Pages

Sunday, March 4, 2007

ang pagpasyal sa mall

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “a person who wants to be perfect at any cause, cannot attain perfection by any cause.”, which is my very first blog and which is a FRIENDSTER blog that was deleted a long time ago. But of course, the blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.

dati inggitera ako.
bakit ba kasi tumatanginting ang presyo ng mga damit, sapatos, medyas, brief, panty at bra sa mall? lalo naman kapag signatured davah? human, bench, oxygen, lee pipes, art works, dickies, herbench. eh pwede naman bumili ng fake at imitation na mas mura naman at nasusuot din naman. poor lang ako nu ba?
noon..kapag nasa mall ako.. nahihiya ako mag-window shopping pano kung tumingin ang mga sales lady pagtapak na pagtapak mo pa lang sa opening ng shop..sus parang "neng uwi ka na lang…" mapagmatang mga tao..oo na poor lang ako at di ko kayang bilhin lahat ng paninda niyo manong!
pero ngayon di na… malamang divah gurang na ko? ako na ngayon ang tumitingin sa kanila. sila muna ang titingnan ko kung may himulmol bago yung polo na gusto ko. di nakikita ang kagandahan sa panlabas na anyo. gano pa kamahal, kaginto at kabango (amoy factory) yang suot mo  di ibig sabihin mabango ka din..malay ko ba kung may anghit ka.
naiisip ko rin na pagnagkapera ako bibili ako nito, niyan at nun. pagmayaman na ako..isusugapa ko sarili ko sa mga usong damit, usong gamit, usong wig, usong stuff toy, usong pabango at usong key chain.
pero narealize ko na di naman pala kailangan maging ganun.
di ko kailangan ng mga signatured na gamit para mabuhay ako ng masaya at maluwag.
kahit galing bangketa o ukay-ukay masusuot ko naman eh. sino ba ko. reyna ba ako sa narnia? di naman divah? sabi ko nga di ako maarte.basta gusto ko sa bawat desisyon ko mukha pa rin akong taong maituturing.
isa pa bakit ko ba iisipin ang iniisip ng iba kung pwede ko namang isipin ang iniisip ng isip ko? kung may sarili akong desisyon at paninindigan bakit ko nga ba sinasabi toh.. naman.. sino na naman kaaway ko.
ay naku…CHAO.

No comments:

Post a Comment

Anong meron?