Pages

Tuesday, June 22, 2010

Dati lang

**I've been importing in this blog all of my previous posts from my old blogs. I want to merge everything because I felt there is a sense of security in doing so.

**This page right here was actually a blog post from my late blog, “ROAD TO KILL”. The blog itself was deleted but I never deleted my writings. I love all of the masterpieces I made from the past, beautiful, ugly, good or bad writings will always be kept! And I just decided today (February 9, 2013) to publish again all of these masterpieces in one site! Dates are preserved by the way.

Wow. hanep!

Dati lage ako naghahanap ng masasabing malungkot sa buhay ko. Yung mga pang-Maalala Mo Kaya.."

Pero napatunayan ko naman in the END na, wala naman talaga akong masasabing malungkot tungkol sa buhay ko. Okay... ipagpatuloy ang kaligayahan!

Pero... huwaaat? bakit ngayon ganito na ang pamilya namin..?

Taking it positively, alam ko naman na matagal na sinabi sa kin ni LORD na:
  • Magkahalo talaga ang lungkot at ligaya. Hindi pwedeng lagi ka masaya, hindi rin naman pwede laging malungkot.
  • Everything is a TEST. Dapat sa lungkot at ligaya hyper ang faith mo sa kanya.
  • Lahat ay may reason. Kung ano man ang pinagdadaanan ko ngayon, hindi ito binigay ng hindi ko kaya. At sigurado ako na may pakinabang ito sa darating na future.
  • Parte ito ng pag-HULMA sa katauhan ko. Alam ko malalim ang salitang hulma, curve ba ito o shape sa english, hindi ko sure. Pero kung ako si kamil at ang mga problemang ito ay tutulong para maging ako ang TALAGANG KAMIL na gusto ni LORD para sa kin, lahat ng problemang ito ay WORTH IT.
Kalungkot talaga, gusto ko mag-drama mag-isa o kaya gusto ko na lang matulog maghapon. Kase yung mga everyday errands sa buhay ko nakakadagdag pa sa mga iniisip ko.

Nakakadagdag pa na ayuko mag-drama sa harap ng tao, feeling ko sasabihan lang nila ako ng papansin.

Gusto ko umiyak ng isang buong gabi para isang iyakan na lang, tapos manhid na ako kinabukasan.
Gusto ko takbuhan na lang ang problema at hayaan na lang gumaling ang sugat ng kusa.

Ang hirap kase ng may ginagawa ka pa, ang hirap kapag may sinasabi ka pa. Masarap na lang manahimik at tanggapin na lang lahat.

Magsasaya ka for the mean time, only to realize na pag-uwi mo, pag-higa mo sa kama mo, maaalala mo na... "O nga no! May problema pa pala ako.."

----antok

No comments:

Post a Comment

Anong meron?