Pinapatawad na kita.
Sobra ang galit ko sa Dadi ko. Isinulat ko sa maliit na notebook lahat lahat. Halos mapunit na yung mga pahina at halos mawalan na ng tinta yung ballpen sa dami ng pwedeng sabihin.
Hindi ko alam paano niya nabasa yun, paanong napunta sa mga kamay niya yung notebook na yun. Hindi niya matanggap syempre yung mga nasulat ko, sino ba? Kumuha siya ng ballpen at nilagyan ng malaking ekis ang mga pahina at padabog na sinara. Kung makakatayo lang siya sa kinahihigaan niya ngayon.. maghahanap siya ng pansunog hanggang maging abo lahat.
Bumagsak ang mga luha sa mata niya. Naging masama nga ba siyang Ama?
May galit din sila sa Dadi ko. Mga di ko kilalang tao. Pero iba ang galit nila, ibang ibang issue sa galit ko. May hawig pero di masyado. Patungkol yata sa pera.
Habang nakahimlay ang Dadi ko sa hospital, dun nila naisip na gumanti. Nag-utos sila ng isang nars na ibigay ang maling gamot, malaking halaga kapalit. Nung narinig ko lahat ng pag-uusap, tapos na, nagawa na ang dapat gawin.
Halos di ako naka-exhale, napahinga lang akong malalim. Tumibok ng mabilis yung puso ko, di makapag-isip. Basta napatakbo ako mabilis na mabilis, siguradong papunta sa kanya. Malayo pa lang rinig ko na yung isang mahabang beep.. dead line ang dating tulad ng mga maririnig mo sa pelikula pag may deads. May mga nag-aalarm na para bang may maling nangyayari sa kinapaparoonan ng ama ko.
Malinaw sa isipan ko na ayuko mangyari toh. Malinaw sa isip ko na hindi ko matatanggap kung mawala siya. Patatawarin ko na lang siya sa lahat ng kasalanan niya kaysa mawala siya sa buhay ko.
Para akong hinihila ng daanan, parang naka-magnet yung mga paa ko, di makatakbo ng maayos. Nagsisigaw at nagngangawa ako habang tumatakbo. Naunahan na ako ng mga doktor at mga nars at iba pang kung sinu-sinong empleyado ng hospital...
Parang pinipiga ang mata ko, at parang pinupulupot ang lalamunan ko. Huli kong narinig ang malakas kong ngawa na parang nanggaling sa kailaliman ng kung ano.At... nagising ako.
**********
Naku! Nightmare.. :(
ReplyDeleteAng sama naman ng mga tao sa nightmare mo, Kamil.. Nakahiga na nga sa hospital bed yung tao, talagang ginawan pa ng masama. Hmp.. Ang sasama nila..
Nightmare nga ih. Hay naku.. Pray lagi before going to bed.. para iwas nightmare din. :)
ahehe.. panaginip lang pala. pero masamang panaginip yun.
ReplyDelete@Leah Oo nga nightmare.. pero thankful pa din at panaginip lang yun..
ReplyDelete@Mayen At dahil sa panaginip na yun.. i decided.. magpapatawad na me...
patawarin mo din ako...nagulo ang buhok ko sa kilikili dito sa kwento mo. basta...nagugutom ako kapag father thing ang usapan.
ReplyDelete@Kuya Hahahaha bakit kuya ano ba meron sa father thing??? hahaha
ReplyDeleteHala. Akala ko naman totoo. I had a similar experience. I was there when my dad died.
ReplyDelete@Miss 'Chievous Thank you for visiting my site.. hehehe... nakakatakot nga eh..ayuko dumating sa point na yun
ReplyDelete