|
**I've
been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I
wanted to merge everything because I felt there is a sense of security in
doing so.
**This page right here was actually a blog post from my
late blog, “a person who wants to be
perfect at any cause, cannot attain perfection by any cause.”,
which is my very first
blog and which is a FRIENDSTER blog that was deleted a long time ago. But of
course, the blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love
all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad
writings will always be kept! And I just decided
today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one
site! Dates are preserved by the way.
|
walang humpay na paggawa ng blog..
walang humpay na pagdaldal at paglathala ng sari-saring kwentong walang kabuluhan..
ang ikwento miski ang personal na buhay..
ako ba yan? nagpaparinig? karirin ba ang pagsusulat?
nagsimula ako sa libro ni ginoong bob ong… (basahin mo rin baka magkaroon ka ng inspiration..no joke..) aakalain mong joke ang mga nakaprint sa munting libro niya pero seryoso pala siya..
sumunod ang pagkakaroon ng diary (na sabi nila ang pinaka-korny na bagay sa mundo)…
ang pagkakaroon ng sandamakmak na katangahan at wala ni isang kabigan..(meron naman..joke lang para kaawaan..haha)
sa gitna ng pagmumuni-muni..nahilig ako magsulat.. mag-alibi..tama man o mali..ang saya! Kaya..lalo na pag walang halong kaplastikan ang pinag-sasabi mo..
basta humarap sa pc..pumindot ng mga letrang a-b-c hanggang x-y-z… tapos sabihin mo kung bakit mo ginawa yun..(tsaran!!) may isang article ka na…
masaya nga ba ang magsulat? tingin ko kung gagamit ako ng lapis ngayon ni isang letra di ako mag-aatubiling magsulat..pero dahil may keyboard…well?
madaldal ako kung sa madaldal.. napapahiya ko ang sarili ko sa harap ng daan daang tao ng wala sa oras at take note “ni hindi ko napapansin”.. kagagawan yang lahat ng bunganga ko (o ng isip ko o ni ako o basta yun na yun..)
xempre naun masaya na akong nagsusulat di tulad dati.. ang buhay ko ay puno ng drama..
telenovela..chinovela..koreanovela..asianovela.. at kahit ano nang pwede pang iduktong..teleserye?
naisip ko..bakit kailangan magdrama eh pwede namang magtrip na lang?bakit ba maganda maging bida eh masaya naman maging kontrabida..(echusa)panu tayo ulit napunta sa drama?..anyways..
wag magtaka kung bakit ganito na lang ang blog ko
ewan ko..pero shy type pa rin naman ako(pa-humble kuno..)xempre kung di naman tayo close.. kaya ko ba naman dumaldal? xempre hindi.. alam kong madaldal ako..pero la naman akong sinabing outgoing ako(sino kaaway ko?)pero daldalan tayo if you want numero ko na sa profile ko..(pero sira nga pala celepono ko naun..)
alam ko namang wala na namang patutunguhan ang mga sinasabi ko… hmmm… sino ka bang nagtyatyaga sa pagbabasa nito? sipag ah! galit na galit…ah?..
ano na nga ulit yung ikekwento ko?
No comments:
Post a Comment
Anong meron?