gusto ko muna yumaman. Sinong may ayaw? Okay. (Wala akong pake).

Oo, gusto kong yumaman. Pero hindi dahil gusto ko maging mayaman. Alam ko! Magulo. Naiintindihan kita. Magulo.

Basa ka pa.

Hindi ako magpapaka-milyonaryo. Hindi pa rin nagbabago ang pangarap ko tungkol sa simpleng buhay. Gusto ko pa rin yun. Pero ayuko ng simpleng buhay na baon sa utang, naghihikahos, walang pangsustento kapag may emergency, simot bago ang kinsenas. Ayaw!

Alam ko marami sa atin na survival ang peg. Yung parang di mo na alam ano na mangyayari bukas? May kakainin pa ba? Basta yung ganun. Alam ko naman na gets mo na. Hindi porket pinanganak tayong mahirap eh kailangang mamatay tayong mahirap. Gusto ko namang malibing sa magandang memorial.park noh!

Kaya gusto ko yumaman. Hindi ko kailangan magbuhay mayaman. Ayuko maging mayaman pero mayabang naman. Ayuko din maging gahaman sa yaman. Ayuko maging one time millionaire. Gusto ko dahan-dahan yung investment pero sigurado at sulit.

Kailangan ko lang yung pera pangtustos sa kinabukasan ko, sa pamilya ko at sa future family ko.

Sana na-gets mo.

Malinis pa ko ngayon. Walang utang. Walang credit card. At gusto ko i-maintain yun. Ayuko ng credit card, totoo lang.

Wala pa ding ipon (wala pa nga trabaho eh) at wala pa din investment. Pero eto, binubusog ko ang utak ko para matuto humawak ng pera. Basa ka din.

KONTENTO KA NA BA SA KAPERAHAN MO by Vic and Avelynn Garcia. Sobrang dali lang sundan ng libro na toh. Pinoy na pinoy. Sana mabasa niyo toh habang maaga pa. Gustong-gusto ko toh.

At ngayon, naghanap lang akong kahit anong book sa library kahapon tungkol sa investment, at ito napulot ko:

THE ONLY INVESTMENT GUIDE YOU'LL EVER NEED by Andrew Tobias. Medyo nakaka-challenge lang basahin dahil may mga di ako maintindihan tungkol sa tax, insurance, Roth IRA, IRS, tapos mga computation, networth, pero sobrang nakakatawa yung writer, kaya tuloy-tuloy pa din ako nagbabasa at kaya pinipilit ko pa rin intindihin. At mas napalawak ko pa yung mga natutunan ko na sa unang book na nabasa ko.

*Totoo lang hindi ko akalain na mahihilig ako sa ganitong mga libro. Ganito ba pag tumatanda?

Yun lang naman.

8 comments:

  1. I know where u r coming from bes... gusto ko rin yumaman, pero gusto ko maging simple pa rin buhay.. yung swabe lang.. Ayukong lumaking spoiled brat yung mga magiging anak ko. basta. yung stable pagdating sa financial. Pero syempre di ko pa rin makakalimutan yung buhay na parang tambay, yung buhay na hindi sosyal, yung buhay kanto. ganun. basta. magulo. kasing gulo mo. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat bes. Gulat naman ako nag comment ka. Di ko expected yun ah..

      Delete
  2. Hmmmnnn... Lahat naman gustong yumaman.. marami rito na gusto ang opportunity na meron ko... hmmmnnnn... if you think of having your own family, syempre mas okay kung sapat ang finances for them...

    hmmnnn.... cge na nga balik ka na lang dito... dito ka na lang magpayaman...mas mahirap nga lang...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako rin gusto ko yumaman at bibilin ko sa si pareng senyor at gagawin kong private property. nyahaha.

      Delete
    2. Ang sarap naman ng alok mo.. At totoo naman.. Posibleh naman tayo yumaman sa pinas.. Wala lang tayong bilib sa pilipinas... Ang ironic sinasabi ko yan..

      Delete
  3. hindi ko na alam kung ano ikko-comment ko dito, adre.. siguro, basta, "you will figure it out" na lang.. hehehe

    ReplyDelete

Anong meron?