Pages

Tuesday, May 20, 2014

Obstacles = Opportunity

Everyday is a new chance to be better. For sure laging may nakalatag na choices at option sa harap natin. At kung nakarating ka dun sa point na parang walang option at parang na-stuck ka sa isang dead end, walang hope at nabubuwang ka na (or what one of my friend refer to as na-aabno) dahil wala nang ibang direction na matakbuhan, ang ibig sabihin lang nun panahon na para harapin ang mga fear at anxiety na matagal na nating tinatakbuhan. Ibig sabihin nun wala ng ibang choice kundi sa wakas kailangan ng lumabas sa comfort zone.

Parang kada may paghihirap, parang laging it is meant to bring us down, pero ang totoo hindi naman kaya! Minsan depende na lang yan sa pananaw at prinsipyo. Paano kung kaya pala tayo nahihirapan eh dahil we are about to be jolt up to somewhere we’ve never been before? Ang isang analogy nga na nabasa ko tungkol dito ay yung "Bow and Arrow".



Meron ka bang kaibigan na walang ibang comment kundi, "Okay lang yan, wag mo ng isipin yan." Pero kahit ilang libong beses niya sabihin yun, di ka pa rin naman okay? Or meron ba kayong syota kapag tinanong niyo ng, "Bakit ka ba galit?", eh sasagutin ka ng pasigaw at nakakunot ang noo ng, "Di nga ako galit!!" (Basta ako meron). Lol.

Una, hindi madaling mag-chill kung nasa kalagitnaan ng problema. Minsan kailangan nating ilabas ang galit at aakalain ng iba na pre-requisite ang sumimangot sa ating life. Pero ang importante, kailangan nating malaman na okay lang yun.

Okay lang mabadtrip at magalit at mag-vent ng mga nararamdaman. Okay lang i-acknowledge na nasa-phase ka na hindi ka okay, hindi ka okay, hindi ka okay, hindi ka okay (repeat until fade) at kailangan mo ng konting oras para lumamig ang makina mong nag-oover heat.

Okay lang aminin na minsan malungkot ka. Walang kaso yun. Ang may kaso, eh kapag after ng sapat na panahon para ikaw ay mag-drama, mag-emote at gumawa ng MTV, eh hindi ka pa rin handa mag-move-forward.

Okay lang din i-admit na galit ka. Ito ang misconception. Hindi kasalanan ang magalit (narining ko toh sa church namin). Ang kasalanan eh yung mga bagay na pwede mong magawa habang lulong ka sa kabadtripan. Madaming emotion na mahirap kontrolin kapag galit at madaming maling desisyon ang laging nabubuo nang dahil dito.

"'Be angry, and do not sin': do not let the sun go down on your wrath." Ephesians 4:26 

Madaming pangit na bagay na nadudulot ang depression at galit kapag pinabayaan mong magbakasyon ang mga parasite na yan sa puso't damdamin mo. Hindi ka na nga nag-momove forward, para ka pang hugasin sa lababo na nagkaka-mold na kase hindi mahugas-hugasan.

Pangalawa, we need to recognize na hindi lang tayo ang may problema sa talampas ng mundo. Kahit anong mangyari, may isang tao na hindi man present sa part of the world na kung nasaan ka, eh paniguradong mas malala pa ang kalagayan kaysa sayowwww. Ibig sabihin, hindi ka nag-iisang nilalang na may ketek na problema. Lahat tayo ketek mode everyday all day! And we need to sharpen our coping skills, yun lang yun.

Pangatlo, tanggapin natin na kahit anong mangyari, may ma-eencounter at ma-eencounter pa rin tayong dissappointment sa buhay. Ano man ang nag-cause nito, tao, hayop, bagay o kung ano mang may saltik na pangyayari, wala tayong magagawa! Mararanasan at mararanasan pa rin natin na madismaya. Walang nabibiling bullet proof vest para dito, at kung hindi ka familiar, ang tawag po dito ay LIFE.

Imaginine mo na lang kung ang mother earth eh chuper perpekt, kung lahat ng pangyayari eh always running smoothly, kung ang mga tao at hayop na naninirahan dito eh walang malisya, naimagine mo? Ako hindi, lalo na yung part na walang malisya. I felt like magiging virgin ang sangkatauhan forever and ever kung sakaling mangyari yun.

Although nothing is impossible, eh at this present time ang katotohanan eh magkakaiba tayo ng budhi! Lahat tayo may kakaibang diperensya sa utak, na on my own point of view eh work of art ni Lord.

At dahil nga at any circumstances eh magkaka-problema ka pa rin naman kahit saang mang sulok ng mundo ka sumiksik, what's the substance of walang humpay na pag-rereklamo after reklamo after reklamo? Lalong-lalo na kung wala ka namang ginagawa para-i-resolve o to make the situation better? So shut the pak-ap, wag masyadong maging harsh, be easy to forgive and kantahin mo na lang ang Let it go.

And my huling hirit is to change our perspective. Tumingin naman tayo kase dun sa mas malaking picture. There will always be a reason behind everything. Laging may purpose si Lord bakit natin nararanasan ang mga nararanasan natin. At kung ano man ang size ng problema natin, ganun din kalaki ang opportunity na meron tayo. May opportunity tayo na mag-grow spiritually at maging mas matatag emotionally. We will never be given something we can't handle - ika nga. We will never know na kaya pala nating lagpasan ang isang pagsubok unless nakarating na tayo sa finish line - ika nga. We will never know our limit unless sinubukan man lang natin - ika nga.

At salamat very much. Sana may kinapulutan kayong aral sa lahat ng pinagdadakdak ko today. Disclaimer, lahat ng pananaw na aking sinulat today ay ika nga ng mga tao, bagay, hayop at pangyayari sa buhay ko. Bow.

 photo collage.jpg

5 comments:

  1. Ang ganda ng POV mo sa buhay... gusto ko rin yung analogy.. nice post!

    ReplyDelete
  2. Sabi nga nila... hindi naman talaga problema ang ating mga problema... ang totoong problema ay kung sa paanong paraan natin ito tinitignan. :)

    ReplyDelete
  3. haist... kahit mahirap magpaka positive dapat talaga yun ang gawin... nakaka enlight naman ng isipan itong post mo ate.. Salamat!

    ReplyDelete
  4. In my case i've already given up on life and I lost faith in humanity. Wala na talaga akong pakialam. I'm perpetually apathetic na, pero dahil nga may saltik din ako sa utak eh madalas pa rin ako bad trip.

    I tried to be a person with a positive outlook pero mukhang innate na sa akin ang maging constantly angry.

    Sana nga life can be compared to an arrow. Siguro nga ganon talaga. Or maybe sabi nga ni buddha, we suffer because we have a lot of expectations and wants na hindi naman talaga destined na mangyari sa atin kaya ayun, lagi tayong nababadtrip.

    Kaya sabi ng mga Kristiyano, you have to know God's perfect will for you para malaman mo kung ano ang dapat mong simulan gawin, malaman mo ang iyong purpose at makita mo agad ang iyong future. Nasa atin kasi kung tatanggapin natin yung calling sa atin o hindi.

    Pero nasa isipan talaga natin ang lahat. tama ka, we need to change perspective. I remember the Apostle Paul saying to the believers in Rome that in order to not conform to fashions of the world, one must renew his mind- this implicates that your outlook and principles and way of thinking determines on how you will face the world and live all through the shitty circumstances of life.

    ReplyDelete
  5. Naalala ko bigla yung friend ko na napaka negative ng perspective sa buhay. Kahit anong payong ibigay negative ang sagot nya, hindi pa nasubukan ayaw na agad, pangit na agad ang ine-expect nyang mangyayari. Sa totoo lang nakakapagod na siyang kasama at natitrigger lang depression ko pag kausap ko siya. Tama ka, kapag di ka okay hindi ka talaga okay and it's ok to express that. Pero meron din dapat limit ang mga nararamdaman natin, kung hindi wala talaga tayong makikitang pag asa sa buhay. Hindi talaga nauubos ang problema, pero gaya nga ng sabi mo either you do something or you let it go. Para di mabigat ang buhay.

    ReplyDelete

Anong meron?