ganito ako..kasi inaalam ko kung ano ang gusto nila at ayaw.. ayuko kasi na ayawan nila ako.. natatakot ako na ma-reject ako ng tao.
pero dun ko nalaman na you cannot please everybody…di ko kailangan ipagpilitan ang sarili ko sa ibang tao. bakit ko nga ba kailangan baguhn ang sarili ko para sa kanila eh may sarili naman akong palagay sa buhay.
minsan talaga maingay ako pagnagtitrip with tropa..pero di ako papansin…pagnakakakita nga ako ng KSP..parang nakikita ko yung sarili ko dati..
“ay papampam”
lumaki ako sa environment na tuwing pasko lang nagkakaroon ng bagong damit.. kaya di ako mahilig mag-inarte.. kung anong ihain yung ang nilalamon ko..kaya nga ganito ako kataba siguro..
hindi ako makapag-inarte kase ano ang i-aarte ko? magyabang..wala naman mailabas? ayuko naman maging voka.. (”ay alam mo ba puro signature damit ko..oh etoh nga kabibili ko lang kanina sa louise vuiton eh..pero para talaga toh sa ano…at alam mo ba…”)
di ako plastik.. at di rin ako gagawa ng kwento para lang maka-close ka..bakit pa?sayang laway? may mga taong ganun.. super voka.. dami ako kilala.. pero di naman ibig sabihin nun masamang tao na sila… actually..mas nakakatuwa pa nga sila.. kase kahit alam mong walang patutunguhan mga pinagasabi nila..eh nagtatry sila makisama..kaya okey na rin..
kapag may achievements tayo…. dapat di natin pinupuri sarili natin..mas masarap marinig ang papuri na galing sa bunganga ng ibang tao… kapag walang pumuri sayo isa lang ibig sabihin nun..
di ka kapuripuri..
tama naman di ba? kase pagpinuri mo sarili mo.. ano labas mo? eh di mayabang ano pa ba?
hhmmm…mas masarap din tumahimik..lagi ko isanasapuso ang salitang tahimik kaso di ko talaga carry…. kapag tahimik..tas yung tipong nakikinig ka lang sa mga pangyayari.. mas maganda…
yung naaalala ko lagi na sinabi ng classmate ko dati..
“kapag tahimik..yun ang mas matalino.. kasi yun nakikinig muna at nag-iisip bago magsalita..ang maingay..ano? bigla bigla na lang dadakdak…”
hanggang ngayon..naiisip ko pa rin yan..hay..
No comments:
Post a Comment
Anong meron?