Namiss ko na bigla mag-blog. Namiss ko yung mga panahon na wala akong takot magsulat ng kung anu-ano. Hindi takot ma-judge, hindi takot magmukhang tanga.
Pero ngayon, hi! Ito ako. Actually, wala namang ibang nangyari sa kin kundi tumanda lang naman ako ng konti. Tinubuan ako ng kapiranggot na kahihiyan sa balat. Pero nakakalungkot. Ang tahimik ko na ngayon. Awkward pa din, pero mas tahimik na nga. Nagkukunwa-kunwarian ang kaluluwa ko, kunyari reserved ang peg.
Pero yung totoo, nag-iingat lang ako, kase baka ako'y madapa.
At, hindi pa rin ako pumasa ng NCLEX on my second take. Pero actually, napaniwala ko ang sarili ko na papasa ako this time. As in. Nung nakita ko yung result, mas worst siya compare sa first take ko. Hanep.
But I know na I did not fail. GOD will never fail. Magiging failure lang ako kung mag-quit ako. Alam ko hindi ko passion ang maging Nurse. Kung baga, singer na hindi marunong kumanta. Yun ako. (I mean literally, yun ako).
Pero kailangan kong tapusin ang nasimulan ko.
I already have too many beginnings without an ending, at ayukong isa na naman 'to sa maidadagdag ko sa listahan. Nakakapagod.
Hindi ko naiintindihan. Hindi ko alam ang dahilan. Bakit ba ako naging nurse? Bakit ako naka-graduate? Yung mga gusto ko talagang gawin sa buhay, na-stagnant na sila kung saan ko sila iniwan.
Pero yung pagpasa ko sa board exam sa Pilpinas, yun, yun ang parang bumatok sa kin, na para bang, "Sana naman by now alam mo na na ito ang purpose mo."
So ngayon, bakit hindi pa rin ako pumapasa ng NCLEX kung ito nga ang purpose ko? Kase kulang pa din. Alam ko yun. Ramdam ko yun.
Alam ko ang kaibihan ko sa mga kaibigan ko na nurse. Alam nila ang profession nila. Kung baga, sila, singer sila na marunong kumanta.
Unpredictable si Lord, yun lang ang masasabi ko in the end. Hindi ko alam paano maiduduktong permanently sa katawan ko ang pagiging nurse, pero alam kong kailangan kong gawin 'to kase may dahilan. Wait ka lang.
-K.T. 2015
No comments:
Post a Comment
Anong meron?