Pages

Saturday, February 6, 2010

wisdom tooth


**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.

Kung wisdom tooth nga ang pagbabasihan ng wisdom sa buhay.. ilan na kaya ang sa kin?

Sabi sa isang theory ni Erik Erikson, sa bandang old age mo pa makakamit ang wisdom mo sa buhay... bakit? hindi ba pwede ngayon?

Siguro kung wisdom din ang masasabi ng bawat magulang na masarap ipamana sa anak (bukod sa edukasyon), siguro mas peaceful ang buhay natin, mas simple.

Ano nga ba kaibahan ng wisdom sa katalinuhan?
sabi sa pag aaral ang wisdom daw ay pinagsamang knowledge plus value.

Nung bata pa ko, kapag nakakakita ako ng "don't do to others what you don't want others to do to you.." naiisip ko agad na ginagawa ko naman yun... "think positive.." positibo naman ako... o basta.. in short pag may nakikita akong mga quotes o nababasa, naiisip ko agad na.. mabuti akong tao.. at nagagawa ko lahat yan. madali lang yan...

pero nung nabasa ko ang "forgive and forget.." at na-experience ko na mahirap magpatawad ng kaaway.. ~~~~ narealize ko.. na hindi pala lahat ng paalala ng matatanda ay madaling i-apply.

Madami akong pananaw.. sobrang madame. minsan mali ako. At alam ko yung mga first impression sa kin ng mga klasmeyt ko nung elementary at high school ay ganun pa din impression hanggang ngayon. (madaling magalit, mainitin ang ulo.. jologs, nerd,..) ~~~ feeling ko lang..

Pananaw. Iba't iba ang pananaw ng bawat isa. Pero kung malawak ang pananaw mo sa buhay.. handa ka tumanggap ng pananaw ng iba.

Mahirap i-incorporate ang bawat pananaw sa buhay... at hindi ito sapilitan. MInsan kahit paulit-ulitin mo ang mga bagay na ayaw mo sa isang tao at mga bagay na gusto mong baguhin sa taong yun... hindi niya yun marerealize.. mas 90% pang ma-isip niya na tama ka kung ma-pagmuni-munihan niya yun ng mabuti ng walang sumbat mula sayo..

Kung wisdom lang din ipamamana sa mga bata.. siguro mabuti silang tao, masunurin sa gobyerno, nag-aaral ng mabuti... at feeling ko sakop ang ano mang aspeto na gugustuhin mo sa isang anak. Feeling ko lang ah.. ikaw..? Anong feeling mo?

No comments:

Post a Comment

Anong meron?