Pages

Wednesday, February 24, 2010

Lumilipad na kaisipan... tsongo

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.


Huggard mode kahit hindi naman.
Kung kailan naman wala kameng ginagawa ngayon na mabigat, ngayon ko nafi-feel yung fatigue (generalized body weakness).
Lage pa din ako late sa school at gusto ko ng madaming tulog kahit hindi naman talaga kailangan.


Gusto ko lang isulat ang ano mang nasa isip ko ngayon.
(Ewan ko ba bakit ako sulat ng sulat) Ang theory ko na lang jan eh kase lahat ng hindi ko madaldal sinusulat ko na lang.

Gusto ko sabihin ngayon na TINATAMAD ako..
Bago ba yun?
Tinatamad ako mag-aral kahit sinasabi ng utak ko..
"Kamil... kaya mo yan magaling ka.. matalino ka.. kaya mong lagpasan ang sino man.."
May delusion of grandeur na noh..? (delusion of granduer yung feeling mataas ang sarili..magaling.. pero feeling lang)
inaamin ko na ganyan ako madalas mag-isip..
pero pag iniisip ko yan..kadalasan kabaligtaran ang resulta..
Mas maganda pa di mag-aral pero mataas ka.. tas tipong di mo expected na mataas grade mo..
Yun yung..
WOAW!
na reaction di ba.?

Bukod sa pag-aaral ko..araw araw ko na iniisip tong katabaan ko..
na panandalian ko naman nakakalimutan kapag may pagkaen sa harap ko.
Totoo lang medjo nag-improve na nga ako dahil feeling ko naman nabawasan na ako ng KONTING konti...
tsaka nabawasan na din ang katakawan ko.. nasusuka na nga ako isipin lahat ng nilalamon ko noon. Tsaka kapag madaming option na food.. isa lang talaga pinipili ko.. maganda ba yun?


Pero ang taba ko pa rin..
sa araw araw na pagtingin ko sa salamin ang naiisip ko
sana pwede na lang i-tuck in sa pantalon o di kaya tapyasin na lang tong taba ko
.. Badtrip.

Bukod pa jan..
naiisip ko na gusto ko na tahakin ang career na nais ko..
na kasalukuyan ko naman hindi magawa dahil ako ay isang nursing student.

Although ang career ko ay tinatawag ng iba na hobby..
Tanggap ko naman yun.. Pero yun yung gusto ko gawin.. Na sana medjo malapit ko na umpisahan.

Tapos..
nag-kukunyari-kunyarian pa akong OC-OC dito sa dorm..
pero pagdating mo naman sa bahay namin ke-gulo ng mundo. Minsan ayuko na nga huminga.. o kumurap pagdadaan sa kusina namin.. (lalo na sa dirty kitchen) spell DIRTY... naku.. baka di lang dirty masabi mo...

Tapos sobrang patay na patay ako sa boyfren ko.. ginayuma na nga yata ako nun eh. Joke. hehehe... Sobrang naaapreciate ko lang siya ngayon.. Kaya siguro..

*
*ayun. Medjo gumaan na ulit pakiramdam ko.. feelingera tong Blog na toh... haha


No comments:

Post a Comment

Anong meron?