Pages

Wednesday, May 7, 2014

10 Things I'm Thankful for my 1st year in California

It's been a heck of a year! Congratulations sa sarili ko. Makailang beses man ako na-tempt umuwi ng Pinas, eh medyo kinaya ko pa rin makabuo ng isang taon! I'm choooo proud of mychelf!

10 Things I'm thankful for my 1st year in California:

  1.  I'm tsuper duper thankful about my job! Yan ang number one! Since I was a failure back then sa last couple previous jobs ko, I did not really expect I will love my current job so much! Lalo ako na-momotivate to be a nurse, at nag-iimprove pa ang pag-eenglish ko dahil dito.
  2. I'm thankful that I have a place to stay in. Hindi ko pa nakkwento ulit ang bago kong tinitirhan, pero I've been staying here since November, so in short 7th month ko na dito. Totoo lang ito ay blessing from God! Gusto ko talaga ikwento ang nangyari. Since napakaganda nung last na tinitirhan ko at napakabigat din sa bulsa, naisipan ko maghanap ng mas cheap na place. Si Tita L (yung land lady ko sa napakagandang bahay na previous kong tinirhan), siya din ang naging tulay kung paano ko nakita tong bongga pero affordable na place na toh, dahil pinsan niya toh at ni-refer niya lang ako dito. It was supposed to be much more expensive than the price I'm paying right now, pero binigay na sa kin sa mababang presyo (and I'm so thankful kay God how that worked-out). Bukod sa mabait yung tinitirhan ko ngayon, sobrang dami pang accomodation sa apartment nila: gym, swimming pool at may laundry basement pa. Tapos malapit pa toh sa mga grocery, Filipino grocery stores at syempre malapit din toh sa Jollibee. Ngayon alam mo na bakit ako sobrang thankful.
  3. I'm thankful kase may laptop at cellphone na ko. Oo big deal sa kin ang gadget dahil nasa long-distance relationship ako. 
  4. I am thankful because I'm already driving at ngayon may kotse na ko! Oo, bulok man ang kotse ko ngayon, meron pa rin akong kotse.
  5. Nakapunta na ko sa Disney! Grabe di din ako makapaniwala na nakapunta na ko dun. Lol.
  6. Running. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naging interesado sa hobby na tsuper active.
  7. Blogging. Kahit papaano, kahit sobrang busy na sa mga bagay-bagay, may panahon pa rin para mag-muni-muni through my blog. I'm happy kahit papaano na-shashare ko pa din sa blog ang mga experience ko.
  8. Family and friends. Alam ko, ang over-rated nito, pero totoo lang if not for my Mom, Dad, relatives and new found friends, eh magiging tsuper boring ng buhay ko dito. Walang happiness at walang drama.
  9. Maykel. Ang sarap sa pakiramdam na hanggang ngayon may isang tao na alam kong maghihintay talaga para sa kin at alam kong di ako sasaktan. Lol. Eh siya lang din naman dahilan bakit hirap na hirap ako mag stay-put dito sa California.
  10. Masaya ako dahil I am so blessed. I found a church that helps strengthen my faith more! Kung noon blessed, ngayon super duper blessed pa lalo! Parang ang dami-dami laging pwedeng ipagpasalamat!
Lahat ng blessings na toh eh hindi rin naman naging madali bago ko nakamit. I guess things always work for the better. Basta continue lang sa paniniwala na lahat ng mga nangyayari sa atin pangit man or maganda, eh may purpose at may silbi sa kung ano mang haharapin natin sa future. I have a lot of other things to be thankful, and I guess that's a little wisdom I can share, be thankful for every bit of good experience na mararanasan natin.

Yun lang.

 photo collage.jpg

6 comments:

  1. nice. ^,^ V

    We may not never know each other pero I can feel your happiness. Iba ang aura mo as a happy and satisfied inidividual...

    Grats and stay Thankful to God.. goodluck

    ReplyDelete
  2. wow so happy for you baby!!!

    We should really be thankful in everything!

    ReplyDelete
  3. Syempre, nakapagbloghop ako kasi walang akong ginawa at wala yung manager ko. Hahaha. You are blessed Kams! At hindi bulok ang kotse mo, ang ganda kaya! 4 years na lang, hold on tight. Hahaha

    ReplyDelete
  4. So mcuh to be thankful for! :) May kotse ka na pala, big time! :) May you have more blessings to be thankful for :)

    ReplyDelete

Anong meron?