1. The more na PINIPILIT mo na maghanap ng madaling paraan, the more na ginagawa mong komplikado at mahirap ang buhay.
Napag-desisyunan kase namin na pumuntang TRINOMA kaninang umaga. Nabalitaan kase namin sa last batch na nag-take (2011) na sa PRC daw dun, wala daw pila! Kaya karipas naman kame dun sa pagbabakasakale na totoo nga. Pagdating namin sa TRINOMA, walang nakakaalam ng sinasabi naming PRC. Merong ilan, pero nakakapagtaka pa rin na iilan lang ang nakakaalam.
Nung nakarating kame sa mismong lugar, ayun good news, WALA NGANG PILA TE!..... PERO TE! WALA NA DING PRC DUN!!!! Nagkataon lang na last year kaya meron kase sobrang daming nag-aapply kaya nag-back-up ang PRC.
Kalmado naman kameng bumalik ng Morayta na parang walang nangyari. At nabalitaan na naman namin na meron din sa UE, pero nung pumunta kame dun, hindi naman gumagalaw yung pila. Tapos maya-maya, may nagtext na madali na daw sa PRC, kaya takbo na naman kame dun. Pero alam mo yung hindi naman madali?! HINDI!
In the end, pumila din kame sa normal na pila sa 5th floor at matiwasay na naghintay sa gitna ng unos.
Habang nasa kalagitnaan kame ng unos, ayun binabalitaan din kame nung ibang classmate namin na nasa-UE na. Umaandar na daw ang pila dun, actually, malapit na daw sila. HUWAAT!. Syempre nalugmok kame for a moment there. Pero, final na ito, kahit parang wala ng katapusan ang pila na pinipilahan namin, nag-stick na kame sa desisyon na dito na lang kame sa PRC. Sabi na lang ng classmate ko, "Yung paghahanap din natin ng madali yung dahilan eh kaya lalo tayo natatagalan.."
Maya-maya, nabalitaan ulit namin na hanggang 4pm lang pala sa UE at hindi natapos ang transaction ng mga classmate namin dun.
Minsan talaga kailangan mo sulungin ang TAMA, para makarating ka sa tamang lugar. Ayun, in short, natapos kame, at mangiyak-ngiyak din ako dahil sa wakas, makakapag-focus na kame sa pag-rereview for the board exams.
2. Minsan, uso ang KARMA.
Nakakainis yung mga MAKAKAPAL ang fez sa PRC, and I'm talking about mga "SINGIT dito, SINGIT doon, KUNYARI NAG-BANYO LANG SIYA ~GANG" Wala naman kameng inaway, don't yah worry. Kalmado lang naman kameng nagparinig na, "HINDI PAPASA NG BOARD EXAMS ANG MGA SUMISINGIT.. bow"
Kulang na nga lang isulat ko dun sa malaking pader dun yang mga salita na yan eh. Nakakainis kase talaga. Pero, wala rin naman akong mapapala kapag pinansin ko sila. Stress na nga ako dahil sa haba ng pila,. ii-stressen ko pa sarili ko para lang sa kanila, eh sino ba sila. Pero kaya ko toh kinukwento dahil may isa kaseng gurl dun na pinasingit, actually wala naman akong paki sa kanya, as long na makarating ako sa patutunguhan ko at matatapos ko ang kinapunta ko dun.. kaso ayun, not even an interest of my intention, kinarma si ate. Bukod sa natagalan sa processing, eh binalik pa sa kanya yung papel niya during issuance dahil wala namang notaryo mga papel niya, haller ate.. yan kase.
3. Hindi talaga reklamador ang pinoy kase kadalasan nasa loob ang kulo.
Oh PILIPINAS kong mahal, bakit ka ba ganyan, kailan ka ba uunlad. Kahapon nga lang sa pagnonotaryo sa isang pang-gobyernong opis, may nakalagay dun, "LIBRENG NOTARYO SERBISYO NI BLA BLA BLA.." Pero nung tinanong namin, SAMPUNG PISO (P10.00) lang naman daw isang notaryo. Bukod pa dun, lalake ang attorney, pero babae ang pumipirma
Tapos kanina sa pila, lahat ng nakapila (kasama na ko dun), puro reklamo tungkol sa pag-unlad ng bansa, pero pagdating naman sa mismong harap kala mo nga maaamong tupa humaram sa mga nag-aasikaso ng process dun.
Actually totoo, mabait naman yung mga official dun, pero yung way ng pag-aasikaso mismo, parang kailan ba ito uunlad. Pare-pareho lang naman nahihirapan, ang mga tao at mga officials. Grabeng dameng pera ang dumadaloy sa mga kamay nila araw-araw, pero yung proseso... sana naman maging innovative naman kahit konti teh.
Ayun, ayun, ayun... masaya na ako.. :) :) :)


HAHAHA. Natawa ako dun sa pagpunta niyo sa Trinoma. Sorry naman. LOL. Dun ako nag-file last year and til 4 PM lang din ata dun. Kaya ang ginawa ko nun, pumunta ako ng 2 PM. Presto! Ang bilis, halos wala ng tao. At least tapos niyo na. Good luck and God bless sa inyo.
ReplyDeletenaranasan ko din yan! hahaha
ReplyDelete