Pages

Wednesday, August 25, 2010

ang dame na nangyare since my last post.


**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.

Nagbirthday na ako...
Tumigil na ako sa pag-aaral...
Puro tambay at gala na lang ako...
Tapos may namatayan sa dalawa sa mga kaibigan ko...

Kung pwede lang gawin ang lahat ng bagay sa loob ng isang araw at kung ang lahat ng bagay na yun na mangyayare ay pwede lang isulat.. siguro ginawa ko na...

Medjo matagal tagal din akong di nagpaparamdam dahil sa ngayon lang kame nagka-net (oo, isa tong malaking problema ng lipunan... ang walang internet).

Nagbirthday ako... may ilan akong nalibre... may ilan akong nakuhaan ng pictur... yung iba hindi..
Naging masaya ako...
Hindi ko naimbitahan ang lahat dahil: una, hindi na ako nag-aaral at wala akong baon... pangalawa, hindi pa ako nagtatrabaho at hindi rin sumesweldo... so nagtataka na lahat.. nasan na nga ba ako?

Isa na akong tambay.. isang pangarap na matagal ko na inaasam.. at nakamit ko naman.. sabi ko na nga ba eh.. Lahat ng gusto ko sa buhay nasusunod...

Kung bago ka pa lang sa issue na toh at ngayon mo lang narinig ang chismis na toh (na hindi na ako nag-aaral) WELCOME sa iyo... for sure ang una mong sasabihin ay.. "DI NGA?"

at isasagot ko naman ay.. "OO nga!"

Marahil iniisip ng iba papansin ako dahil hindi ko pa deretsahin at sabihin sa lahat ng nangyayari.. pero tingin ko papansin din ako kung lahat ng nangyayari sa buhay ko e pinagtutulakan ko i-update sa lahat ng kakilala ko...

kaya pinipili ko manahimik..

pero eto na lang ang masasabi ko.
Madame akong alibi na sinabi para ma-convince lang ang mga tao sa paligid ko na worth it ang pagtigil ko sa pag-aaral ko.

ehem.

Aalis na ako ng bansa pero malamang sa sigurado mga late OCTOBER pa ito magaganap o November.

Hindi ko na tinapos ang 1st Semester ng HULING taon ko sa pag-aaral sa nursing (dahil 4th yr na ko) dahil sa pag-alis ko na ito.

Alam ko naman na inaabangan lang nila isagot ko na TINATAMAD na ako mag-aral... at dito ko lang sasabihin na OO. Tinatamad ako.

Pero di ibig sabihin nun ayuko na mag-aral dahil kaya ko mag-aral.

"Bakit di mo pa tapusin ang SEMESTER?"
"Dahil ang ipangbabayad ko sa tuition ko... pambabayad ko na lang sa pamasahe ko.."

Ang lage ko sinasabi babalik ako next year para ipagpatuloy ang nasimulan.. at tatanungin ako ng "bakit hindi pa ngayon...?"

At isasagot ko... "dapat kase before ako mag 21 years old makaalis na ako.... at 20 na ako ngayon..."

Hindi ko rin alam kung mag-aaral na lang ba ako sa ibang bansa... o babalik pa rin dito...
Huling tanong pano si mayk...? Pero sa min sa min na lang ni mayk ang sagot jan.

***

Namatay ang Nanay ng kaibigan ko na si Mary Jane Corillo.... ng umaga ng August 23, 2010 5:05 am...

Samantala ang Tatay naman ng kaibigan ko na si Rhea Ondoy Miranda sa parehong araw.. August 23, 2010 10:58 pm...

Sa kalagitnaan ng araw na ito... may hostage drama sa luneta... at walang nagawa ang mga sana ituturing nating bayani.. madame ang namatay pero hindi ko alam ang buong kwento sa likod ng pangyayari na ito.

.....




2 comments:

  1. may dahilan naman pala.

    gusto ko rin maging tambay. my gulay. sayang naman. ano balak mo pagpunta mo sa ibang bansa?

    ReplyDelete
  2. ngayon ko lang nabasa comment mo....balak ko? madame...

    pero subjective.. pwede magbago..
    pero sa ngayon..balak ko magwork muna dun...

    ReplyDelete

Anong meron?