Ganun yata talaga ang
Kahapon, hindi na ako nag-isip pa. Basta pumasok na lang ako sa site at nag-enroll for RN review. Matagal ko na nabanggit na pwede na ako mag-exam. Pwes, meron na akong schedule on February 28, 2015. At ayun, 108 days to go na lang, board exam na hindi pa rin ako nag-aaral. Sobrang naging busy kase. Busy at hassle ang mga events, pero fulfilled naman ang mga events na yun, at ang saya-saya kaya okay lang.
Pero ngayon, kailangan ko ng i-push toh. Obligado na ako mag-review talaga. Kailangan ko mag-sipag-sipagan for my future.
Kani-kanina lang, ayun, may announcement ang boss namin na starting next Monday, may overtime na kame. We can go overboard sa isang araw if we want dahil nga holiday, inaanticipate ang pagdami ng trabaho. More money for me, pero kung gusto kong gawin yung mga overtime na yun, I need to make sure at the end of the day, I will make time to study for my test.
Last week din, pagkakuha na pagkakuha ko ng sahod ko, bumili na ako ng ticket... airplane ticket! Wooohoooo!! Literal na nagsayaw ako pagkabili ko. Woooooh!! Makakauwi na ako sa Pinas!! Pero next year pa, mga May 2015. Syempre mas mura mamili ngayon, kaya ayun. Pero simula nung binili ko yung ticket, alam mo na, hindi na ako mapakali sa excitement!! Grabe 6 months to go. I need some plans to distract me within this six months. Ngayon pa lang kase na-a-out of focus na ko. As in.
Ayun lang. Di ako makapaniwala wala man lang ako kahit isang post ng October, busy nga talaga ako.
-K.T. 2014
Na-delete mo na ba yung candy crush mo ha?? It will crush your dreams. LOL
ReplyDeleteTama ka... Laging may reason si Lord sa lahat. And kung ano man magiging decisions mo, you will be guided. =) Good luck sa journey mo and I'm excited for you sa kung ano mang darating sa buhay mo!
ReplyDeleteMay God bless your wedding too! <3
Congrats!
www.traveliztera.com