Obsessive-compulsive siya kagabi e, di mapakali! Naglaba ng mga sapatos na sampung taon nang nakatambak sa ilalim ng kama nila. Sabi niya magrereview siya, hanggang plano lang talaga eh. Feelingerang bull frog, pakiramdam siguro niya walang katapusan yung oras. Pagkatapos maglaba ng tatlong sapatos at dalawang tsinelas, napagtripan naman niyang tahiin ang pantalon na ginupit at "teneen" short na ngayon. Gawain talaga.
Nakatulog na siya sa sobrang antok, di natapos yung tinatahi. Nagising, at ano pa bang bago? Ang liwanag na.. tarantang kumapa-kapa sa phone (bulag eh) "ffuu***" --7:38 AM na! Kapa-kapa ulit sa nawawalang salamin... "grrr..san na ba!.." Karipas sa twalyang nakasampay, takbo sa lababo para magsipilyo. Ligo konti, suklay konti, blush-on konti..
"Una na po ako", araw araw na paalam niya sa mga tinuturing na magulang.
Pagdating sa review, ayos, di pa nag-uumpisa. Balita niya exciting ang magtuturo ngayong araw eh. Medical-surgical ang kwentuhan. Pero mga labing limang minuto ang lumipas, di kinaya ng kutong lupa, ayun nacomatose sa kinauupuan.
Pero eto ah, hindi ito dahil di magaling yung nagtuturo. Ang totoo, trulaloo ang chismis, magaling si doc magturo. As in retaining sa memory ang strategy niya, may pages at sources pa ang bawat sinasambit. Siya din kase, makapagpuyat naman kase wagas. Hindi ba pwede ipangpa-after boards na ang paglalaba ng mga inaamag na sapatos? Wala sa wisyo eh.
Infairness, galing talaga ni doc, natuto naman siya. Actually di lang natuto, infairness na-retain sa utak niya mga pinagsasabi ni doc. Lamon sa lunch ng manok na parang natigang.
Napatanong pa daw siya oh kung effective ang yosi sa sakit ng ulo. Yung totoo? Maaari, pero hindi nasasaad.
At ano? 7am bukas pasok niya, pero ano? Nagpupuyat na naman.....

No comments:
Post a Comment
Anong meron?