Isa na yata ito sa mga mahiwagang dahilan bakit hindi ako nakakarating sa tuktok ng bundok. Lagi kong tinatanaw yung bundok, ang dami kaseng makukulay na bulaklak dun na natatabunan ng snow, pero never naman ako nagkalakas loob akyatin yun. Lagi akong go na go sa kung anong kayang ibigay ng buhay, pero hanggang salita lang naman. Ay hindi... hindi sa hindi ako nagkakalakas loob, tinatamad lang talaga ako.
Yung pwet kong malaki at mabigat, nakasalampak sa upuan. Tangina. Wala namang gulong toh kaya hindi ako maka-usad-usad. At p*ta kung meron mang gulong toh, makakaakyat ba toh ng bundok, baka gumulong lang din ako pabalik.
Parang may psychiatric disorder na yata ako eh. Kase nagiging dysfunctional na ako pag may hindi lang ako nagawang ibang bagay. Tulad ng pag-aayos ng kwarto namin ni Mayk. Hindi ko lang magawa yun, pakiramdam ko hindi na ako makakapag-aral. Tapos pag inayos ko naman, ubos na yung oras sa pag-aaral, pagod pa ko, lol, tulog na lang. Hahahaha.
Hindi joke, ang mag accurate na ginagawa ko eh naglalaro ako ng SIMS 3, tapos mga ilang oras lang, di ko namamalayan, umaga.. kailangan ko na naman magkape para di makatulog sa review. Hahahahah. Grabe noh?
As in, kung alam niyo lang, kung nag-lelevel up lang ako sa pagtulog habang nag-rereview, siguro MASTERAL ko na.
lol. rants, non sense post

AHAHAHA this is so you! namiss kita! namiss ko ang mga non-sense stories mo na ninanarate mo with sense of humor. kailangan kita makikita? ang tanong kasi kailngan ka papayag magpakita? Lagi mo dinadahilan yang review mo panay naman pala ang laro mo ng sims, pagtulog at pagkakape. Magigiba na ang bundok at kusa nang lalapit sa paanan mo ang tuktok nito, anjan ka pa din sa maliit na table ng kwarto niyo ni mayk. galaw galaw bes! review hard, party harder!
ReplyDeleteerratum *kailan kita makikita? ang tanong kasi kailan ka papayag magpakita?
Delete