anyway..Alam niyo ba na kapag may migraine kayo o masakit ang ulo niyo, pwede niyong subukang mag-yosi para mawala ang sakit ng ulo mong malaki? Hindi ako nagbibiro. Hindi ko pa nagagawang mag-research tungkol dito. Hindi ko rin alam kung may mga pag-aaral na ba tungkol dito. Take note, walang doktor ang magrerecomenda nito, wala ding nurse o kung sino mang health professional (panigurado), hindi rin ito nasasaad sa ano mang nasusulat na libro. Pero sabi kase nila eh, pag may migraine daw lumuluwag ang mga blood vessels natin, kung saan naisip ko naman na kapag nag-yosi ka, magvavasoconstrict naman or in layman's term eh mag-nanarrow ang mga blood vessels, so naisip ko ulit, malay mo pwede.
Hindi ko nirerecomenda ito, no, hindi ko sasabihingg gawin niyo (try niyo lang, joke), hindi ko pa rin ito nasusubukan kase lately hindi pa naman sumasakit ang ulo ko, uupdate ko kayo pag nasubukan ko na.
Anyway.. Yun na nga, balik tayo sa malungkot ako ngayon. Dito ikkwento ko sa inyo na ilang araw na din ako nagmumuni tungkol sa kinabukasan ko. Madalas ako nag-aattempt na ikwento ang tungkol dito, pero dahil naiisip ko na napakalawak masyado ikwento at baka magbanggit na naman ako ng mga pangarap ko na laging napapako, eh hindi ko na nagagawang magkwento, bagkus naglalaro na lang ako ng sims.
Kung i-uupdate ko naman kayo tungkol sa sims ko, eh yung sims ko eh isa nang ganap na superstar, may asawa na at limang anak (apat na legitimate children at isang anak sa labas nung asawa niya). Lahat nung anak ng sims ko eh kasing age na rin ng sims ko. Mag-kaka-age na sila, hindi kase sila tumatanda. Immortal sila. Tapos yung nakikita niyo sa larawan na puti (at obviously multo) eh yung nanay nung asawa ng sims ko (bali in short byenan nung sims ko), napagtripan ko lang siyang patayin ng walang dahilan. Ayun... sadistic like that.
Balik ulit tayo dun sa knkwento ko kanina, ayun na nga, magkkwento sana ako nung pagmumuni-muni ko nga tungkol sa kinabukasan ko. Salamat na lang talaga at medjo mature (take note: MEDJO MATURE) na ako mag-isip. Kundi, sigurado, kung yung immature na Kamil ang nakakaranasan ng ganitong mga ka-ek-ekan sa buhay, panigurado, nung isang taon pa siya sumakabilang-outerspace. Joke. Sabi ko Joke, baka kase isipin niyo sobrang seryoso naman nung problema ko. Wag niyo akong damayan masyado, hindi ko gusto.
Pero yun na nga, nahihirapan din kase ako mag-confide (mag-confine? hindi ko alam, di ako magaling sa engluuush) ng mga nararamdaman ko kase alam ko naman kase na kung tutuusin, kung ikukumpara ang buhay ko sa mga problematic son of a bitch with a pakingshit kind of a life, waley na waley naman YATA ako. Opinion ko lang.
Totoo lang, sino ba naman hindi mangangarap na ibalik ang lahat lahat sa magulang. Gusto kong tulungan mama at papa ko. Kaso wala naman kaseng easy money, db? Pwera na lang db kung may di ako nalalaman sa mundong ibabaw na ito (AT sa mundong ibabaw lang ako interesado). Pasalamat na lang din talaga at swerte ako (blessed), dahil nga meron na akong bridge palabas ng bansa. Inaaamin ko sa inyo na natatakot ako. Natatakot akong madapa, kahit alam ko na minsan na mas mabuti yung nadadapa. Natatakot ako kase baka pag nadapa ako, tuluyan na akong lumubog sa lupa. Baka hindi ko mabigay yung pangarap na inaaasahan sa kin ng mga magulang ko.
Sa ngayon kase, naaawa ako sa pamilya ko kase nakalubog ang kalahati ng katawan namin sa putik. Buti na nga lang, pasalamat pa at hindi yun kumunoy, kundi mga yummy frozen mud ice cream kame db? At sa ngayon, wala naman ako magawa para sa pamilya ko, dahil hanggang ngayon ako ay isang palamuning inahing baboy pa rin (denial pa din ako minsan na baboy ako.. alam niyo yun?)
At alam mo yung hindi rin naman ako makapag-emote ng todo, defranchising kind of grieving, kase hindi ko talaga sigurado kung pasado na ba sa maalaala mo kaya ang kwento ng buhay ko, ine-evaluate ko pa kung baka naman kase over-acting lang ako sa sarili ko at sa PBB ng buhay ko. Never ako mag-seself-pity sa sarili, except sa harap ni Mayk, (kase ako ay baby ni Mayk). At alam mo na ang rules ng pagkakaroon ng isang masintahing syota, it's all about me. Ibig ko lang sabihin dito kung kwentuhang buhay ko, as in buhay ko, kinabukasan ko at pamilya ko, hindi ako pwedeng maging mahina.
Ito pa, di ba? Ang lakas ng loob ko na ganito, mag-emote na marami akong pangarap para sa pamilya ko, pero ito ako.. sa moment na na-publish ko na ang post na ito, handang handa na ulit akong mag-sims3. Balik ako sa imaginary life ko.
Naisip ko bigla, nasasabihan ko din kase si Mayk minsan, na parang si boy-may-bukas-pa siya lagi. Paano, hanggang pwedeng i-postpone lahat ng mga dapat niyang gawin, pinopost-pone niya. Eh eto akong ganun din naman. As in. Pakiramdam ko may tamang panahon para sa lahat. Kaya nga punong puno na ng procrastination ang planner ko, hindi naman umuusad.
Buong buhay ko procrastination, pero... waley. Kahit nga minsan ang pag-tae ko na lang sa umaga ha (excuse me), sinusubukan kong ilabas, para naman sa kalagitnaan ng buong araw eh matiwasay akong mananahimik, pero ano? To no avail!
Alam niyo, totoo lang, sabi ko nga wag niyo akong dadamayan. Alam niyo kung bakit? Kase totoo lang, alam ko naman eh na kaya ko toh, ambivalent lang ako. Parang hindi ako ganun kasigurado... pero mas mabuti na rin naman yung ganito.. kaysa overflowing ang confidence ko, hindi ako naka-drugs like that.
Ito... ito ang isa sa mga bagay na hindi ko alam.. parang nagiging powerless ako magtapos ng blog post (lately)... hindi ko alam paano tatapusin. Hindi ko rin alam kung satisfied na ba talaga ako sa mga nasulat ko.. pero sigurado ako na hindi ko pa nasasabi lahat ng hinanaing ko.



No comments:
Post a Comment
Anong meron?