ang sarap matulog noh? lalo na pagwalang iniisip bukod sa matulog na lang..
kaya nga ayun.. tinatapos ko na lahat lahat ang mga kailangan naman talagang tapusin.. kase gusto ko ng matulog..yan ang hobby ko.. yan ang nais ko.. sa araw araw yan ang pangarap ko..ang makatulog… ng mahaba.. pero matulog ng tulog na posible pang magising kinabukasan.
nag-iisa akong babae at bunso pa, may dalawa akong mayayabang na kuya, isang ama..
pero pagdating ko sa bahay galing skul ala ako nadadatnan sa bahay..kase nasa ibang bansa ina ko(sosyal)..
may tatlo kaming aso, limang tuta, pusa na minsan nandyan minsan wala, may isang arwana, isang dosenang goldfish, at isang natatanging isda na hanggang ngayon ay hindi ko pa natutukoy kung ano nga ba ..(babala..di ako nagjojowk)
meron din kaming mga daga, ipis, butiki, langgam at gagamba na pinaka kinatatakutan ko sa lahat..
pero di tungkol sa mga hayop yung kwento ko..sabi ko nga pagod ako..
sa isang bahay.. inaasahan na babae ang gagalaw.. sana naging statwa na lang mga lalaki noh? magluluto, maghuhugas, magsasaing, maghuhugas ulit,..
di naman ako nagrereklamo.. pero, gusto ko na talagang matulog…isa pa.. kailan pa ako gagawa ng assignment pag puti na mata ko?
at ang masama pa dun.. isang beses ka lang di maghugas ng plato..sus parang isang dosenang taon ka na walang ginawa?
shet di ba? pero kahit ganun.. okey lang.. pinagpapala ang naaapi..haha.. joke.. di naman ako naaapi… nag-eenjoy din ako.. proud ako sa sarili ko dahil di ako tamad sa bahay, proud ako na pinagluluto ko sila ng nilalamon nila..at pinaghuhugasan ko sila ng pinagkainan nila..
para pag may chance..isusumbat ko sa kanila.. tapos ang saya ko.. reyna..charing.. hehe,.. joke lang ang lahat..
di masaya talaga ako.. sa ginagawa ko.. kahit nakakapagod.. ang totoo.. mas masarap kaya matulog pag pagod… pramis…
minsan naiisip ko.. kung di nangibang bansa(shet tagalog) ina ko.. siguro di ko marerealize na kailangan kong gawin ang best ko..na dapat magsipag.. gumalaw pag wala ng gumagalaw (nakakatawa sa bahay.. pag nagiwan ka ng kahit anong bagay kahit saan..di yun mawawala dun.. kahit next year nandun pa rin yun..mapa-papel na scratch, baso na pinag-inuman, balat ng candy, patay na ipis..) haha.. pero dahil nandito ako.. syempre pababayaan ko ba yun?
ayun… kapagod.. hay.. pero.. yeevaahh.. har har… ang saya..
No comments:
Post a Comment
Anong meron?