Start with, nagpabutas na muli ako ng tenga!!! Ito na ang 3rd excluding yung pair na since birth.
Alexandrite daw ang name ng birth stone ko for JUNE, kaya yung nakikita niyo jan sa pic, yan na yun. :)
And let me introduce to you sa aming MOBY!! Kung may nakakaalala man sa inyo na gustong gusto ko na talaga magka-aso dati pa, napag-alaman ko na, HINDI KO NA PALA GUSTO.
Oo, tama nabasa mo. Hindi pala ako interesado magka-aso. Pero infairness, ganun talaga pakiramdam ko nung plano pa lang kunin si Moby. Nung PLANO, pero nung nasa bahay na siya... wwweeeeehhhh!! Ang cute cute cute cute ng baby namin! Ang kulit at ang lambing!! More kwento coming...
October 23, 2011
Kung nagtataka ka naman kung ano toh, eh monthsary gift ko yan kay Mayk. Scrap book ng pictures namin at ang walang kwentang banner.
Di ko nga sure kung uso pa nga ba talaga ang monthsary sa aming dalawa. Nagtaka din ako bakit todo effort ako, samantalang nung Anniv namin parang normal na araw lang.
Buong week kame nagpplano, na sana mag-MOA kame para sa monthsary with the whole family niya, pero hindi nangyari. Kaya lang naman kase na-brought up yung plano na yun kase gusto lang namin maki-uso sa mga nagdadala ng pet dogs sa MOA LOL. Pero dahil di pa pala pwede ilabas ng ilabas ang baby dahil di pa complete vaccine eh ito na lang ginawa namin:
Nagdate kameng dalawa sa SM. Sta. Mesa.
Naglaro sa Tom's World ng toy crane. Kinaaadikan namin lately kaso malas din kame lately. Wala pang nadadagdag ulit sa mga nakuha namin.
Tapos nanuod ng Real Steel.
at pagka-uwi na lang ng bahay tsaka kame kumaen sa labas. Kahit Jollibee na lang. Savory talaga plano namin, kaso ewan nagkatamaran na yata. Hehehe at walking distance lang kase ang Jollibee.
At yun lang.. pa-simpleng update lang dahil alam ko naman na marami akong utang na kwento.
:)
Ingat ang lahat!







You made a magandang kwento like as lagi mo ginagawa.
ReplyDeleteang cute nga nung doggy :D
ReplyDeleteako ba ang unang comment or di pa na-approve ang iba. Baka kasi isipin mo crush kita. haha.. Anyway, nagpabutas din ako sa part na yan ng tenga nung college kaso 9 months na di pa din magaling at nag desisyon na ako tanggalin na lang. Ganun din mga friends ko 3 kami sabay sabay.
ReplyDeleteAng cute ni moby, mahilig lang ako tumingin ng cute dogs pero di ko alam kung kaya ko mag-alaga,kasi sarili ko nga di ko maalagaan. haha.. kulet ng makikiuso na magdala ng pet sa mall. kaloka ka.
Happy monthsary! oo uso pa yun.
buti naman di umulan this time sa monthsary nyo! hehehe
ReplyDelete@Kuya ko Hehehe thank you kuya! You as well..
ReplyDelete@Artiemous Huwaw! Thank you for making dalaw!
@Mayen Hahaha thanks at madami ka pa rin nasabi tungkol sa post na toh... oo.. hindi ikaw ang unang commenter..pero konti na lang iisipin ko na gusto mo na ipagpalit si jed sa akin.. hehehe.. sabi 3 months lang daw at magaling na toh.. ewan how true itich.. hehehe...
thank you at na-cutan ka kay moby! naku ako din parang anak lang hindi pa ako ganun ka ready..
@ate ko Medjo may pakonti-konting ambon na nangyari. hahahaha :)
Hi Kamil =) Mega cute naman ni Moby. May pet din ako nun kaso kaylangan namin syang iwan sa parents ko nung pumunta kami dito.
ReplyDeleteAnd happy monthsary sa inyo. I think celebrate when you feel like celebrating, may rule ba talaga? Ang cute ng pressie mo sa kanya =)
I used to live in Bacood kaya kapitbahay lang namin ang SM Sta Mesa! This was before I moved to Sampaloc =)
Thanks a lot sa pagbisita mo sa site ko ah, tc =)
@Kristeta Hahahaha thank you for visiting back.. naku super cute!! and naku!! taga sampaloc lang kame!! hahaa
ReplyDeletehuwaaaaaa... bagong blog.... bagong pag-asa... sige.. maya ko na ito psyalan ulit.... ehehehhe... after work... ehehhehe.. babalikan kita...
ReplyDelete@musingan hahahahhaa line mo talaga yan AL!! forever.. maya na afetr work ang pagbabasa...
ReplyDelete