Bigla ko naalala nung isang araw na, oyyy!! 1 year na pala ko sa L.A.!! Nag-start kase ako mag-work dito September 5, 2013! At tingnan mo naman, ang
Nung nakarating ako dito sa states, takot na takot ako, kase pakiramdam ko baka hindi ako makahanap ng work. Pero, clingy eh, clingy kay Lord pag may kailangan, (sabi ni Lord, "ganyanan? user friendly?"). Minsan sabi nila kapag may mga challenges ka talaga sa buhay, the more na mapapalapit ka talaga kay Lord, sabi pa nga ng iba baka nga kaya binibigay niya yung mga challenges na yun, eh baka kase masyado na tayong bilib sa mga human powers natin, thinking we don't need HIM anymore. And then my Dad send me these scriptures sa e-mail
Hebrews 4:3:"For we which have believed do enter into rest, as he said, "As I have sworn in my wrath, if they shall enter into my rest", although the works were finished from the foundation of the world."
Kailan mo malalaman na naniniwala ka talaga na ipagkakaloob sayo ni Lord yung desire mo sa life? Na, talagang yung seryoso ah, totoong naniniwala ka talaga na ibibigay niya sayo ang kailangan mo talaga sa buhay mo?
Nung time na yun, wala akong work at walang mahanap na work, at hindi naman ako RN dito sa states, paano ko i-assure sa sarili ko na bibigyan talaga ako ni Lord? Lalo na kapag naaalala ko mga work history ko. Kase unang tungtong ko dito nung 2010, hanap work, walang work, nakatanggap ako caregiving na trabaho, hindi ko kinaya, nag-quit ako. Kahit yung dalawang call center job ko sa Pinas nung 2012 hindi ko kinaya. Big deal sa kin tong phase ng life ko na to, kase takot talaga ako. Una, na baka hindi ako makahanp ng work, at pangalawa, na baka di ko na naman kayanin.
So after ng mga failures ko sa life ko, kung irerecite ko sa utak ko na, ay makakahanp na ako ng trabaho 10x, ang hirap! Para kong niloloko yung sarili ko!
Pero ang inexplain dun sa scripture, malalaman mo lang talaga na you BELIEVE and that you have faith in HIM, kung...... kung....... interesado ka ba talaga malaman?
Sige na nga, basahin mo ulit, "For we which have believed do enter into rest".
Sabi, kung sino daw naniniwala, they will rest. Hahahaha.. pero hindi rest in peace ah! Pero yung rest na sinasabi eh yung peace of mind mo sa puso mo. Walang worries, walang doubt! Confident ka!
Sure ball ka at naniniwala ka sincerely na mangyayari talaga, hindi drawing at hindi joke. Na actually, may schedule na nga si Lord para sayo!! Kaso nga syempre para exciting, hindi mo alam yung schedule, so surprise! Di ba ang saya?
We have to realize na kung ano man yung set date para sayo ni Lord, hindi yun dahil iniinis ka niya at pinaghihintay, pero may purpose yun, may dahilan bakit yun yung panahon na ipagkakaloob niya ang blessing na hinihintay mo talaga. Kaya wag kang atat! Alam ni Lord ang ginagawa niya!
Pero sa ngayon, kumalma ka, at ang ibigay mo muna sa kanya eh ang faith mo.
Pero ang hirap noh? Hindi ko sasabihing nung binasa ko yan one time, wow naging free agad yung isip ko, naniwala ako agad na dadating na yung trabaho na kailangan ko. Pero syempre maya-maya may lingering doubt na naman sa utak ko na baka ganito, kesyo ganito, baka ganyan. Nakailang beses ako kailangan bumalik sa verse na yan, para paalalahanan lang ang sarili ko na ang kulit ko! Wag na nga mag-alala sabi eh!
Yung dasal ko hindi na, "Lord, sana po bla bla bla...", kundi nagtransform into, "Lord, alam ko po at sure ako...."
Hindi naman ako agad nagkatrabaho after ng epiphany ko na toh, pero continue lang yung paghahanap, tsaka binaling ko yung free time ko sa pagtakbo. Tapos nag-eexplore din ako sa labas ng bahay, at actually nakahanap pa nga ako ng volunteer work. Pero everything leads to HIS plans eventually at yun nga, natanggap ako sa L.A.
Nung mga unang buwan ko sa first job ko, ay sus, walang-wala ako nun, pero ang saya-saya ko. Kase di talaga ako makapaniwala na ang perfect perfect nung job para sa kin. Kase may konek pa rin siya sa Nursing, tapos office work, so computer. Napapangiti ako pag naaalala ko na dinasal ko sa kanya na alam kong yung job na ibibigay niya is something na I won't regret having, at something na tama talaga.
Ang hindi ko alam paano ko i-eexplain yung amazement ko sa pangyayari na 'to sa part ng life ko. Kase, gusto ko talaga lagi ikwento toh, and this might just be another simple story to someone, pero this a part of my life na importante talaga sa kin.
Faith kay Lord, oo naman, lahat naman tayo may faith, pero aminin!! Laging limitado!! Laging nandun yung thinking na baka kase impossible, baka kase ganito, baka kase ganyan and so on. Ang nangyayari tuloy parang minamaliit natin yung kakayanan ni Lord sa buhay natin. But we should start claiming HIS words, na ibibigay niya ang heart's desire natin at kung hindi naman, baka naman hindi pa ngayon at kapag hindi talaga niya binigay talaga, ay sus, wag pa rin mag-alala, kundi ma-excite, ibig sabihin nun, something better!
-K.T. 2014

Ang Panginoon lang talaga ang nakakabasa ng puso ng tao, siguro nga nakita niya ang laki ng pananampalataya mo! Natutuwa ako kahit paulit ulit mo yang ikuwento. Sana marami ring katulad mo na sa kanya umaasa ng buong buo at hindi sa sarili! Nice post!
ReplyDelete