Pages

Sunday, October 9, 2011

Waka waka.. eh eh.. TIWALA

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.

This was a terrible blog! I've been gone for so long na ewan ko na nasaan ang lugar ko sa blogsphere. Hahahaha. I'm not actually, I was never really gone. Yung isa kong blog na ginawa ko after ko iwanan toh eh puro agiw na. Sasabihin ko sanang langaw ang madami, pero naisip kong hindi naman mabaho ang blog na yun. Sadyang wala lang talagang laman ang utak ko pagkatapos ko i-build ang blog na yun.

Ang dami ko gusto isulat. Ayan, bumalik na mga brain fluids ko. Ano na nga ulit? Ayuko pa sabihin kung magiging simula na ba ito muli ng pag-uupdate ko dahil, SEMBREAK lang kaya naging maluwag na namang muli ang panahon ko na mag-muni muni.

Anyway. Ang totoong dahilan ng pagta-type ko ngayon sa harap ng bulok kong laptop.

TRUST. Hindi po yung condom. Yung yun na yun. Yung dapat ibigay sa taong mahal mo kapag mahal mo siya. Kapag isang beses pala na hindi nakamit nung TRUST na yun yung expectation mo sa kapartner mo para matawag mong TRUSTWORTHY ang isang relasyon, eh napaka-hirap pala.

Totoo lang, OA lang ako. Napakaliit na bagay ang pinagmulan ng pagka-punit sa dalawa ng TRUST ko sa boypren ko. Maliit na bagay na ang hirap hirap hirap itapon paalis sa utak ko na maliit lang din naman.

Dumating na sa point na NANINIWALA naman ako sa sinasabi niya, pero may part ng utak ko o ng puso ko (hindi ko alam sa dalawa) ang nagdududa inspite na GUSTO KO MANIWALA sa kanya.

Pero kagabi, I'm so proud of myself. Mag-iinvestigate na naman sana ako sa kanya, babatuhin siya ng mga tanong na mapanghusga, pero, pinigilan ko sarili ko at ang nangangati kong dila. Naisip ko na NGAYON, ngayon ang time para huminga ng malalim at magtiwala.

Nagtiwala ako. At yung mga pagdududa ko, parang nag-fly away lang ng kusa, yung di ko ma-explain na gumaan yung pakiramdam ko. Hirap kase sa tiwala, nakaka-burden lang sa sarili at sa relasyon pag pinilit mong i-snobin.

Ang hirap din, kase hindi ko naman masusulat sa post na toh kung PAANO kung may ginagawa naman talagang di kanais-nais ang mga kapartner niyo, ano na ang gagawin niyo.

Tingin ko technique lang jan, wag masyado mag-isip. SIMPLE LANG ANG BUHAY. Kung di ka niya kaya mahalin ng patas katulad ng kung anong kaya mong ibigay, MAHALIN mo pa rin siya. Mahalin mo siya ng buo, patas, hanggat panahon niyo pa. Pag nagmahal ka, siguraduhin mong mawala man siya o hindi ngayon sa buhay mo, eh wala kang pagsisisihan. Ibinigay mo ang lahat, kaso hindi lang kayo para sa isa't isa.



10 comments:

  1. trust ang isa sa pinahahahalagahan ko, para sa kin, pag nasira na to, di na to maaaring maibalik pa sa dati

    ReplyDelete
  2. Kung mahal mo nga raw ang isang tao, kailangan mong magtiwala. :)

    ReplyDelete
  3. pag-ibig ang eklat natin ngayun ah :) are ou really back? hehe~ missed you kumare!

    ReplyDelete
  4. gush abelgas! ang tagal mong nawala kamil!
    maligayang pagbabalik!

    ReplyDelete
  5. Mahirap na pag nasira ang tiwala.. mahirap nang ibalik sa dati (if that's even possible). Kaya dapat sa isang relasyon, dapat pangalagaan na hindi masira yung tiwala.. TRUST is the basic foundation and most important element of a relationship...

    Kung mahal mo nga yung isang tao, willing kang magrisk ng kahit na ano.. kahit na masaktan ka pa. Ang stupid ng tao ano? Alam nang masasaktan, pero ayun, sge.. nagmamahal pa din..

    Eh ganun siguro talaga.. hehehe..

    ReplyDelete
  6. It all ends up in one thing: forgiveness. Seventy times seven aka nga ni Jesus Christ. Forgive the person, continue to love the person as a friend, but it doesn't necessarily mean you'd live together. Kaya nga may divorce eh. :-)

    A Ladybug's Life

    Sonnia

    ReplyDelete
  7. agree. give your best shot habang naroon ka pa and if still worth fighting for pa rin. just never ever blame yourself kapag hindi nag work out yung relationship the way you wanted to. keep on moving and learn from it.

    hi, kamil! btw, nakita ko yung youtube videos mo singing and playing the guitar. its nice.

    ReplyDelete
  8. Hi Kamila! una sa lahat welcome back sa mundo mo at mundo ko din..:)) Pangalawa, ako din sobrang tagal na nawala sa blogsphere at dahil sem break na nga at plan kung magstop muna sa tinatahak kung landas na ewan ko ba kung bakit tinahak ko ang ganitong hirap cguro napaka ambisyosa ko lang talaga..hahaa pero inaambisyon ko parin siya. ako ay babalik na ata muli sa pagsusulat dito sa totoong mundo ko.

    Panagatlo, lahat ng relasyon dumadaan sa ganyan, at totoo ang pagtitiwala ay isa sa mga importatnteng elemento ng relasyon at pag ito ay nawala mahirap ng ibalik, ngunit ang tiwalang ito ay maibabalik pa din kung talagang wagas sa ating puso ang pagbibigay ulit ng tiwala sa taong nagkasala o may ginawang maganda sa atin. Abusing someone's confidence is an aggravating circumstance, kasi nga pinagkatiwalaan natin ang isang tao pero sa kabila ng lahat ng tiwalang ibinigay natin ay sasaktan parin tayo. But it all ends in forgiveness kung talagang nakikita natin sa tao na sincere nga siya. You can surpass it Kamila. We have to go through certain stages in relationship to test kung talagang para kayo sa isa't isa.

    Pasensiya na at mejo mahaba ang comment ko ngayon, namiss ko lang ata magsulat at magbigay ng komento.

    Love Lots,

    pEarL

    ReplyDelete
  9. welcome back..:) tulungan kita maglinis ng agiw. haha

    :)
    -journeyofafrog.blogspot.com

    ReplyDelete
  10. Yun! Akala ko wala na talagang balak mag-blog si ate. XD ito na lang uli gamitin mo. :)

    ReplyDelete

Anong meron?