Pages

Tuesday, July 30, 2013

Slam Book July 2013

Isang taon na ang nakalipas, interesado akong malaman kung anu-ano na naman ang nagbago sa akin at sa mga pananaw ko. Alam ko, alam ko.. malamang di ka naman interesado, pero di ko naman sinulat toh para sayo. Pero kung medyo interesado ka, masaya ako. Lagi naman ako excited na dumaldal tungkol sa sarili ko. Pasensya na.

Ang bawat updated kong profile ay laging makikita sa "A Cup of Me" na menu sa itaas.

So let's get it on!!



Kamila
July 2013

Iba ang nagagawa sa akin ng pagsusulat. Nakilala ko ang sarili ko ng mas mabuti at mas naging ma-prinsipyo akong tao. Pero totoo talaga na hindi natatapos ang pagkakataon natin na matuto.

Akala ko matured na ko. Akala ko naiintindihan ko na lahat ng bagay dito sa mundo. Akala ko madami na akong wisdom. Pero may dadating at dadating pa rin sa buhay natin na sasampal sa tin at magsasabi na, "ano ka sinuswerte?".

Hello! Ako si Kamila. Mataba ako at mababa ang self-esteem ko. Madalas pakiramdam ko epal ako. Madalas ang awkward ko. Pero pag naiisip ko yung mga achievements ko sa buhay, pakiramdam ko naman ang galing galing ko at bigla akong nag-dedelusion of grandiosity. 

Madrama ako. Ma-emotional. Minsan mabait ako. Minsan hindi. Pero mabuti akong kaibigan. Kahit ano ka pa, tanggap kita. Kung gusto mo akong maging kaibigan, go, add mo ko sa Facebook, o sa Twitter, or kahit dito sa blogger, at mag-chikahan tayo.

***


"SLAM BOOK JULY 2013"

GENERAL


Name: Kamil
Age: 23-year-old
Gender: Unknown Species
Zodiac Sign: Gemini
Residing where: California
Occupation: WALA PA RIN!!!!!
Ambition: Simple life.

FAVORITES

Ang paborito kong bloggero: Wicked MouthTeacher's Pwet
Ang paborito kong gawin sa internet: Mag-blog, magyabang, magpost ng selfie.
Ang paborito kong isulat sa blog: Lahat ng tungkol sa sarili ko.
Ang paborito kong artista: Johnny Depp/Zooey Deschanel
Ang paborito kong singer: Coldplay
Ang paborito kong libro: Kontento ka na ba sa KaPERAhan mo? By Vic and Avelynn Garcia
Kulay: Blue
Sports: Running
Pagkaen: Leche Flan.
Inumin: Gatas

Q & A

Anong kulay ng toothbrush mo? Violet.
Kung magiging hayop ka, anong klaseng hayop at bakit? Ibon. Gusto ko ma-try lumipad.
Sino ang paborito mong superhero? Iron man.
Sino ang paborito mong cartoon character? Daria.
Ano yung isang bagay na pinaka-kinaaasaran mo? Kapag mahina internet.
Ano ang maipapayo mo sa bagong sanggol? Matuto ka na mag-drive at mag-ipon ng pera mo.
Ano pa ang gusto mong matutunan bago ka mamatay? Mag-surfing.
Ano ang pinakamasaya mong childhood memory? Kunya-kunyariang Christmas party na sinet-up namin ng mg kababata ko bago ako mag-college.



Heart to Heart


Describe yourself: Mataba. Maputi. 5'4", 152 lbs. Malabo ang mata. Impulsive. Bipolar. 
Status: Long Distance Relationship ang peg.
Kailan ka magpapakasal: Kung pwede lang ngayon na.
Gaano na kayo katagal: 8 years

Notes

Nasa stage ako ng buhay ko na gusto ko na magkatrabaho at kumita ng pera. Nasa totoong mundo na nga yata talaga ako. Nandito na ko sa situation na hindi na biro ang lahat, at yung pakiramdam na kailangan mo kayanin, at kailangan mong mag-sakripisyo. Ayun lang.

Madaming salamat sa pagbasa ng post na toh.



**********

9 comments:

  1. Wow! Ang tagal nyo na ng bf mo. Nakakatuwa naman. :) Stay strong! Hihi!

    Napadaan lamang :3

    ReplyDelete
  2. alam mo na kung ano ikokomento ko sana dito adre pero basta, chill lang.. magiging solb din ang lahat.. hehehe

    teka, 23 ka pa lang pala? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. whaaattt!! sir jess mukha ba akong matanda na??

      Delete
  3. Pero aminin naman natin na hindi ka naman ganun kataba in person..., pretty! hehehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uy bolero pa toh! hahahaa yan ang gusto ko sayo eh.

      Delete
  4. buti ka pa nga maputi .. hehehe .. kung sakaling may magtanong sa akin kung kelan ako ikakasal eh gusto ko ring ngayon na ..

    ReplyDelete
  5. Napadaan at nagustuhan ang slambook. Parang gusto ko ding gumawa, ha,ha,ha. Magbabalik muli para basahin ang ibang posts.

    ReplyDelete
  6. Mataba pero mas mataba ang utak :)

    ReplyDelete

Anong meron?