|
**I've been importing in this blog all of my previous posts
from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense
of security in doing so.
**This page right here was actually a blog post from my late
blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my
writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful,
ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today
(February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site!
Dates are preserved by the way.
|
Kunyari ako daw si Wendy sa peterpan at mag-iisip daw ako ng magaganda o
masasayang bagay para makalipad...
Puro malungkot na kase
ang naiisip ko.. at nasusulat ko dito sa blog..
masasaya.... masasaya.....
lipad ________
lipad....
si __________ ay ako
din.. mga labing-apat
na taon ng nakalipas...
Siya ay kinder-prep pa
lang nun... hindi rin niya maalala kung anong itsura niya nung mga panahon na
yun at wala siyang pake..
___________ ang tawag
sa kanya kase hindi niya maalala kung ano ang tawag sa kanya nung mga panahon
na yun..
sa Montessory school ng san pedro siya nag-aaral nun. May tropa
siya dun na mga babaeng CUTE.. at may rivalry sila sa isa pang grupo ng mga
asungot (na mga babae din naman)... habang ang mga lalake naman na kaklase niya ay walang pake... (isang nag-ngangalang JP ang pangalan ng
first crush ni ___________ sa school na yun)
malabo na ang mata ni ___________ nung mga panahon na ito kaya
nakopya na lang siya sa katabi niyang nag-ngangalang TONI, at naaalala niya na
ang tuldok sa taas ng maliit na "i" ng kaklase niyang ito ay
nag-huhugis dash " - "
champorado ang madalas meryenda sa canteen ni
___________, bukod sa tinapay na may peanut butter, at kasing lake ng libro ang baunan niya araw-araw para sa tanghalian..
napagkamalan
siyang nag ballet school dahil may costume siyang pang ballet sa isang dance
number sa school.. hindi niya maalala ang
tugtog ng dance number na yun..pero yung tugtog ng dance number ng mga lalakeng
kinder na napilitan mag sayaw ng mexicano... naaalala niya..
nakikipag-laro siya ng
tagu-taguan sa mga kaklase, habang wala pang sundo.. hanggang sa tumigil siya
makipag-laro dahil nagka-school-service na siya..
madalas ilibre si
___________ ng kanyang nanay sa jollibe na ilang step away lang mula sa school niya...
lipad ROVI lipad..
dalawang taon
makalipas maging ___________ ang tawag niya sa sarili niya.. nakilala niya ang
sarili bilang ROVI.. na tawag sa kanya ng lahat ng mga kaklase
niya at mga teacher niya sa Alpha Angelicum Academy..
Nang-galing ang
pangalan na ROVI sa pinagsamang ROger at eVElyn... dapat ROVE.. pero baka-basahin daw ng mga
taong "ROWV" kaya ginawang I and E.
Ang itsura ni ROVI ay batang chubby na boy cut na pinuno ang buhok mula kalagitnaan ng ulo
hanggang bunbunan nito ng mga ipit na may ngipin at makukulay para mag mukhang
babae..
mahilig sa pokemon at clover si ROVI.. naiinggit siya nun sa mga kaklase niyang
malalake at stroller ang bag..
nagkaroon din siya ng
stroller pero dali-dali din niyang kinahiya yung bag na yun kase pang-kinder
ang lake at napagkamalan niyang nawalang siya ng p100 sa bag na yun kahit hindi
naman siya pinagbabaon ng ganung kalakeng pera..
mahilig siya humingi
ng sabaw sa canteen tuwing tanghalian at spaghetti ang paborito niyang
pagkaen..
naaalala ni ROVI na tinalupan muna niya ang sibuyas bago niya tinanim para sa science project
niya..kaya sa kanya lang ang hindi tumubo sa lahat ng project..
one time din sumabit ang palda niya sa panty niya sa kanyang likuran pagkatapos mag-cr (na
agad naman napansin ng isang faculty pagkalabas niya ng banyo) at simula nun
lage na niyang tinitingnan kung sumasabit ang palda niya sa panty niya.
lage din siya
nag-totooth brush sa school dahil nakikiuso siya sa lahat ng
classmate niyang nag-totooth brush din.
sumali siya sa VOICE
lesson at nag-quit at lakas loob ng pinahiya ang sarili sa isang SINGING
contest.. na agad siyang pinalabas sa kalagitnaan ng kanyang pagkanta,.
kaya sumali na lang
siya sa painting lesson.. kung saan tunay na minahal niya..
mas lumabo ang mata
niya dito.. at pumupunta na siya sa harapan para kumopya sa black board..
hasler siya sa
jackstone at pagbubunot ng damo
habang naghihintay ng
sundo..
Lipad
TIBS lipad...
si
TIBS ay grade 6 elementary na nag-aaral sa Liceo de san Pedro.. matabang
nakasalamin na naka-pony ang buhaghag na buhok...
lahat
ng bagay tungkol kay TIBS ay kinalimutan ng
tadhana.. dahil ito ang
panahon na mas naranasan pa niya ang lahat ng kahihiyan sa mundo..
natuto
rin siya kumapa ng pulso dito.. at mag-sit up..
may
tropa siya ng panahon na ito na tinatawag na TROPANG CHUBBY...
dito
unang nagkaroon ng salamin si TIBS.. pagkatapos ng mahaba-habang diskusyon sa
tatay niya na hindi naniniwalang malabo ang mata niya...
Lipad Poklay lipad
Unang
naisip ni poklay ang pangalan niya nung sumale siya sa isang clan sa isang
chatroom na noon ay FUSE na naging MORPH...
at
dahil dito.. pate mga kaklase at isang teacher ang tumatawag sa kanyang poklay
noong Highschool....
POKS for short
si
poklay ay isang Highschool student na nangayayat dahil gustong magkaroon ng
boyfriend... pero hindi naman siya napapansin sa school nila..
siya
yung taong nagbasa ng bob ong na libro ng kaklase niyang si JERIC.. at siya
din ang taong nagbago pagkatapos ng isang taong alitan sa kanyang tropa na
LINKIN 5..
nagkaroon
din siya ng besfren na nag-ngangalang DYNDYN... at napagkaalaman nilang dalawa
na hindi compatible ang ugali nila bilang magbesfren...
Hanggang
sa nauwi na siya sa tropang sunshots.. na pinagtibay ng panahon hanggang ngayon...
nagkaboyfren
si POKS ng bandang 3rd year.. pero tahimik niya itong nilihim sa mga tao sa
paligid niya habang naiinggit siya sa mga mag-syosyota sa school.. (dahil isang
long distance relationship ito)
si
poks ay naging isang mayabang na CAT officer na magaling lang paper
works...
natutong
maging mapagkumbaba si POKS nung mga panahon na toh...
nung
nag college si poks... dinala pa din niya ang pangalan na toh.. at namamangha
sa dame ng nagtatanong.. BAKIT POKLAY..? at interesado naman siya na-ishare kung
bakit...
lipad KAMIL lipad...
si KAMIL ay pinanganak
nung minsang mag-away ang mag-ama.. at tuluyan ng itinago ang pangalan na
POKLAY sa dibdib... although di maiiwasan na madame na ang nasanay na tawagin
ako sa pangalan na poks..!
ang kwento ni kamil ay
mas mahaba pa kaysa sa mahabang post na ito... kaya...
~~~dito na lang
muna....

No comments:
Post a Comment
Anong meron?