|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing
so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I
never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the
past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to
publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by
the way.
|
Scheduled Post.
This is an entry sana sa Kablogs Journal, by the time na ini-schedule post ko toh, di ko talaga sure kung ma-pupublish ito sa TKJ, but anyway, publish or not, this is my gift for all the Moms out there, specially to the best mom in the world, love you Mama koy! Happy Mother's Day!
Maulap ang paligid. Maliwanag ngunit malabo. Naaninag kong naka-paa ako, nasan na ba Rambbo kong tsinelas? Di na ako nag-isip pang muli, lumalakad na lang ako sa mayamang lupa na tinatapakan ko. Hinahanap ko ang amoy na naglalaro sa pangong ilong ko. Ang amoy na yun na nagkalat sa paligid, amoy ng sampaguitang nakatanim sa bakuran namin nung bata pa ko.
Isa, dalawa, tatlong hakbang. Ininspect ko ang paligid ng makalibong, maka-trilliong, maka-zilliong beses. Wala naman ang sampaguita. Pero may duyan, kakaibang duyan na may kakaibang kulay, kulay pula. At nandun si Nanay, nag-aaya na humiga ako sa hita niya. Nakangiti siya at nakaabot ang kamay. Tara dito masarap ang lilim ng puno.
Tumakbo ako sa malambot na lupa, at hanep na hindi ako nadapa. Humiga ako sa duyan na ang unan ay ang aking Nanay. Sinuklay ng maliliit na daliri niya ang maninipis na hibla ng buhok ko. Hanggang sa makahuli ay may nilabas siyang puting bagay na may berdeng maliit na tangkay, malambot at mabango. Isiningit niya sa tenga ko.
Ngumiti siya, tinitigan ako ng pagkalambing at inayos muli ang bulaklak nang di mahulog. Ngunit biglang ang guhit sa mga mukha niya ay nagbago, at malungkot na tumingin sa akin, ako na nakatayo sa malayo. Nakatayo ako sa malayo, hindi man lang ako nagtaka kung bakit samantalang kanina ay nakahiga ako sa kanya.
Sa pagkurap ng mata ko, nawala ang duyan, nawala ang lupa. Pero naaamoy ko pa rin ang bulaklak. Kinapa ko ang bulaklak sa tenga ko, wala. Nasan na si Nanay? 'Babalik ako anak', sabi nung boses. At naiwan ako sa kawalan, nananabik na naghintay. Sinubaybayan ko ang langit, at ang pagbaba at akyat ng araw. Naghihintay sa haplos at kalinga ng Nanay na naghihirap sa bansa ng iba. Kailan kaya siya babalik? Pagbalik niya ako pa rin ba ang batang naka-paa?
Hindi na nga ako ang batang naka-paa, pero di ibig sabihin nun di na ako pwede matulog sa hita ni Nanay. Maulap ang paligid, maliwanag at malabo. Nakatulog pala ako habang muling dinuduyan ni Nanay sa duyan na pula. Naglalaro pa rin ang amoy ng bulaklak. Amoy ng sampaguitang hanggang ngayon ay nakatanim pa rin sa malupang bakuran namin. Amoy ng sampaguitang nakasingit sa tenga ko.

Ang sweet. Creative writing. Ikaw naa! Happy mother's day sa mommy mo. Magkamukha kayo. :)
ReplyDeletenice one Kamila...hangsweet!!!! Proud ang mommy mo syo malamang pagnabasa nya to..
ReplyDeleteHappy Mother's Day sa mga mommy natin.
hangsweet naman! Proud malamang ang mommy mo sayo pag nabasa nya to, maluluha pa!
ReplyDeleteHappy Mother's Day sa momy mo!
happy mthers day sa napakagangdang mommy ni kamilla. sure ako proud siya sayo ^_^
ReplyDeletehuhuhu....buti ka pa nandyan pa si nanay mo...kahit anong oras pwede mo syang makatabi...huhuhu..kakalungkot mga experience natin....naiwan...pero sayo nagbalik at kasama kana ngayon...ako...He only can tell..
ReplyDeletehappy mother's day to your mom kamila. Walang makakapantay sa pagmamahal at pagaaruga ng isang ina..Mapalad ka at nasa tabi mo sya parati.
ReplyDeletehappy mother's day to your mom kamila. Walang makakapantay sa pagmamhal at pagaaruga ng isang ina at ikaw ay mapalad sapagkat parati syang gumagabay sa iyo.
ReplyDeletei like! aT GAYA ni iya_khin, nakakainggit at kahit aong oras pwedeng makasama mo ang nanay mo. kakainggit. happy mother's day :)
ReplyDeleteNgayon kasama mo na si nanay. Happy Mother's Day to your mom Kamil. :)
ReplyDeletehaist,,,happy mothers day sa mama mo kamila!
ReplyDeletekamukha mo si mama mo...
ReplyDeletemalamang diba?... alangan naman maging kamuka ko nanay mo... not unless magkapatid tayo (sa labas?) ahahaha
ang gagong comment lng...
hapi moms day sayo.. pati sa dinadala mo... ahahaha joke.
parang magkapatid lang.GAnda ng mga lahi.
ReplyDeleteay mali...out focus
happy mothers day pala kay mommy.
(^__^) I Lavet.♥♥♥♥♥
ReplyDeletehappy mothers day sa mama mo kamilla
ReplyDeletehappy mother's day kay tita. at advance happy mother's day sayo bes
ReplyDeletewow.. parang magakaptid lang ah.. :) parang kme ng mommy cu.. haha
ReplyDeletebe-lated happy mother's day sa mama mo meimei..
ReplyDeletekamukha mo pala mama mo kapatid.. parang magka age lang..hehehe..peace!
ReplyDeleteparang ikaw ung nanay at si mama mo ang anak lolzz, kamukha lang enoh...
ReplyDeletebakit di mo pinasa to sa TKJ? tanggap namin lahat basta related sa theme, next time ah? :D Tribute to a Father pala ang theme sa June, gawa ka na agad :)
ako na ako na talaga ang walang mudrax day speacial sa blog ko.. pero anyways happy mudrax day sa mother mo.. :)
ReplyDeletelike it!
ReplyDeletemodern makata ang pagkakasulat!
belated happy mothers day sa mommy mo..
ReplyDeleteKatuwa naman, para lang kayong magkapatid at papasa rin kayong magdabarkads :) Sana, lahat ng mag-ina ay katulad ninyo. Then the world will be a much better place to live in :)
ReplyDeleteang cute cute nyo naman ng mommy mo sa mga pictures i wish i could be as malambing as you sa mom ko hehehe =)
ReplyDeletenabasa ko 'to sa ka blogs journal. congrats sa fetured post. its good to read some creative writing from you, kamil at kahit huli na...
ReplyDeletehappy others day sa nanay mo.
super galing! idol :)
ReplyDeleteNge!! di ko alam may scheduled post ka pla.. happy mom's day ke mommy mo. better late than never ang drama ng comment ko. lol.
ReplyDelete