Pages

Monday, July 2, 2012

Traalalaala.

It's crazy. Parang di na ako marunong mag-blog. Di ko na alam yung essence ng pagbblog tulad dati. Alam ko..masaya nung mga panahon na yun.. pero hindi ko na alam ngayon pano ulit nangyari yun. Para na lang akong si ate charong nagkkwento ng mga kadramahan sa buhay.

Hiding. Hindi ko alam. Ilang beses ako nagdasal. May tiwala ako sa KANYA. Alam kong papasa ako. Baka nga mag-topnotcher pa. Pero nandun pa rin yung pakiramdam na gusto ko ibaon ang sarili ko sa ilalim ng lupa.

Natatakot lang talaga ako magsalita, dahil alam niyo na, sakit ko na toh. Madami akong salita na napapako. Kaya, better not talk about the board exams. Yun yung dahilan kaya ang dalang ko magreply sa text or social networks, kase alam ko naman na yun at yun ang itatanong sa akin ng mga tao.. 'kamusta ang boardsss..?'

Sa ngayon.. magkkwento lang ako ng magkkwento... ng kung anu-ano pa rin...

Masaya ako.. nakapaglinis na kase ako ng kwarto namin ni Mayk.. after sooo many months na HINDI. Grabe. Nung mga unang araw kase ng review, sinusubukan ko maglinis, kaso napansin ko na nauubos ang oras ko sa paglilinis.

Kaso ang problema naman, hindi ako makapag-aral kapag madumi, ang OC ba.. Kaya madalas, ayun, nauuwi ako sa tulog, imbis na aral.

Huyy.. saka masaya ako kase makakapagkwento na ulit ako dito sa blog. Usually kase. mas madaldal ako pag hindi ako nakakapagblog... ngayon.. magiging less madaldal na ako..

Yup... wala lang... masaya pa ako, kase ayun wala na ulit akong gagawin.. dahil tapos na exams.. tapos na school.. WAAAAh! :) Parang another beginning na ito ng buhay ko and you know I like beginnings..!! (madalas kase di ba sa umpisa lang ako talaga magaling..).

Whatever.

**********

Tuesday, June 26, 2012

Getting well ahead

I WAS TRYING to convince myself to be happy and you know what I think. I AM.. HAHAHAHA.. Totoo lang.. nababansagan na akong BIPOLAR lately.. intermittent ang depression ko at kaligayahan.. shifting talaga sila, as in ang bilis ng shifting.. to the extremes. And I guess I just have to lift myself a little higher... para lang maiwas sa underground anxiety na hindi naman makakatulog sa akin. I want to update my blog, I would not hide the fact that I am gonna take the board exams.. malapit na... I need your prayers..kung sino ka mang creature ka na nagtyatyaga pa rin magbasa ng blog ko... Actually, I think I'm kind of prepared..pakiramdam ko lang kaya ko na harapin toh. Anyways.. kung ano man ang maging resulta nito and whatever God's glorious decision for me regarding this.. I know.. it will be the right thing for me.. I am sure!

 Uhm. I'm just moving forward bit by bit... Marami na rin nangyari sa mga araw ko na hindi ko na susulat.. tulad nung Anniversary namin ni Mayk na lumipas na lang.. and my emotional days yesterday..dahil pinaiyak na naman kame ni Sir Carl during final coaching (hindi ko nga man lang nakkwento yung final coaching eh and how it motivates me so much)... ayun kunyari busy-busyhan.. but actually I can't find the words to share everything..because I was so depressed.. but now.. I am OPTIMISTIC na ulit and I guess I'll try to update as long na kaya ko....

 Uhmm... I am trying my best not to expand so much of the bad thoughts.. I am trying my best to just buried all those negative thoughts sa aking drafts... and that's it. I'm just trying to update my blog... and ayun. I know my blog had changed a lot.. but I guess things really change db.. I need to adjust a lot of my time kung gusto ko talaga maging active blogger...I don't know.. I'm planning for something kase.. so I don't know if itwill ever happen pa ba in the futture..baka hindi na... I'm glad my bestfriend mj is doing well on her blogging career... so ayun... sa kanya na lang ako makikichismis... And see you then.. I have to go back on my studies now.. Bye.

**********

Thursday, June 14, 2012

A Cup of Gratitude

Thank you for all those creatures who sincerely remembered me on my day. I feel cherished and treasured. Yung totoo, walang halong kaplastikan, yun lang naman ang inaasam-asam ko kahapon, to be remembered without pushing too hard.

Sa mga nauuhaw na kaluluwa, wala akong celebration kahapon, because I sincerely don't feel like celebrating for my self. Hahahaha. Alam niyo naman may mga self-esteem issues akong nararanasan. Joke. Anyway, the truth is that I am too busy procrastinating for my review (PROCRASTINATING!), so I decided to postponed my birthday, next year na lang ulit. Lol.


Mga ritual ko kahapon is that I wore a red shirt (angry birds pa daw), tapos attended a mass in Baclaran only to find out na hapon pa yung mass. Me and Mayk were to early for it so we end up attending two sets of Novena (kase akala namin after nung first novena ay may mass na). Then back home I cooked italian spaghetti for everyone which in my disbelief eh nagustuhan ng lahat dito kila Mayk. So I'm still not sure kung binobola lang nila ako dahil birthday ko nga...



So now, I want to thank you na lahat ng nakaalala kahapon:


Jerome & Robie
Para sa mga malabo ang ilong, ito po ay pusa, draw and made ng mga kapatid ni Mayk.. tapos meron siyang 'Happy Birthday Ate Kamil' sa likod.. 
***


Mj Corillo
Click on this link above.

Sobrang tawa ako ng tawa nung binabasa ko tong post na toh. Tinatarayan ko kase sila the whole day on the 12th kase ayaw nila ako puntahan dito sa Manila, gusto pa ako ang umuwi ng Laguna, eh ayuko, kaya ayun.. na-touch ako sa post na ito.. at nabaliw.
***

Few people who acknowledge my birthday yesterday, either facebook, through text or through twitter:

Jakeh
Ahyz
Aub
Edz
Tatay ko
Nanay ko
Ninang ko
Lolay 
Joy
Glean
Tey
Noble Man
Jella
Sarah
Tita Jojo
Joena
Shie
Tita Elaine
Jr
Thina
Jp
Kat & Dennison
Kath Puno
Alvin
Lha
Cindy
Kuya Akoni
Ate Cute
Dawn
Kuya Jeg
Shane & Kenneth
Zin
Mariz
Mimay & Trag
Glenda
Shamie
Greta, Alou, & Zarah
Will
Guia
Jose
Avi

Ewan ko kung may nakalimutan pa ako banggitin, but I want these people to know that I truly appreciate their seconds of greeting kahapon.. SALAMAT :)
***


Ahyz
Hahaha.. just look at it! Lalo na dun sa budoy picture ko on the left upper side.. WAHAHAHAHAHA! This just made me laugh so hard nung pagkakitang pagkakita ko pa lang (until now pag-napapatitig ako dun sa budoy pic with sandok pa.. hahahaha)
***

Then while I was typing this post, yung kapatid ni Mayk, si Jerome, tumatakbo then he handed me this LBC package... 


at paki imagine na lang yung surprise sa pagmumukha ko.. na parang ganito..


Una kase, hindi naman din ako nag-eexpect ng regalo from anyone, as in, kaya ganun na lang reaction ko. Thank you!! Sobrang nagulat ako cause I really miss this person a lot, na-teary eyed ako nung nalaman ko na siya yung nagpadala nung package. Bigla kong gustong mag-emo sa gilid ng kwarto. And sobrang di ko expected, sobrang down ako a moment ago, and this gift really made my day! Pahabol birthday surprise!


I miss you and I love you sobra! <3
***



Then for that one person na nung gabi pa lang eh parang di na mapakali na parang siya yung magbibirthday.
For that one person na did his best to make me suber happy yesterday.

Thank you.

***

To my mom, dad, to my brothers, ate ian and my pamangkin jayden.
I am missing you guys. I was hoping to celebrate this day kahit with the Kuyas lang and Ate Ian and jayden. But your greetings were enough. I understand that I was placed by God in circumstances that will made me realize that I have a family to serve to. I love you, am praying always for you guys... Hmwuah! <3
***

And to God above.
First of all I want to thank you for letting me stay alive. Wala na ako mahihiling, dahil madalas naman ibinibigay mo sa akin ang mga bagay bagay na hindi ko nga man lang hinihiling at minsan hindi ko pa deserve. Salamat.
Thank you for the friends and people who surrounds me and appreciates me for all I am. Thank you for all the blessings that you had bestowed upon me. I truly believe na blessed na blessed ako at spoiled na spoiled pa din ako hanggang ngayon sa pagmamahal mo. Hindi ko alam Lord kung anong nangyayari bakit ang lakas lakas ko pa din sa inyo. Sorry for I had failed you a million times, but still you're holding unto me.
***



Well, that's it. Salamat sa lahat who made my day!



**********

Monday, June 11, 2012

Pag-rereminisce at mga seryosong priorities sa buhay.

A POST from my former blog (original post of January 3, 2011) --> here


Di pa rin tapos ang bagong taon ko (noh ba! naka-move on na lahat, ako na lang hindi). Dapat mag-reminisce ng matindi muna sa simula ng taon. Hayup na pag-rereminisce yan. Hahahahahahaha. Sobrang ek ek. 

Pokemon Evolution ko:

JOLOGS MODE! Kailangan kong tanggapin ako yan noong unang panahon. Sorry! Uso pa mga studio shoot nung panahon na yan!
 Masabi lang na EMO. Alam ko. Okray di ba? Pero hindi ako nag-ttrying hard maging emo jan. Nahilig lang kame sa hena nung mga panahon na yan. (Palusot pa)
Hindi yan si Sto.Nino, pakilayo ang panyo at mga sampaguitang bitbit. Akala ko kase pag nagkulot ako dati mala-victoria secret ang dating! Di pala.
 Kung bakit ako payat at parang nawawalan ng direction jan. Hindi ko din alam. Baka nag-aadik.
Nagtatago. Ex-convict kase.
Okay. Spell mo na lang W-A-S-T-E-D
Kung paano ako naka-takas sa awtoridad, secreto ko na lang yun. Kapag tinitingnan ko mukha ko ngayon at ang unang litrato sa post na ito, masaya lang ako, nabawasan na pag ka-jologs ko.
Dahil sa pag-silip ko sa nakaraan ko, grabe naisip ko na napaka-galing ko pala mag-prioritize ng buhay ko. Muntik na naman ako mag-emo ngayong araw dahil sa kalungkutang nadarama ko. Pero dahil sa mga ntatatago at natatanging mga litrato ko (assume mong special ka dahil ikaw lang ang nakakita ng mga ito, exclusive masyado), naisip ko na wala naman pala talagang dahilan para malungkot at mag-mukmok. 
Mga priorities ko nitong nag-daang taon.

Number one: Career Mode.

Number Two: Videoke

Number Three: Hydration.

Number Four: Pagkaen

Number Five: Matulog

Number Six: Sumali sa Start Struck

Number Seven: More tulog.


Number Eight: More Videoke
PS: Di po ako singer, at lalong wala akong talent sa pagkanta. Kaya wag na wag niyo ako tatawagan para maging wedding singer. Sa mga burol pwede pa.

Number Nine: More hydration

Number Ten: Iwasan ma-wasted.

Sinubukan ko okay?

Sana na-inspired ka.



**********

Wednesday, June 6, 2012

Procrastinations..

Malungkot ako ngayon. (Tangina parang araw araw naman akong depressed). *yosi muna...

anyway..Alam niyo ba na kapag may migraine kayo o masakit ang ulo niyo, pwede niyong subukang mag-yosi para mawala ang sakit ng ulo mong malaki? Hindi ako nagbibiro. Hindi ko pa nagagawang mag-research tungkol dito. Hindi ko rin alam kung may mga pag-aaral na ba tungkol dito. Take note, walang doktor  ang magrerecomenda nito, wala ding nurse o kung sino mang health professional (panigurado), hindi rin ito nasasaad sa ano mang nasusulat na libro. Pero sabi kase nila eh, pag may migraine daw lumuluwag ang mga blood vessels natin, kung saan naisip ko naman na kapag nag-yosi ka, magvavasoconstrict naman or in layman's term eh mag-nanarrow ang mga blood vessels, so naisip ko ulit, malay mo pwede.

Hindi ko nirerecomenda ito, no, hindi ko sasabihingg gawin niyo (try niyo lang, joke), hindi ko pa rin ito nasusubukan kase lately hindi pa naman sumasakit ang ulo ko, uupdate ko kayo pag nasubukan ko na.

Anyway.. Yun na nga, balik tayo sa malungkot ako ngayon. Dito ikkwento ko sa inyo na ilang araw na din ako nagmumuni tungkol sa kinabukasan ko. Madalas ako nag-aattempt na ikwento ang tungkol dito, pero dahil naiisip ko na napakalawak masyado ikwento at baka magbanggit na naman ako ng mga pangarap ko na laging napapako, eh hindi ko na nagagawang magkwento, bagkus naglalaro na lang ako ng sims.


Kung i-uupdate ko naman kayo tungkol sa sims ko, eh yung sims ko eh isa nang ganap na superstar, may asawa na at limang anak (apat na legitimate children at isang anak sa labas nung asawa niya). Lahat nung anak ng sims ko eh kasing age na rin ng sims ko. Mag-kaka-age na sila, hindi kase sila tumatanda. Immortal sila. Tapos yung nakikita niyo sa larawan na puti (at obviously multo) eh yung nanay nung asawa ng sims ko (bali in short byenan nung sims ko), napagtripan ko lang siyang patayin ng walang dahilan. Ayun... sadistic like that.

Balik ulit tayo dun sa knkwento ko kanina, ayun na nga, magkkwento sana ako nung pagmumuni-muni ko nga tungkol sa kinabukasan ko. Salamat na lang talaga at medjo mature (take note: MEDJO MATURE) na ako mag-isip. Kundi, sigurado, kung yung immature na Kamil ang nakakaranasan ng ganitong mga ka-ek-ekan sa buhay, panigurado, nung isang taon pa siya sumakabilang-outerspace. Joke. Sabi ko Joke, baka kase isipin niyo sobrang seryoso naman nung problema ko. Wag niyo akong damayan masyado, hindi ko gusto.

Pero yun na nga, nahihirapan din kase ako mag-confide (mag-confine? hindi ko alam, di ako magaling sa engluuush) ng mga nararamdaman ko kase alam ko naman kase na kung tutuusin, kung ikukumpara ang buhay ko sa mga problematic son of a bitch with a pakingshit kind of a life, waley na waley naman YATA ako. Opinion ko lang.

Totoo lang, sino ba naman hindi mangangarap na ibalik ang lahat lahat sa magulang. Gusto kong tulungan mama at papa ko. Kaso wala naman kaseng easy money, db? Pwera na lang db kung may di ako nalalaman sa mundong ibabaw na ito (AT sa mundong ibabaw lang ako interesado). Pasalamat na lang din talaga at swerte ako (blessed), dahil nga meron na akong bridge palabas ng bansa. Inaaamin ko sa inyo na natatakot ako. Natatakot akong madapa, kahit alam ko na minsan na mas mabuti yung nadadapa. Natatakot ako kase baka pag nadapa ako, tuluyan na akong lumubog sa lupa. Baka hindi ko mabigay yung pangarap na inaaasahan sa kin ng mga magulang ko.

Sa ngayon kase, naaawa ako sa pamilya ko kase nakalubog ang kalahati ng katawan namin sa putik. Buti na nga lang, pasalamat pa at hindi yun kumunoy, kundi mga yummy frozen mud ice cream kame db? At sa ngayon, wala naman ako magawa para sa pamilya ko, dahil hanggang ngayon ako ay isang palamuning inahing baboy  pa rin (denial pa din ako minsan na baboy ako.. alam niyo yun?)

At alam mo yung hindi rin naman ako makapag-emote ng todo, defranchising kind of grieving, kase hindi ko talaga sigurado kung pasado na ba sa maalaala mo kaya ang kwento ng buhay ko, ine-evaluate ko pa kung baka naman kase over-acting lang ako sa sarili ko at sa PBB ng buhay ko. Never ako mag-seself-pity sa sarili, except sa harap ni Mayk, (kase ako ay baby ni Mayk). At alam mo na ang rules ng pagkakaroon ng isang masintahing syota, it's all about me. Ibig ko lang sabihin dito kung kwentuhang buhay ko, as in buhay ko, kinabukasan ko at pamilya ko, hindi ako pwedeng maging mahina.

Ito pa, di ba? Ang lakas ng loob ko na ganito, mag-emote na marami akong pangarap para sa pamilya ko, pero ito ako.. sa moment na na-publish ko na ang post na ito, handang handa na ulit akong mag-sims3. Balik ako sa imaginary life ko.

Naisip ko bigla, nasasabihan ko din kase si Mayk minsan, na parang si boy-may-bukas-pa siya lagi. Paano, hanggang pwedeng i-postpone lahat ng mga dapat niyang gawin, pinopost-pone niya. Eh eto akong ganun din naman. As in. Pakiramdam ko may tamang panahon para sa lahat. Kaya nga punong puno na ng procrastination ang planner ko, hindi naman umuusad.

Buong buhay ko procrastination, pero... waley. Kahit nga minsan ang pag-tae ko na lang sa umaga ha (excuse me), sinusubukan kong ilabas, para naman sa kalagitnaan ng buong araw eh matiwasay akong mananahimik, pero ano? To no avail!



Alam niyo, totoo lang, sabi ko nga wag niyo akong dadamayan. Alam niyo kung bakit? Kase totoo lang, alam ko naman eh na kaya ko toh, ambivalent lang ako. Parang hindi ako ganun kasigurado... pero mas mabuti na rin naman yung ganito.. kaysa overflowing ang confidence ko, hindi ako naka-drugs like that.

Ito... ito ang isa sa mga bagay na hindi ko alam.. parang nagiging powerless ako magtapos ng blog post (lately)... hindi ko alam paano tatapusin. Hindi ko rin alam kung satisfied na ba  talaga ako sa mga nasulat ko.. pero sigurado ako na hindi ko pa nasasabi lahat ng hinanaing ko.





**********

Monday, June 4, 2012

Full of..., sh*

Para akong nawawalang bata sa gitna ng busy-busyhan kong buhay. Parang akong stupid na nilalabanan ko yung hangin papunta sa mas malayong daan, palagi. Palagi ko tong ginagawa. Sa gitna ng lindol, nandun ako sa kusina, nagkakape.

Isa na yata ito sa mga mahiwagang dahilan bakit hindi ako nakakarating sa tuktok ng bundok. Lagi kong tinatanaw yung bundok, ang dami kaseng makukulay na bulaklak dun na natatabunan ng snow, pero never naman ako nagkalakas loob akyatin yun. Lagi akong go na go sa kung anong kayang ibigay ng buhay, pero hanggang salita lang naman. Ay hindi... hindi sa hindi ako nagkakalakas loob, tinatamad lang talaga ako.

Yung pwet kong malaki at mabigat, nakasalampak sa upuan. Tangina. Wala namang gulong toh kaya hindi ako maka-usad-usad. At p*ta kung meron mang gulong toh, makakaakyat ba toh ng bundok, baka gumulong lang din ako pabalik.

Parang may psychiatric disorder na yata ako eh. Kase nagiging dysfunctional na ako pag may hindi lang ako nagawang ibang bagay. Tulad ng pag-aayos ng kwarto namin ni Mayk. Hindi ko lang magawa yun, pakiramdam ko hindi na ako makakapag-aral. Tapos pag inayos ko naman, ubos na yung oras sa pag-aaral, pagod pa ko, lol, tulog na lang. Hahahaha.

Hindi joke, ang mag accurate na ginagawa ko eh naglalaro ako ng SIMS 3, tapos  mga ilang oras lang, di ko namamalayan, umaga.. kailangan ko na naman magkape para di makatulog sa review. Hahahahah. Grabe noh?

As in, kung alam niyo lang, kung nag-lelevel up lang ako sa pagtulog habang nag-rereview, siguro MASTERAL ko na.

lol. rants, non sense post



**********

Sunday, May 27, 2012

Loka na ko..

Bigla akong kinabagan... di pa rin kase ako nagseseryoso. Ano ba? May alam na ba talaga ako para sa board exam. WAAAh!!! Hahahaha. Leche.

Sige anyways.. ano ba talagang plano ko.. (oh eto na naman..sandamakmak na kaplanuhan na naman ate kuya..manong..manang...

HAHAHAHAHAHAHA.. Maka-babye nga muna.. Ilang araw na lang naman na sakripisyo. Kailangan ko na ibigay ang best ko. AJA! Amen. WAAH! :)





**********

Siya..


 Obsessive-compulsive siya kagabi e, di mapakali! Naglaba ng mga sapatos na sampung taon nang nakatambak sa ilalim ng kama nila. Sabi niya magrereview siya, hanggang plano lang talaga eh. Feelingerang bull frog, pakiramdam siguro niya walang katapusan yung oras. Pagkatapos maglaba ng tatlong sapatos at dalawang tsinelas, napagtripan naman niyang tahiin ang pantalon na ginupit at "teneen" short na ngayon. Gawain talaga.

Nakatulog na siya sa sobrang antok, di natapos yung tinatahi. Nagising, at ano pa bang bago? Ang liwanag na.. tarantang kumapa-kapa sa phone (bulag eh) "ffuu***" --7:38 AM na! Kapa-kapa ulit sa nawawalang salamin... "grrr..san na ba!.." Karipas sa twalyang nakasampay, takbo sa lababo para magsipilyo. Ligo konti, suklay konti, blush-on konti..

 "Una na po ako", araw araw na paalam niya sa mga tinuturing na magulang.

Pagdating sa review, ayos, di pa nag-uumpisa. Balita niya exciting ang magtuturo ngayong araw eh. Medical-surgical ang kwentuhan. Pero mga labing limang minuto ang lumipas, di kinaya ng kutong lupa, ayun nacomatose sa  kinauupuan.

Pero eto ah, hindi ito dahil di magaling yung nagtuturo. Ang totoo, trulaloo ang chismis, magaling si doc magturo. As in retaining sa memory ang strategy niya, may pages at sources pa ang bawat sinasambit. Siya din kase, makapagpuyat naman kase wagas. Hindi ba pwede ipangpa-after boards na ang paglalaba ng mga inaamag na sapatos? Wala sa wisyo eh.

Tangna parang wrestling, obese face vs. mga matang namumutawi sa antok, fight! Kaya lumalaki lalo yung noo eh, nakadukdok sa notebook. Oh finally.. kinig kinig din siya...inom konting sting, kaen siomai, inom kape, ano pa ba? Ihi. Gawin na lahat mapanatili lang gising at nakikinig sa review. Leche! Nawawalan pang tinta yung ballpen niya. Kabibili lang sa national, wala na namang tinta.. nu kaya yun.

Infairness, galing talaga ni doc, natuto naman siya. Actually di lang natuto, infairness na-retain sa utak niya mga pinagsasabi ni doc. Lamon sa lunch ng manok na parang natigang.

Tang shit, inaantok na naman siya after lunch oh. Lumulugaw na naman yung paningin niya oh. Parang gago lang. Salamat na lang din natapos ang review niya ng matiwasay.

Napatanong pa daw siya oh kung effective ang yosi sa sakit ng ulo. Yung totoo? Maaari, pero hindi nasasaad.

At ano? 7am bukas pasok niya, pero ano? Nagpupuyat na naman.....


**********

Saturday, May 26, 2012

Pwet Tamad

Bago ako maligo.. bago ako mag-aral.. ito magbblog muna ako. Isang buong linggo na ako super chilling dito. Ohmaygad... totoo.. anxious na anxious na ako. Ilang araw na lang kase board exams na pero para akong tangang bata na wala pa ring kaalam-alam. Nagsulat pa naman ako ng blog post why I wanna be a topnotcher, pero parang sa sobrang katamaran ko at sobrang dali ko ma-stress, eto ako nagbblog, nagsisims, nag-iinternet instead na nag-aaral.

Parang gusto kong umatras sa mangyayaring board exams. Pero hindi, hindi mangyayari yun, it's either pumasa or bumagsak. Sobrang baba ng bilib ko sa sarili ko na papasa ako. Sobrang baba. Sabi pa naman  kung anong pinapaniwalaan mo yun daw ang magkakatotoo.

Assess na assess ko na ang sarili ko.. ang tamad sobra, puro salita wala naman sa gawa.. Hindi naman ako madalas na nagseself-pity, madalas sinasarili ko lang mga kahinaan ko, pero ang napapansin ko madalas kong laitin sarili ko. Ang pangit pangit ko. Ang poor poor ko.

Nung una gusto ko ng simpleng life, pero ngayon na namumulat ako sa katotohanan ng buhay ko,. hay.. go! Pakayaman tayo day! Pero naisip ko, magpapakayaman ako? Eh eto nga ako super mojako..ang tamad tamad ko.. Hindi ko ma-control ang sarili ko.. pag may kailangan akong gawin, nasusunod pa rin ang id ko.

Anyways.. ayun. Gusto ko nga yumaman. As in.. ayuko na maging poor, ayuko na kaawaan sarili ko. At pwede ba? Gusto ko na rin pumayat! Leche lang eh noh? Buong buhay ko pinapangarap ko pumayat, pero hindi naman mangyari-yari..leche.. Paano nga naman mangyayari, eto ako sa tapat ng computer, nagpapalaki ng pwet.



At paano ako yayaman? Kung hindi ako mag-aaral.. hahaha.. sige na nga.. bbye! Mag-aaral na ko.. pero maliligo muna ako.




**********

Wednesday, May 16, 2012

SALAMAT KAIBIGAN

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.

Namiss ko bigla ang pahina na ito. Actually napadaan lang.. at nagbabadya na baka gamitin ko ulit ang blog na ito na marami-rami na ring pinagdaanan at marami na ring nalagpasan na pagkakataon.

Bigla ko lang na-realize na hindi ko pa napapasalamatan ang madami sa mga taong nakilala ko dito sa showbiz.. este sa blogsphere... Hindi ako mag-aapologize sa ginawa kong pag-abanduna dito sa blog ko.. ginusto ko yun, fickle minded ako, at kailangan niyong tanggapin yun.

Medjo nalulungkot ako dahil hindi ko mapagsabay ang buhay kong normal, at ang buhay ko dito sa blogsphere.. Sa totoo kase, kung gusto mo ng usapan na may laman, kailangan ko umupo dito sa harap ng computer ng mga 1 - 4 hours, at sa totoong buhay ko ngayon, ubos oras yun.

Hindi naman sa madami akong ginagawa talaga, madami lang din iniisip, sa sobrang dami, hindi ko na alam kung kailangan ko ba isulat lahat, kase kung ganun, sana pinalitan ko na lang ang title ng pag na ito ng, RANT TO KILL.

LOL...

NON SENSE post ng dumadalaw na manunulat.