isang kontentong buhay. masaya para sa maliliit na bagay. totoo at prangka. hanggat nandyan pa ang mga tao ay ibibigay ang pagmamahal na abot-abot kahit kahihiyan. ang pagbaba sa sariling terestial at umapak sa lupa. ang magpakumbaba kahit lumilipad ang kayabangan. isang pamamaalam sa nakasanayang buhay at pag-apak sa panibagong takbo ng mundo. yeabah. graduating na ako.
ang pag-aaral bilang highschool..di na nga yata malulubayan ngunit kailangan iwanan. madaming natutunan sa mga di sinasadyang pagkakataon.
1st year. kailangan ginagawa hindi basta satsat. so kung sasabihin mo na.."babawi na lang ako next quarter.." gawing makatotohanan.
2nd year. ang pagtago ng sama ng loob sa mga bagay-bagay ay kung susumahin ay maliit na bagay na pinapalaki mo lamang at kung handa ka makipag-ayos…ang pinalaki mong maliit na bagay mahirap man gawin ay kailangan paliparin sa hangin..putukin na parang bula..o padala sa alon ng tubig sa dagat.
3rd year.ang pagpapakatotoo sa sarili ay nagbibigay ng totoong kaligayahan sa buhay. ang pagkamit ng tagumpay ay masarap kung pinaghihirapan.ang pagpapakumbaba ay masarap dahil ikaw ang bida at ang nagmamataas naman ang kontrabida..mas mukha kang kaawa-awa kaya mas marami kang kakampi. ang pagpili ng totoong kaibigan ay tulad ng pagtanggap kung sino siya, kung ano ang ayaw mo sa kanya, at ang pagiging totoo sa isa’t isa.
4th year. ang pagpapatawad ay isang mahirap na bagay, ngunit isang masarap na sakripisyo. ang paghingi ng tawad ang pinakamadaling paraan ng pag-aayos ng problema lalo na kung buong puso ito. hindi madaling pakisamahan ang lahat dahil mag-kakaiba ng ugali..pero ang pagtanggap na kailanman ay hindi natin mapipili kung ano ba dapat ang ugali ng tao ay isang paraan ng pagtanggap sa kapwa mo at sa mga taong makakasalamuha mo pa sa kasalukuyan. hindi naman pwede pagpilitan mo kung ano yung gusto mong maging ugali ng isang tao davah?. ang pagpapaka-plastik ay katulad din ng pag-kulong mo sa mundong gawa-gawa mo lang.
alam kong di mo dyn magegets ang mga pinagsasabi ko.hehe pero di lang halata pero marami din akong natutunan sa buhay ko.. at masasabi kong..mature na akong haharap sa buhay na simple at sa kinabukasan kong hinahangad..syet..pangit ng mga linya ko.. wahh may poknat ako..badtrip..
No comments:
Post a Comment
Anong meron?