Pages

Monday, March 26, 2007

sa may dako paroon

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “a person who wants to be perfect at any cause, cannot attain perfection by any cause.”, which is my very first blog and which is a FRIENDSTER blog that was deleted a long time ago. But of course, the blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.

ang pag-ako sa kasalanan ay isang malaking pagpaparaya sa naglalagablab na damdamin. ibig kong sabihin.. kung ikukumpara sa pangungumpisal nakakagaan ng loob.
kanina lang kay fader nangumpisal kami. . .
pag-mumura. salita na sinusumpa ko nung bata pa ako. di na mapigilan. naimpluwensyahan na. sabi pa ng iba..ANG LUTONG!
kulang sa respeto. sa magulang at mga kapatid at dahil ako ang pinakabata..yan ang responsibilidad ko. ang gumalang. ang tumahimik. wag umimik. wag maglaban. at bukod sa lahat ang wag sumagot kapag tinatanong. “SUMASAGOT KA NA NGAYONG BATA KA?”
tamad. oo..ewan ko nga..di ba? kung may konek sa nunal sa likod yun? pero eto na talaga ako. tamad. mahilig sa tulog. pahinga. ewan.
hindi ko mapagbigyan. di ko mapatawad. isang taong napatawad na ng taong biktima..pero ako na kaibigan ala naman sala sa kin ako pa galit. badtrip.
material na bagay. maxadong paghahangad sa mga bagay na hindi panghabang buhay. ganito ba talaga pag mayaman? charing lang. pero nakalimutan ko talaga sabihin to kay fader.
malaswa paminsan-minsan. ehem. fhm? geh ba. no comment na lang.
hindi nagsisimba. grabeng kasalanan para sa kin pero ginagawa ko pa rin.. epekto yata ng pagiging tamad. nakakatiis nga ako di maligo eh.. tamad talaga. sori naman.
isang our father, pagsisisi.. pray for mama for papa at pray para sa lahat ng kabataang di napagbigyang mag-aral man lang. sa naghihirap. gabay sa kinabukasan ng bawat batang may karapatan matuto pero mukhang wala..parang wala.. baka naman wala talaga?
wahehe.. refreshing.. sana man lang kahit isang araw..maging mabuting bata ako.

No comments:

Post a Comment

Anong meron?